Chapter 21

18.5K 363 0
                                    

NApangiwi siya sa pananakit ng likod niya kaya minasahe niya muna 'yon. Tahimik na nililigpit niya ang mga gamit dahil uuwi na siya pasado alas nuebe na ng gabi.

Isinukbit na niya ang bag sa balikat at kinuha niya susi ng sasakyan na nakapatong sa table.
Tanging siya na lang ang naroon at wala na si Chloe dahil pinauwi niya ito ng maaga.

Habang naglalakad siya hindi niya mapigilan na isipin ang nangyari kanina sa Restaurant ni Lauren.. Nakita niya ang pagbabago kay Kirro kamukhang-kamukha nito ang anak niya para silang pinagbiyak ng bunga dahil replika nito ang ama ng anak niya kung baga girl version ni Kirro.

Tanging ugali lang nito ang nakuha sa kanya.

Habang sakay siya sa elevator papuntang ground floor at ng makababa siya binagtas niya ang parking lot ng biglang tumunog ang cellphone niya.

Napangiti siya at sinagot ang tawag.

"Hello baby?"ani niya na may malapad na ngiti sa labi habang binubuksan ang sasakyan gamit ang kaliwa niyang kamay.

"Mommy how are you!"tili nito."I already miss you mommy but waah miss ko nadin po si Tita ganda."nakadama siya ng lungkot sa mga salitang binitiwan ng anak niya na humaplos sa puso niya.

Masakit mawalay sa ina ang kanyang anak at ito nga ang nangyayari sa kanila.

"Baby how's the modeling?"tanong niya saka inilagay sa kabilang upuan ang bag niya.

"It's good Mommy, Tita Ree took care of me."

"Good Baby, Sleep kana and I love you so much."wika niya.

"I love you too Mommy."napangiti siya sa sinabi nito bago niya patayin ang tawag.

"May boyfriend ka na pala, agapi mou."

Mabilis na lumingon siya dito.Anong ginagawa ni Kirro dito..Biglang siyang kinabahan kanina pa ba siya nakikinig?

"May narinig kaba?"kinakabahan na tanong niya sa binata na kinikilatis ang mukha niya kaya mabilis siyang umiwas dahil sa pagkailang.

"No, ang tanging narinig ko ang baby at ang I love you lang so may boyfriend kana pala." Napataas ang kaliwa niyang kilay napagkamalan ba nito na boyfriend ko ang anak niya.Masabuti na kong ganoon nagpapasalamat siya na wala itong narinig.

Tumango na lang siya dito at aakmang papasok sa sasakyan niya ng hilahin siya nito kaya napahawak siya sa braso nito.

"Bitiwan mo ko Mr. Villaluz and I nees to go home."

"No, hindi ko hahayaan na iwan mo ko muli sa ngayon na hawak na kita at matagal na kitang pinapahanap."

"Bakit mo naman ako pinapahanap diba isa lang akong sa babae na pag nakuha iiwan mulang.Alalahanin mo ang ginawa mo Kirro at hinding hindi ko makakalimutan ang mga salitang masasakit na binitiwan mo sakin."saka niya ito itinulak.

Pero mabilis nitong hinapit ang bewang niya at siniil ng halik.

"Mmmm"ungol niya ng kagatin nito ang ibabang labi niya nagpupumiglas siya pero hindi niya kaya mas lalong lumalim ang halik nito nalilo siya sa ginagawa nitong pag-akin sa labi niya wala siyang magawa kundi tanggapin ang halik nito na subrang tamis.

Kumakatok ito kaya ng ibuka niya ay mabilis nitong ipinasok ang dila sa loob at naglilikot.Bumibigat na ang hininga nila kaya kusa na siyang bumitaw sa halik at itinulak mabilis na sumakay siya at iniwan ito doon.

Grabe bakit hinayaan niya itong makalapit at halikan siya wala sa plano niya iyon.Aaminin niya sa sarili na nagustuhan niya ang mainit na halik na pinagsaluhan nila ni Kirro.

Huli na iyon Lane sambit niya sa kanyang sarili.

Kaya mo ba iwasan kung kusa na naman na lumalapit ang lalaki alam niyang mahihirapan siya tanging si Kirro lang ang bumubuhay sa mainit niyang imahinasyon at ang temtasyon na dapat na tigilan baka maulit na naman ang nakaraan dahil kahit anong gawin mo hindi ka talaga niya mahal tanging init ng katawan kaya siya lumalapit sakin.

***
Social Media Accounts.

FB:Sheandra Drilon Gevero

IG: Shasha_0109

Twitter: seandra09gevero

Villaluz Series 1:The Run Away(Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon