Chapter 3

53 0 0
                                    

Pagkatingin ko sa score, lamang na ng 2 points ang BLUEmings, yun kasi ang name ng team nila. At parang ang bilis ng oras kasi 4th quarter na.

"Jessa Mae! I-shoot mo na! dapat manalo tayo!” tili nung isang second year na Yellow family din. At agree ako sa kanya, we have to win.

“2 minutes remaining and the BLUEmings are up by 2.”

Biglang pinasa ni Jessa Mae ang bola kay Willy Mae, kaso naagaw din nung isang BLUEming na si Farha yata iyon. Nasa kabilang court na, at kabado ang lahat.

“Talo na ata kami” talagang lungkot na lungkot na ako.

“Ano ka ba! Ang nega mo! May 1 minute and 10 seconds pa!” ang lakas ng boses ni Jonaliza habang sinasabi yon. Kaibigan ko rin yan at halos mapaos na nga sa kakasigaw eh. “Yes! Hindi na-shoot! Jessa Mae, GO!!!” sumigaw na naman siya. Wait! Na kay Jessa Mae ang bola?

“Dali! Dali! Shoot mo yan!” bigla naman akong nabuhayan. 45 seconds na lang. may pag-asa pa ba?

Dribble, pasa kay Willy Mae, dribble na naman, 35 seconds na lnag. 30 seconds at pinasa kay ate Rm. Hay, dribble na naman, sobrang ingay na ng mga students. 23 seconds remaining at pinasa kay Jessa Mae.

“Willy Mae! Willy Mae! Willy Mae!” nagchecheer na naman lahat ng Yellow family. Abah! Supportive talaga. Sayang bakit pa kasi ako natamaan, may sugat pa ako.

Ayan na 12 seconds na lang. tumakbo na siya, nag-pause at nag-shoot…bakit parang slow motion? Three points kaya?

“Panalo!”

“Whoa!”

“Badtrip! Pumasok yung bola!” Ano raw?

Pag-angat ko ng ulo ko, nagtatalon na ang teammates ko. Yung ibang Yellow family members nagtakbuhan para i-congratulate sila. At nagulat ako….

“hoy Gwenn! Crybaby ka talaga! Punasan mo nga yang luha mo!” sabay abot sa akin ni Jonaliza ng panyo. Oo, iyakin ako, lalo na kapag masaya. Weird no?

*************

Tuwang-tuwa kaming lahat at nagpakain pa nga itong si Jessa Mae. Dahil morning game kami, mamayang 12 ng tanghali, Boys’ Basketball naman. Red Dragons at Green Konoha ang magkalaban. Excited ako, know why? Reggie’s there. He’ll be playing against the school’s captain ball, Chad Aquino. ito ang pinakahihintay ng lahat.

Nang mag 11:30 na, nagsimula nang pumasok ang mga students sa school Dome. Grabe sobrang excited ng mga taong to. Pero sandali lang, ako rin pumasok na, aba, gusto ko ng magandang upuan. Kasama ko sina Kia at Lovely pati yung ibang Yellow Warriors. At dahil talo na nga ang family namin, magchecheer na lang kami para sa mga players na maglalaro ngayon.

Naunang umentrance ang Red Dragons. Hiyawan naman lahat ng Red Family at syempre yung iba rin na kampi sa kanila. At ang hinihintay nilang lumabas ay paparating na.

“Chad Aquino! Chad Aquino! Chad Aquino!” kailangan ba talagang buong pangalan ang isigaw? Bad trip.

“Hay naku! Ang ingay ha!” sabi ko kasi talagang sobrang ingay.

“Eh kasi pogi! Tingnan mo kaya noh! Woooh!” isa pa tong si Jonaliza eh, at oo, babae yan.

“Okay lang yan, Gwenn. Magiging ganyan ka rin mamaya kapag labas ni Reggie.” Natigilan naman ako sa kanya,

“Ok fine. I admit it.”

“Hintayin mo na lang.”

“nako!!!! Next na si Reggie!” sumigaw na naman si Jonaliza.

“I know right” at na-excite naman ako syempre.

And my most awaited moment, pumasok na isa-isa ang Green Konoha. Malakas din ang hiyawan lalo na ang Green family, may mga drums pa nga sila eh. At ito na siya.

“Reggie! Aaaah!” halos mamatay na itong si Jonaliza sa gilid ko kakasigaw.

“hoy Gwenn, ayan na oh!” sabi ni Kia.

“I know. Grabe. Ibang klase. Ang tangkad niya talaga, Kia. Tapos ang ilong, sobrang tangos. Ang skin niya, porcelain white pa, mas makinis pa sa akin. At ang mga labi, ang pula-pula. At ang mga mata niya……..nakakatunaw.”

“At talagang dapat nakangiti habang nagpapantasya? Ha?” asar naman ni Jonaliza sa akin.

“Eh kasalanan ko ba yon? And to add, yung body niya bagay din sa kanya.”

“Tama na, please. Malapit na mag-start oh.” Sabi ni Kia.

Then it began. Nasa Red Dragons ang bola at pinasa kay Chad Aquino at syempre, 2 points for the Red Dragons. Kaso bigla ko na lang narinig……

“Paging Gwyneth Ayd Rabia (Gwenn). Mrs. Corpuz is waiting for you in the school library.” Whaat?!? Bakit ngayon pa?! noooo!!

“Aww…how sad naman Gwenn.” Sabi ni Jonaliza.

“Sige na, Gwenn, bilisan mo na para makabalik ka kaagad.” Si Kia naman.

“Okay.” Sa totoo lang nalulungkot na ako ngayon. Bakit ngayon pa?

True Love WaitsWhere stories live. Discover now