Chapter 1 - Goodbye-Hello

560 37 132
                                    


"Sigurado ka na ba, Limea? Tiyak na mag-aalala ang parents mo kapag nalaman nilang wala ka na sa bahay niyo," ani Jester, pinsan ko sa mother side.

"Wala na akong pakialam, Jes. Ito na ang pasya ko. Mukhang hindi naman ako kabilang sa pamilya nila kaya aalis na lang ako," sabi ko.

"How can you say that? Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa'yo ni tito. Nakikita ko namang gusto kang maging close ni Tita Leah dahil ikaw lang ang babae niyang anak," sabi niya.

Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa batok niya habang naglalakad kaming dalawa. Kunwari pang sinasabihan ako pero ito siya at sasama na sa akin para sumakay sa train na papuntang Raekia Village.

"Nasasabi mo iyan kasi hindi naman ikaw ang nakakasama nila. Kapag nandoon ako sa bahay, lagi na lang akong sinesermunan ni papa. Nakakasawa na," sabi ko sabay irap.

Bumuntong-hininga na lang siya. "Ikaw ang bahala. Ang tigas talaga ng ulo mo."

Nginisian ko na lang siya at saka nagpatuloy sa paghatak sa maleta ko. Kailangan kong magmadali dahil tiyak na alam na nilang aalis ako. Wala na kasi halos lahat ng gamit sa cabinet at tangay ko na lahat.

Pupunta ako sa Raekia Village kung saan nakatira si  Mama noong hindi pa siya nag-aasawa. Isa siyang magaling na archer noong kabataan niya. Ang alam ko ay may paaralan doon kung saan nahasa niya ang talento at balak kong mag-aral doon. Kailangan kong ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay habang hinihintay ang katapusan ko.

Magandang pagbuntunan ang paaralang ito dahil hindi siya ganoon kasikat. Balita ko ay ilan lang ang nakakaalam nito. Noong nabubuhay pa si Mama ay halos bente lang daw ang lahat ng estudyante at isang section lang sila. Mahigpit din daw kasi ang pagtanggap nila. Kailangan mo pang dumaan sa isang pagsubok na sila lang ang nakakaalam.

Hindi man ako siguradong matatanggap ako ay susubukan ko pa rin. Kung hindi naman ako matanggap, doon pa rin ang bagsak ko. Mangungupahan na lang siguro ako at magtatrabaho. Bahala na...

"Mag-iingat ka, Pinsan. Wala ako roon para bantayan ka. Huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan," paalala niya habang malawak ang pagkakangisi.

Tinaasan ko siya ng kilay pero napangiti pa rin ako. "Sabihin mo 'yan sa sarili mo, Jes. Mauna na ako," sabi ko.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan sa loob ng train. Kumaway pa ako sa bintana nang makita ko si Jes. Prente lang siyang nakasandal sa isang poste, parang isang modelo. Napapatingin tuloy ang ilan sa kaniya dahil mukha siyang nagpo-photoshoot.

Umiling na lang ako nang kindatan niya ako. Napaiwas lang ako ng tingin sa kaniya nang maramdaman ko ang pagtabi sa akin ng isa pang pasahero. Bahagya akong umusod upang makaupo siya. 

Tinuon ko na lang ang tingin ko sa labas para hindi ako mainip.

May naupo pang dalawang babae sa harap namin nitong katabi ko. Kumunot ang noo ko dahil ang ingay nila. Hindi ko naman sila masuway dahil hindi naman sa akin ang train na ito. Kung may magagawa lang ako ay naipatapon ko na sila sa labas.

Ngunit nakuha nila ang atensyon ko nang banggitin nila ang pangalang Raekia. Mukhang doon din ang punta ng dalawang babaeng ito.

"Na-mimiss ko na sina mama at ang potato mushroom niya! Sana makarating na agad tayo sa Raekia," ani babaeng may kulay pulang buhok na naka-pigtail. Mas maputi siya sa kausap niyang kulay kayumanggi naman ang balat.

"Miss ko na ang alaga kong aso. Tapos na ang bakasyon kaya aral mode on na naman tayo. Nakakainis!" bulalas naman ng kasama nitong may mahaba, straight at itim na buhok. Maganda rin siya gaya ng kasama niya.

Limea MeadowWhere stories live. Discover now