The Powerful Princess
Chapter 10 : With Him
___________________________________Anica POV
Oh I wish that I can teleport now.
Shit.
Ginising ako kanina ni Delixean dahil kinakailangan na naming maglakbay kaya heto kami, naglalakbay na naman.
Nasa kalagitnaan na kami ngayon ng gubat nang huminto ang mga Royalties dahilan para huminto rin ako.
"Napakatahimik naman dito" biglang sambit ni Lyra
Totoong ang tahimik talaga dito. Hindi ko na nga alam kung nasaan kami. Napahinto lang kami sa paglalakad dahil may tatlong daan ang meron dito sa harapan namin.
"Guys saan tayo dadaan?" tanong ni Arron
"Walang nakalagay dito sa mapa" bored na sabi ni Delixean
"Lyra, ilocate mo kung saan ang tamang daan" biglang utos ni Delixean.
Tumango si Lyra at hinawakan niya ang lupa.
"Guys, hindi ko malocate. May pumipigil sa mahika ko" sabi ni Lyra
"Eh paano yan?" maktol na tanong ni Maxenne
"Kailangan natin maghiwalay" sabi ni Sabelle.
Tumango sila bilang sang-ayon at napatingin saakin. Tumingin muna ako sa tatlong daanan at tiningnan ito ng mabuti. Base sa aking nakikita, sa unang daanan na nasa bandang kaliwa ko, mayroong mga Wolfog na naghihintay doon. Habang sa pangalawang daanan o nasa gitnang daanan, mayroong mga Wolfal. Samantalang sa pangatlong daanan o nasa bandang kanan ay mayroon namang mga Wolfake. In short, lahat ng daanan ay may naghihintay na mga nilalang.
"Hey Anica, are you okay?" tanong ni Sabelle dahilan mapatingin ako sa kanya.
"Okay lang ako. Sige, maghati-hati na tayo wala rin naman ang tamang daan basta mag-ingat kayo" sabi ko at ibinulong ko lang sa sarili ko ang huling sinabi ko.
"Huh? May sinasabi ka pa?" tanong ni Maxenne
"Ah wala noh" sabi ko
"Sige. Ito ang hati, ako, si Arron at Lyra ay sa kaliwang daan. Sa kanang daan naman kayo Stevan, Maxenne at Christian samantalang sa gitnang daan naman kayo Delixean at Anica" sabi ni Sabelle
Tumango lamang kami at nagsimula nang maglakad. Pagpasok namin ni Delixean sa aming daanan, bigla siyang nagsalita.
"Paano mo nasabi?" tanong ni Delixean.
Tiningnan ko siya ng nagtataka.
"Ang alin?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Anica" sabi ni Delixean at tiningnan ako ng mabuti.
Tumigil siya sa paglalakad dahilan para matigil din ako. Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya.
"Masyadong malinaw ang aking mga mata dahilan para makita kong may mga nilalang dito sa loob ng tatlong daanan kaya nasabi ko iyon" paliwanag ko.
Tinitigan niya muna ako bago siya umiwas at nagsimulang maglakad. Sumunod na lamang ako sa kanya.
Mabilis ang mga lakad namin dahilan para malapit na kami sa dulo ngunit nakita na namin ang Wolfal na nakita ko kanina. Hindi lamang ito nag-iisa, may kasama pa itong isa.
Nagkatinginan kami ni Delixean.
"We will fight them" sabi niya at sumugod sya sa isang Wolfal.
YOU ARE READING
The Powerful Princess
Fantasy>You can find it on Dreame App and also on Moboreader app, still ongoing since it's an English version of my story< Athena Nicole Cassandra Celestine. Long name right? Pero hindi lang sa pangalan niya ang mahaba, pati ang buhay niya. She's a nerd...