Chapter 8: Close?? (Hailey and Nathan)

11.5K 366 6
                                    

A.N: Okay, guys, tungkol itong chapter na ito kay Hailey and Nathan.

See the picture in the media.

Hope you like it.


******
Hailey's POV

Pansin ko na parang naging close sila Zach at Aya sa isa't isa pero ipinapakita nila iyon sa pamamagitan ng pag aaway.

"Hoy! Nerd."

"Bakit, Yabang?"

"Wala, Sungit"

"Mahangin ka naman."

"Kung mawawala ako mamamatay ka."

"Hindi kita kailangan."

"Edi wag."

Yun ang huling sinabi ni Zach bago nag walk out.

Hayy nako pikon talaga ang lalaking iyon.

"Tch! Pikon," sabi ni Aya sabay upo sa tabi ko.

"Mabuti naman at umuwi ka na akala ko forever ka na sa Canada eh!" sabi niya sa Canada kasi yung business trip ko.

"Sus, namiss mo lang ako eh atsaka may pasalubong naman ako sa iyo eh dadalhin ko nalang sa restaurant mamaya nakalimutan ko kasi." Sabi ko.

"Sige hihintayin ko yan ah!" nakangiting sabi niya tss basta pagkain eh.

"Nawala lang ako naging close na kayo ni Zach," sabi ko na siyang nagpatahimik sa kanya.

"Wala atsaka close??? Tingin mo close kami eh lagi nga kaming nag aaway," sabi niya.

"Malay mo iyon yung way niyo sa pagsasabing close kayo atsaka bago ako umalis hindi kayo nag uusap pero pag uwi ko nag uusap na kayo." 

"Nag uusap ba ang tawag doon? Hindi ba nag aaway?" medyo sarcastic na sabi niya.

"Edi nag aaway tsaka ang sweet niyo kayang tingnan para kayong magjowa na may LQ, hahahaha." Natatawang sabi ko,

Grabe naman kasi, kapag nagsama ang dalawa laging mag aaway.

Natigil kami sa pagkukwentuhan ng dumating yung teacher namin sa susunod na klase kakatapos lang kasi ng vacant namin.


********

Pagkatapos ng klase ay dumeretso ako sa garden si Aya kasi ay pupunta raw ng library. Umupo ako sa ilalim nung punong laging tinatambayan namin ni Aya.

Nilabas ko yung sandwich na binili ko kanina at kinain. Kinuha ko yung cellphone at earphones ko at nagpatugtog. 

♪ Sabik na may maramdaman

Di ka man bago sa paningin

Palihim kang nasa yakap ko't lambing ♪

Pag sasabay ko sa kanta.

Simula nung una ko siyang makita feeling ko kami lang ang nag-e-exist sa mundo at naramdaman ko agad na crush ko siya parang crush at first sight.

(AN: may ganun ba? >_<)

♪ Sa bawat pagtago

Di mapigilan ang bigkas ng damdamin ♪

Lagi ko siyang iniistalk kasi gusto kong malaman yung mga bagay bagay tungkol sakanya at dahil doon mas lumalim yung nararamdaman ko para sakanya kung dati crush lang ngayon love na.

♪ Walang sagot sa tanong

Kung bakit ka mahalaga

Walang papantay sayo ♪

Nerd to PrincessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum