"If you really love her that much, her past doesn't affect that love you have for her. You'll accept her for what she was and what she has become now."
Jaz POV
Umuwi kami sa bahay nila Chyler pagkatapos ng ilang oras namin sa paglalakad ng mga kakailanganin niya sa pagta-transfer ng mga ari-arian ng namayapa niyang mga magulang. At simula kaninang huling pag-uusap namin, di na niya ako kinibo pa. Mukhang napansin din yun nina tita Anet at Vince dahil di na sila muling nagbukas pa ng usapan.
"Sa kuwarto ho muna ako." Paalam ni Chyler kina tita Anet na tumango lang.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaakyat na siya sa ikalawang palapag ng bahay nila. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kong susundan ko ba siya o hindi.
"Okay ka lang ba anak?" Tanong sa akin ni tita Anet sabay hinawakan ako sa balikat.
"O-opo, tita." Sagot ko na may tipid na ngiti sa labi.
Mataman niya akong tinitigan saka ngumiti. "Sundan mo siya."
"Po?" Kunot noong tanong ko.
"Sundan mo si Chyler." Sabi niya na nakangiti pero di ako tumalima o kumibo man lang at nagbaba lang ako ng tingin. "Ang mga away mag-asawa, dapat di na yan pinapaabot pa ng ilang oras o di kaya wag matutulog kung may sama pa ng loob sa isa't isa." Saka naglakad na siya papasok sa kusina.
Tumingin muna ako sa direksyong pinuntahan ni Chyler bago sinundan si tita Anet sa kusina.
"May gusto po sana ako itanong sa inyo, tita." Hayag ko ng maabutan ko siyang nagpe-prepare sa pagluto ng kanin.
"Tutulungan mo ba ako sa pagluluto ng isa sa paborito ni Chyler?" Tanong niya imbes na sagutin ako.
"Sige po." Sagot ko pagkatapos ng ilang saglit. "Ano po ba lulutuin ninyo?"
Nagpunas siya ng kamay pagkatapos niyang mai-on yung rice cooker. May mga inilabas siya sa loob refrigerator.
"Bicol express." Nakangiting sabi niya sa akin.
"Uhm..." Ilang beses ko na ba yun sinubukang lutuin para kay Chy? Pero di ko makuha kuha yung timpla niya. Hindi kasi ako masyado sa mga may gata. "S-sige po." Baka may matutunan ako kay tita sa pagluluto nito at maintindihan pa yung nakaraan ni Chyler.
It's like hitting two birds in one stone.
Sinamahan ko si tita sa pagluluto ng hapunan, at habang busy ang mga kamay niya sa paggawa, busy'ng busy din yung bibig niya sa pagkwento tungkol kay Chyler at kay Ann. Matalik na kaibigan pala niya nun si Ann bago naging sila. At tumira nga si Ann dito nang nagdesisyon na silang magsama ni Chy.
"Sa totoo lang, di dahil sa ikaw ang kausap ko ha?" Sabi ni tita habang hinihintay naming maluto yung ulam. "Ayoko sa pag-uugali ni Ann. Kaya ko lang siya pinapakisamahan nun dahil sa pamangkin ko. At buti na lang, hindi sila ang nagkatuluyan." Ngiting ngiti si tita nung sinabi niya yun.
Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya. Sabi na eh, mukha pa lang kasi nun halatang may ere na sa katawan. Kilalang doktor daw dito sa Pili yung tatay ni Ann at retired principal daw yung mama niya. Ayaw na ayaw daw ng tatay ni Ann kay Chyler dahil isa lang daw siyang hamak na pulis.
Nang matapos kami magluto ni tita, tinawag na niya sina tito Damian, Chyler at Vince para kumain na. Sa kabilang bahay pala sila tita nakatira. Pero since nandito kami ngayon kaya dito daw muna sila. Marami namang kuwarto sa taas.
"Ang sarap naman nito, tita!" Masayang sabi ni Chyler. "Na-miss ko luto mo."
Ngumiti naman si tita Anet kay Chy. "Kami ni Jazmine ang nagluto niyan."

YOU ARE READING
Montalban Cousins: New Generation Series - Jazmine
RomanceRemooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straight as a ruler. But her cousins and her sister says otherwise. Pero mali pala siya, akala niya kaya n...