TPP : 16

63.9K 1.8K 30
                                    

The Powerful Princess
Chapter 16 : Prepared
_________________________________

Anica POV


Nandito ako ngayon sa Mortal World, to be exact, sa aking bahay at nakaupo. Mamayang gabi ay aalis ako tulad ng napag-usapan namin. Nakaupo lamang ako habang nanonood ng mga palabas sa TV. Mayamaya may nagpakita sa aking harapan na ikinagitla ko.

"What the f*ck?!" gulat na sabi ko sa kanya na tanging peace sign lang ang ginawa niya.

"Nandito ako para sabihin sayo na pagkatapos mong gawin mamayang gabi ay mag enroll ka na dito sa Mortal World. Hindi ka muna babalik sa Magical World dahil may mission pa kaming ibibigay sa iyo at kailangan mong mag-aral sa paaralang sasabihin namin" sabi nya

"Yeah, I know" sabi ko na lang.

Balak ko naman kasing hindi muna bumalik sa Magical World.

"Kung gayon, mamayang gabi sasabihin namin ang dahilan kung bakit doong paaralan ka mag aaral" sabi nya at naglaho na sa harapan ko.

Tsk. Tumayo na ako at pinatay ang TV. Nawalan na kasi ako ng ganang manood pa. Pumasok na lamang ako sa aking kwarto at humiga. Magpapahinga muna ako para makapaghanda mamaya.

Pipikit na sana ako nang may envelope na napunta sa aking mukha. Umupo muna ako bago ko ito buksan. Sa aking pagbukas, isang sulat na may nakalagay kung anong paaralan ang aking papasukan. May kasama rin itong form na gagamitin ko sa aking pag-enroll.

Tumayo na ako at nagbihis. Hindi na muna siguro ako magpapahinga, kailangan ko kasi mag-enroll ngayon para bukas, papasok na ako.

Matapos ko magbihis, kinuha ko na ang aking shoulder bag at ang M-Glasses. Napagdesisyunan ko nang lumabas ng bahay at magsimula nang maglakad.

Habang ako'y naglalakad, may mga nakakasalubong akong mga kapitbahay ko. Masasabi kong naninibago sila sa ayos ko. Hindi na ako magtataka dahil talagang kapani-panibago nga naman ang ayos ko. Ang dating manang na mag-suot at wierd na ayos ay nagbago, naging normal.

Hindi ko nalamang sila pinansin pa at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Hindi naman malayo ang school na papasukan ko kaya okay lang na lakarin ko iyon. Gaya nang sabi ko, hindi rin nagtagal nakarating na ako sa school na papasukan ko. Pinagmasdan ko ang paligid at tiningnan ang pangalan ng school. Mukhang heto na nga.

Pumasok na ako sa loob habang tinitingnan ang paligid. Masasabi kong walang masyadong estudyante ngayon. Saka nga pala, ang school na papasukan ko ay mayroong dormitory. Ibig sabihin lamang iyon, hindi ko na kailangan pang umuwi saamin.

Sa aking paglalakad, nakarating na rin ako sa hinahanap ko. Ang Principal Office. Kumatok na ako sa pinto.

"Pasok" rinig kong sabi sa loob

Binuksan ko naman ang pinto at pumasok sa loob. Isang dalaga na sa tingin ko'y mga nasa edad ko lamang siya, ang aking nakita. Nakaupo siya sa isang upuan habang nakalagay ang dalawa nyang kamay sa table na nasa kanyang harapan.

"Umupo ka. Alam kong nagtataka ka kung bakit isang dalagang bata pa saiyo ang principal, tama ba?" sabi nya saakin.

Umupo ako malapit sa table nya.

Hindi naman ako nagtataka.

"Btw, my name is Ella Luis ang iyong pansamantalang principal. Hindi muna makakaattend ang principal dahil umalis muna sila. Unfortunately, ang magulang ko ang may-ari ng paaralang ito kaya saakin nila ibinilin ang paaralang ito" sabi nya

okay..

"Mag-eenroll ako dito" sabi ko at ibinigay sa kanya ang mga kailangan para maaprove ang enrollment ko.

Kinuha naman nya ito at tiningnan.

"Hhmm Anica Scientele?" basa nya sa pangalan ko.

Tumango ako

"Okay. Enroll kana dito at bukas mo na makukuha ang shed mo at number ng dorm mo" sabi nya sa akin at ngumiti.

Tumango lang ako at nagpaalam na.

"I feel you" rinig kong bulong ni Ella bago ako makalabas.

Tuluyan na akong nakalabas ng Office at lumabas na ng school. Nagsimula na ulit akong maglakad pauwi sa bahay.

Mabilis naman ako nakarating sa bahay at ngayong nandito na ako. Pumasok ako sa aking kwarto at nagpalit na ng damit. Kailangan ko nang maghanda dahil malapit ng maggabi. Matapos ko magpalit ng damit, nagpalit na rin ako ng anyo ko. Nang makita kong ayos na, napagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto. Dumeretso ako sa maliit kong kusina at nagluto ng aking makakakain. Kakain muna ako bago umalis. Hindi naman gaano katagal natapos ang aking lutuin kaya agad kong inihain ito at kumain na. Mabilis ko namang natapos ang aking pagkain kaya iniligpit ko na ang mga ito. Tiningnan ko ang aking orasan at napag-alaman kong 6 pm na. 6 pm, oras na para umalis. Pumasok na ako ulit sa aking kwarto.

"πορταλ" pagcast ko

Nagkaroon naman ng kulay lila na portal. Bago ako pumasok, tiningnan ko muna ang aking kwarto. Huminga ako ng malalim at ngumisi. This is it! I'm excited! I can feel it! Namiss ko rin ang feeling na to.

Pinakalma ko muna ang aking sarili bago pumasok.

I'm ready...

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon