DH#1

18 0 0
                                    


Umaga na at kumakain na si Raine.
At nakita ang Kuya niyang si Jacob na paalis na, ngunit bigla niya itong tinawag.

"Kuya sa'n ka pupunta? Sama ako" tugon niya habang inilalagay ang plato sa lababo.

'' 'Wag na, at tsaka diyan lang naman ako kayla Jillian" napakunot ang kanyang noo ng marinig ang pangalan ni Jillian.

"Ahhh, sige Kuya. Anong oras ka pala dadating?" Tanong pa nito muli.

"Hindi pa nga ako nakakalis 'yan na yung tinatanong mo, pwede ba." Nang irap na lang siya dahil, mukhang wala sa mood ang Kuya niya.

Habang naghuhugas si Raine ng platong kinainan niya ay naisipan niyang magpalobo ng bula sa kamay niya. At tsaka nagpapatalsik siya ng bula sa sahig. At bigla siyang tumatawa.
PAGKATAPOS NUN, ay bigla siyang nakarinig ng katok mula sa kanilang pintuan. At binuksan agad 'yon. Nanlaki ang mata niya na bigla siyang kinuha nitong tao ito.

"Saan mo ba ako dadalhin? Ha? Ayos ka din eh nuh?" Sabi niya habang nakasampa pa din sa katawan ng taong iyon.

"Basta. Alam mo ba kung saan yung bahay ni Jacob?" Tanong nito.

Nang marinig ni Raine 'yon ay agad siyang nagpumilit na bumaba at nagawa naman niya iyon.

"Ano bang meron sa kanya?" saad niya

"Pinapakuha kasi siya ng EX niya dati, kaya naisipan din naming kuhanin ka para masabi mo kung saan siya nakatira at ang alam namin ay dito siya nakatira" mahinahon niyang sabi.

"Ahh eh, hindi dito baka duon oh, duon sa bandang iyon, 'di na kita masasamahan, dahil may ginagawa pa ako sa bahay"

"Sigurado ka? Paano mo nalaman?" Kunot noo nitong sinabi.

"Dahil, dahil minsan ko na siyang makita duon" pagpapanggap niyang sabi.

Tumungo nalang ang taong iyon at tsaka dumiretso.
Ngunit si Raine ay nananatili pa ding alala sa Kuya niya.

"May EX pala si Kuya, 'di ko alam 'yon" bulong nito sa sarili.

Tanghali na.

At naisipan ni Raine na pumunta sa papasukan niyang University at iyon ay ang Hankuk University kung saan madaming INTERNATIONAL students ang napasok duon, naisipan niya ding kuhanin ang Motorbike niya dahil tinatamad siyang maglakad. Habang nagpapadal siya ay napansin niyang may kakaiba sa paningin niya at, bigla siyang nahilo.
Pinatigil niya ang Motorbike niya sandali sa isang bahay at tsaka nakisilong dahil sa sobrang init ng panahon.

"Kailangan mo ng payong, mamaya mapaano ka sa dinadaanan mo ang init pa naman, oh eto payong ko sayo nalang" tugon ng isang lalaki na may hawak na payong.

"Paano ka? Okay lang ako salamat nalang." Pag pipigil niya
Ay bigla siyang itinayo ng lalaking iyon at tsaka ibinigay ang payong.

"Sino ka ba? At tsaka okay lang naman ako nuh? Ano ka ba."

"Gagamitin mo o kukuhanin ko 'yang motorbike mo?" Pag aangal nito.

"Sabi ko nga gagamitin ko na. Thank you" sambik nito muli sa lalake.

Nagpaalam na ito agad at tsaka dire-diretsong ipinaandar ang kotse niya. Napakunot ka agad ang noo ni Raine ng nakita niyang Kotse pala ang dala nung Lalake.

"Kaya naman pala, binigay niya sa'kin, Tststs" saad nito sa sarili.

NANG MAKADATING sa University nila, ay namangha ang kaniyang mata ng makita ito na sobrang laki.

DEAR HEARTOnde histórias criam vida. Descubra agora