Chapter 1 (The Androgynous Boy)

502 9 1
                                    



"Nak! Bakit nangangalumata ka nanaman? Wag mo sabihing nag ala author ka nanaman sa kasusulat mo ng mga kwentong wala namang kakwentakwenta! Aba eh daig mo pa ang call center agent!"

"Nay naman eh! Eh ano naman kung mahilig ako magsulat ng mga kwento?"

"Aba ewan ko!? Itanong mo kaya dyan sa eye bags mong mas malusog pa sayo!?"

"Nay! Dapat supportive ka diba? Yun ang trabaho ng nanay eh!"

"Wow nak! Tindi mo ah... eh yung trabaho mo nga bilang anak nakakalimutan mo tapos yung trabaho ko bilang INA mo! Hindi mo naka kalimutan!! Sampalin kaya kita ng sandok ng malaman mo pinagsasabi mo?! Ano?!"

Eto nanaman tayo eh... Hayst!!! Umiral nanaman ang pagbubunganga ng pinakamabagsik na sanggre sa Engcantadia, si Pirena!! Pero syempre joke lang, nanay ko lang yan.

"Oo na nay! Excuse me po at maliligo na ko. Baka malate pa 'ko sa school"

*kotong*

"Aray ko nay! Ano ba yun?! Bakit may batok? Ang sakit ah. Pag di ako nakapagpigil tatawagin ko talaga si KingKong. Ang natatangi mong katapat!"

*Batok*

"Aray ko naman nay! Joke lang ho! Bakit nga may batok?"

May inabot na maliit na bagay si nanay sa mesang gawa sa kawayan na katabi ng papag na aking tinutulugan.

*shooongsh*

Parang bumirang na lumipad yung kalendaryong gawa sa karton papunta sa mukha ko.

"Aray ko naman nay! Nagiging bayolente ka na talaga!" Pagrereklamo ko.

"Aanga-anga ka talagang bata ka no? Ay nako ah! Bakasyon na diba! Isang linggo na nakalilipas! Ayan! Ayan ang napapala mo sa kasusulat mo ng kwento! Hindi ka parin nakakabalik sa totoong mundo! Kumustahin mo naman ako paminsan-minsan kay Naruto at baka mabahagian din ako ng kapangyarihan ng kyuubi!" Pangsesermon na may kasamang pang-aasar ni nanay.

"Oo nga pala hehe bakasyon na nga pala. Sige po ikukumusta ko kayo kay Naruto hehe"

"Hehe ka dyan! Isa pa ah at magkakabukol kana sa akin. Maghilamos kana mag-almusal ka na. May pupuntahan tayo maya-maya."

Dahil may pupuntahan daw kami ay naligo nalang ako at nag-almusal dahil ayokong umalis o lumabas ng bahay ng hindi naliligo. Pagkatapos ay hinanap ko ang nanay dahil bigla nalang syang nawala. Lumabas ako upang hanapin ang nanay.

"Nay! Nanay! Nasaan ka po! Nay! Nanay!" Sigaw ko sa labas.

Di sya nagpakita. Hindi ko rin sya mahanap. Pumasok akong muli at nagtungo sa kusina upang maghanap.

"Nay! Nanay! Nandyan ka ba?"

Walang sumagot. Hindi ko sya makita. Saan nagtungo ang nanay?

Nang hindi ko parin sya makita sa buong kabahayan ay tumakbo ako palabas at umikot patungong likod bahay.

Halos tumalon ang aking puso sa aking nasaksihan. Ang Nanay! Ang nanay ay kinakain ng washing machine! Shocks!

"Nay! No please! Hindi sa ganitong paraan! Hindi sa washing machine nay! Huhuhu..."

Pumipilig-pilig pa ang kanyang mga paa. Tila tumatalon ang mga ito.

"No! Ayoko makita kang kinakain ng washing machine nay! Wag ka po mag-alala hahanapin ko po ang pitong dragon balls para maibalik ka sa mundong ibanaw huhuhu."

SuperManWhere stories live. Discover now