Wattpad Original
There are 4 more free parts

Chapter 6. Mystery

265K 17K 795
                                    


Matapos maligo pinusod ko lang ang mahaba at walang suklay kong buhok. Saglit din akong tumingin sa salamin kung ano ang itsura ko. Bwiset pa dahil asiwang-asiwa ako sa damit ko, kahit na anong hila ko ay hindi talaga magawang umabot sa tuhod ang laylayan ng pink dress na 'to. Tapos off-shoulder pa! Kung hihilahin ko pababa, luluwa naman ang dibdib ko. Yung totoo?

Kahit na labag sa loob ko kailangan kong lumabas ng kwarto para kumain. Tinungo ko ang dining room na ibinilin sa akin ng babae kanina. Buong akala ko mag isa akong kakain, kaya napahakbang ako pabalik nang makita ko si Drico na nasa kabilang bahagi ng mahabang mesa at kumakain. Ilan din sa mga staffs niya ang nakalinya sa gilid, nagbabantay sa kung anong kailangan ng kanilang prinsepe.

Kailangan ko pang tumikhim para lang tingnan niya ako. Simpleng paglingon lang niya sa gawi ko pakiramdam ko nag slow motion ang buong paligid at nanonood ako bigla ng commercial ng.... ng drugs... Sinong may sabing kailangan ko pang humithit ng droga para ma-high? Isang lingunan lang ni Drico nag-hallucinate na ako at umakyat ng langit ang kaluluwa ko sa lakas ng tama ko sa kaniya. Nakakalula.

"This way Ma'am..." Iginiya ako ng isang staff na naroon. Pakiramdam ko nasa isang five-star hotel ako sa pag aasikasong ginagawa sa mga staff sa akin. Maid nga bang maituturing ang mga babaeng nasa paligid ko? Kung postura at anyo ang pagbabasehan baka nga mas mataas pa ang pinag aralan ng mga ito sa akin. Ilan pang mga lalaking staffs ang dumating mula sa kusina at hinanda sa harap ko ang mga pagkaing sa litrato ko lang nakikita. Nasa bahay ba ako? O nasa isang first class restaurant?

Ibinalik ko ang atensyon sa lalaking kahit na malayo ang distansya ay matindi pa rin ang epekto sa akin. Wala siyang kaimik-imik, nakatutok lang ang atensyon sa pagkain. Kahit na sobrang sarap ng pagkaing nakahain ang buong atensyon ko ay kay Drico pa rin. Binantayan kong sulyapan niya ako kahit na one second lang, kaso hindi nangyari. Ni hindi ako kausapin. Para akong hangin sa harap niya. Nang akmang tatayo na siya, humabol ako.

"Sandali!" Tawag ko. Sinikap kong harangan ang dadaanan ni Drico dahil alam kong hindi niya ako papansinin. "Ibalik mo na sa 'kin ang cellphone ko. Kailangan ko 'yon!"

He looked down on me. Literal. Ilang inches ba naman ang tangkad niya sa 'kin. Nakalimutan ko ang iba ko pang sasabihin nang napansin kong bumababa ang tingin niya sa suot kong dress. 'Yong damit na kahit anong gawin ko ay kulang talaga sa tela, labas na nga shoulders, labas pa pati malaking bahagi ng legs ko. Nag-init tuloy ang pisngi ko. Pakiramdam ko bagong labas ako ng banyo at tapis lang ang suot. 'Yon ang feels ng damit na 'to sa 'kin.

"Anong tinitingin-tingin mo ha?" Kunwari palag ko.

"Mas maganda sigurong ganyan na lang lagi ang mga damit mo..." komento niya.

Napamaang ako. Hindi ko inaasahan ang sagot na iyon. Ano raw? Compliment ba 'yon? Sinasabi ba niyang bagay sa akin ang damit na suot ko? Nagandahan yata ang prinsepe sa akin. Damn! Wala pa akong suklay niyan ha.

"...para hindi mo na masipa ang mga tao ko dito."

Naipa-irap ako. Akala ko naman! "Kahit na ano pang damit ko, hindi mo ako mapipigilan kapag gusto kitang sipain sa mukha!"

"Talaga?" Hamon niya.

"Ayoko nang makipag-usap ng nonsense sa 'yo. Balik mo nalang ang cellphone ko!"

Wala siyang sinabi. Umangat lang ang gilid ng labi niya sa isang tipid at makahulugang ngisi. Natulos ako sa kinatatayuan dahil doon.

Puta. Ang gwapo.

Napapamura ako ng wala sa oras dahil sa lalaking 'yon eh. Ang sarap niyang gawan ng kasalanan. Pero sa tingin ko mas masarap gumawa ng kasalanan kasama siya. Haha! Saan kaya tinago ng walanghiya ang cellphone ko? Kailangang maibalik sa akin 'yon!

The Devil's Stolen HeritageWhere stories live. Discover now