DH#3

5 0 0
                                    


Jacob

Pasukan na ngayon...
Pero, hanggang ngayon tulog pa din siya, 8:00 yung pasok niya.
Kaya aakyat ako para gisingin siya.

"Hoy, payatot.. Gising na 8:00 na" pagbibiro ko, sana magising.

"Huh? Weh? Okay sige sige" sabi niya, habang ako nagpipigil ng tawa.

"Kuya naman e! 'Di nakakatawa, 4:50 pa palang oh!"

"Eh sa gusto kong maaga ka dapat gumising, may magagawa ka?"
Kaya yun umakyat nalang siya sa taas para maligo.

Ng biglang.. May tumawag sa'kin.

Julia ko is calling.....

Sh*t, siya nanaman? Kaya ko bang sagutin? Baka mahalata ako ni Raine eh. Napindot ko na.

("Hello Jacob, I miss you na, alam mo bang nagbago na ako. Hindi na ako yung pasungit, at maldita")

Ano namang gagawin ko dun? Ang Corny niya, magsama sila ng bago niya nuh.

"Ano namang gagawin ko kung nagbago ka na? Diyan ka na sa bago mo"

("Galit ka pa rin ba sa'kin? Sabihin mo lang para ngayon sisimulan ko ng makapag move on, at layuan ka, lubayan ka okay na?")

"Oo, galit ako sayo!" Sigaw ko.

(''I understand. Thank you for answering me")

Inend ko na yung tawag.

"Kuya sino 'yon? Ba't sumigaw ka? Anong meron?"
Narinig niya 'yon?

"Ahh, wala wala 'yon. Sige na magbihis ka na" sagot ko

Now Playing: Awake By BTS JIN

"Kuya, anong oras tayo aalis? Nagugutom na ako" tamlay niyang sabi.
Bakit ang tamlay tamlay niya?

"May sakit ka ba Raine?" Nagulat siya nang sinabi ko 'yon.

"Huh? Uh-uhmm, Wala Kuya ah, hindi. Ah, wala. 'Yon wala."

"Raine, hindi ka ganyan alam kong may sakit ka, ano bang nagyari sa'yo?"

"Wala nga Kuya. Okay lang ako nuh? No worries" ng bigla niya akong niyakap, ang init niya.

"Wala ba talaga? Eh ang init mo!" Napayuko siya sa sinabi ko.

"Okay lang nga Kuya" sambik niya habang nakayuko pa din.

"Kaya mong pumasok?"

"O-opo. Kayang kaya" sabay ngiti niya sa'kin.
Kaya ginulo gulo ko yung buhok niya. Ang kulit niya.

Raine

Hayss, wala akong ganang kumain. Ang sakit ng ulo ko, parang 'di ko talaga kayang pumasok. Binitawan ko nalang yung kutsara at tinidor kasi wala akong malasahan... tapos naghugas na ako ng kamay. Si Kuya? Kanina pa siya umalis, maaga daw kasi ang pasok nila. Ako mamaya pa.

Kaya nagpahinga muna ako. 7:00 na, magre-ready na ako.
Lahat ng gamit ko nasa bag ko na.

(A/N: Sorry, 'di ko pa nasabi kung anong grade na siya. She's Grade 10.)

Naglalakad na ako ngayon. Patamlay tamlay.
Kaya nilagay ko yung kamay ko sa leeg ko tapos noo ko, sobrang init talaga. Kakayanin ko 'to promise!

Nang may dumating na kotse na pumarada sa tapat ko.

"Raine, sumakay ka na.. ihahatid na kita sa school niyo" sabi ng lalaki.
Pagkabukas ng bintana nakita ko na siya.

At si DYLAN yung nakita ko.

DEAR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon