Chapter Three

8 4 0
                                    

Chapter Three

*kringggggg, kringgggggg, kringgggggg, kringggggggg, kringgggggggg*

Nag-bell na. It means, uwian na. Nag-aayos ako ng mga gamit ko nung may bigla akong naalala. Magiging tour guide nga pala ako ngayon. Wait.

"Uiyyy! Kate! Fate! Pasama naman oh?" Sabi ko sa kanila while puppying my eyes. Ngayon ko lang ito gagawin.

"Sorry Hannah kasi susunduin pa namin sina Daddy at Mommy sa Airport. Uuwi sila. May problema daw kasi sa mga business namin dito sa bansa. Eh alam mo naman, masyado pa kaming bata para dyan at wala pa kaming kaalam-alam sa business life. Tapos yung mga pinagkakatiwalaan nila ay nasa kani-kanilang pamilya muna daw. Kaya no choice sila kundi umuwi dito. Sorry talaga ah?" Kate. So ako na lang mag-isa at yung unggoy?

"Ahmm... Beatrix, kailangan na nating maglibot. Baka gabihin na tayo nyan. " singit ni Kupal!

"Bessy una na kami ah? Rush na kasi kami eh. Sila daddy pababa na nyan ng eroplano. Malayo-layo pa naman ang ibabyahe namin. Traffic pa nyan papuntang NAIA. Sige babye bessy! Enjoy your date! " loko talaga tong si Faith. No choice na ako ngayon.

"Anong date ka dyan? Tsk! Sige! Ingat na lang kayo!" At tuluyan na nga silang umalis.

"So, tayo na?" Kupal.

"Hindi. Magi-stay lang tayo dito hanggang maaga!" I said sarcastically with matching rolling eyes.

"Ah? Okay!" Sagot nya at umupo sa isang upuan malapit sa kanya at ipinatong nya ang mga paa nya sa isa pang upuan. So wala pa lang manners to? Feel at home eh. Don't tell me slow din ito? mabilis na ba kumalat ang virus ng pagiging slow ngayon? Pero dahil hindi ako slow, alam ko na sumasakay lang sya sa pagkakapilosopo ko.

"Yeah. Stay there and I will lock the door! Bye!" nakakailang hakbang na ako at ng dumaan ako sa harapan nya ay bigla nya akong hinila kaya napakandong ako sa kanya. I stunned. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. And then
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

*pakkk!*

I slapped him. He deserved it. Chansing eh. Nakakainis. Ni minsan wala pang nambastos sa akin na lalaki. Ayoko na talaga sa kanya!

"F*CK! My gorgeous face?! Why did you slapped me?! " he snorted. I don't care.

"Why? Masakit ba?" Tanong ko ng pagkapilosopo. "Sorry, nangati kasi ang kamay kong sampalin ka. Sorry, namula tuloy ang "gorgeous" face mo! Tsk!" sabi ko at binigyang-diin ang salitang "gorgeous" para mas lalo pa syang mainis.

"Talaga bang sinusubukan mo ko ah?" sabi nya sabay tayo. Humakbang pa sya papalapit sa akin. Kaya napapaatras ako ng unti-unti. Mahirap na. Baka manyakin ulit ako nito.

"How did you say so?" Kinakabahan na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero tinago ko ito at nagsalita na parang normal lang.

"Bakit mo ako sinampal?" Sabi nya at humakbang na naman papalapit sa akin. Kaya paatras-abante kami. Napalunok ako. "Uulitin ko, bakit mo ko sinampal?" Mahinahon nyang sabi. Patuloy parin kami sa pag-atras-abante. Buti na lang at kami lang ang tao ngayon dito. Kung hindi, baka mapahiya ako.

"Sinabi ko na nga sa'yo diba?!" Sigaw ko. Kinakabahan na kasi talaga ako. Nung umatras pa ako ng isang hakbang ay naramdaman ko na ang black board sa likod ko. PATAY!!! Huhuhu! Someone help me pleaseeee!

"Alam mo ba na maski nanay ko hindi pa ako nasasampal?" Hindi ako umimik. Patuloy pa rin sya sa paglapit sa akin. 1 inch na lang! Oh Lord! Please help me now! Inilapit nya pa ang mukha nya sa akin. Huhuhu :'( Ayoko na. Masama palang inisin tong tao na ito. "I will repeat for the last time, Why did you slapped me?" Onti na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Yung mga kamay nya inilalagay nya sa magkabilang side ko. Wala na! Trap na ako! Ayoko na talaga! Hindi ko na sya iinisin! Promise!

Because Of HimNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ