Chapter 8 - Team Leopard

212 12 34
                                    

Chapter 8 – Team Leopard

Point of View: Limea Seay Meadow

Sabado na ngayon kaya wala kaming magiging klase ngayon. Ibig sabihin ay pwede kaming hindi pumasok. Pero ayon kina Nicy, may ilan sa mga rank A ang patuloy nag-eensayo dahil gusto nilang maging rank S.

Gusto ko rin sanang manatili para mag-ensayo kung hindi lang sa nangyari kahapon. Hindi ko pa ata kayang harapin si captain Zeus dahil sa ginawa ko. Halos lahat ng mga kaklase ko ay kakaiba na ang tingin na pinupukol sa 'kin. Hindi ko matagalan.

Nakatingin pa rin ako sa kisame sa kwarto ko sa inn nina Nicy. Hindi pa rin ako bumabangon dahil wala naman akong balak ngayong araw. Wala naman akong pupuntahan o dadalawin. Gusto ko sanang mamasyal pero wala ako sa mood.

"Tumayo ka na nga riyan! Hanggang kailan mo iisipin ang katangahang ginawa mo?" Ani Sparrow habang nakahiga sa tabi ko. Halos itulak ko siya paalis kung hindi lang talaga sa mood ko ngayon. Sparrow ang pinangalan ko sa kaniya dahil ayoko namang tawagin siyang stupid o idiot sa lahat ng oras.

"Tigilan mo 'ko, a? Hindi maganda ang gising ko," mataray na sabi ko.

Tumayo na ako para maligo dahil bigla akong nagutom. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako susundan ni Sparrow pero wala naman akong choice.

"Ito naman. Sabi ko lang naman ay gawan mo ng weak point, hindi ko naman sinabing halikan mo," pang-aasar pa niya. Binato ko na siya ng tsinelas para matigil na siya. Tinawanan niya lang ako pero tumigil naman siya sa pang-aasar.

Matapos kong maligo (Good thing hindi ako sinilipan ni Sparrow), isang katok sa pinto ang nakapagpatigil sa asaran naming dalawa. "Sino 'yan?" Tanong ko habang naglalakad palapit sa pinto.

"Gagala kasi sana kami nina Nicy at Jian. Gusto mo bang sumama?" Tanong ni Alton sa kabilang bahagi ng pinto. Binuksan ko iyon at saka isinara ang pinto ko.

"Sama 'ko. Wala naman akong gagawin o kahit anong pupuntahan." Naramdaman ko agad ang pagsunod ni Sparrow pero nakinig lang siya sa usapan namin.

"Pag-usapan din sana natin ang tungkol sa pagbuo ng grupo."

"Hindi pa naman sigurado kung makakapasok ako kaya bakit niyo ako isasama?" Nakasimangot na sabi ko. Ayoko naman kasing paasahin sila sa wala. Baka mamaya ay hindi naman pala ako makapasok.

Every month kasi ay may pinipili para umabante sa rank B. Kaunti lang ang nabibigyan ng pagkakataon at tanging rank C lang ang may ganoon kaya hindi naman ganoong inaabangan ang mga ganoong okasyon. Hindi ko nga alam kung mabibigyan ako ng chance.

Sa klase namin ay lima kami, halos tatlo lang sa ibang category. Pero marami na rin kami para sa mga bago. Tiyak na marami ang mahihirapan kami na umabante lalo na at marami pang mas magagaling sa 'min na pwedeng mabigyan ng pagkakataon.

"Huwag ka ngang masyadong pessimist diyan. Hindi mo pa alam kung ano ang pwedeng mangyari," aniya sabay akbay sa 'kin. Hinayaan ko siya pero napangisi ako.

"Wow, pessimist. Spell nga," pang-aasar ko sa kaniya.

Natawa siya dahil sa sinabi ko. "Nagjo-joke ka rin pala? Akala ko, sobrang seryoso mo sa buhay na hindi mo na alam kung paano mag-enjoy," aniya sabay tawa.

"Ang judgmental mo talaga. Kapag nagbibiro kasi ako noon ay nakokornihan ang mga kaibigan ko kaya hindi na ako nagbibiro. Minsan na lang," sabi ko. Medyo napatigil pa ako dahil sa sinabi ko. Hindi ko inaasahang magiging casual lang ako kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mga kaibigan ko.

"Hindi naman, a? Ayos lang iyan dahil mas korni magjoke si Jian," aniya sabay tawa na naman nang malakas.

Umorder agad kami kina tita ng agahan. Kasabay namin si Nicy sa pagkain kaya sobrang ingay namin sa loob. May ilan na ring mga costumer na nandito pero dahil maaga pa ay hindi pa naman busy. Halos nakalahati na namin ang pagkain namin nang dumating si Jian.

Limea MeadowΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα