Chapter 2 (Where The Wild Things Are)

235 4 0
                                    


<<Tracey>>

Kakaalis lang nila Nanay at Aling Marta kaninang umaga papuntang airport.

Ang bilis no?

Ang bilis din ng kabog ng dibdib ko kapag iniisip kong mag-isa lang akong makikipag laban sa mga Hathor! Joke!
Sa mga kapre pala! Kapreng yummying yummy at nag-uumapaw sa kagwapuhan! Kinakabahan ako hindi dahil sa takot kundi dahil sa kasabikan na baka kung ano ang magyare sa aming tatlo!

Ehhem!

Lilinawin ko lang ha. Wala akong iniisip na kung ano sa kanila ha!
Maliban sa talaga namang ANZARAF nila at ang pogi nila ay hindi ko sila pinagnanasahan!
(AN: wag ako iba nalang!)
wag ka nga Author!
Disente ako at hanggat maaari ay gusto ko parin na nakikita nila ako bilang lalake hindi bading o tibo.

"Nasaan na ba ako?" Tanong sa aking sarili.

Galing ako sa dati naming bahay upang simutin ang natitira kong gamit dahil may bago na palang titira doon. Namangha lamang ako dahil may papatos pa pala sa lumang bahay na iyon na yari sa kahoy at yero sa halagang 2 libo kada buwan na sya ko namang gagamitin para sa pansarili kong pangangailangan. Hindi ko naman pwedeng iasa ang buhay ko sa ibang tao.

Nasaan na nga ba ako? Parang mali na ang dinadaanan ko.

Tiningnan kong muli ang instruction na iniwan ng nanay.

...pagdating mo sa pangalawang kanto sa dulo may makikita kang puno ng mangga na may katabing bahay na pula ang bubong. Sa gilid non ay may lagusan. Hindi ka papasok dun! Liliko ka sa kanan. Diretso ka lang may makikita kang tindahan ng santol na bangkok.Sa kaliwa may lagusan doon. Pero wag ka papasok kasi ang lusot mo ay sa bahay na pula ang bubong na katabi ng puno ng mangga etc...

Ano ba namang instructions ito? Si Nanay talaga pati sa iniwang direksyon ay nang iinis parin!

Tinupi ko nalang at itinago ang papel na iniwan ng Nanay. Alam ko sa may gawing kanan ay may lusutan papunta sa bahay nila aling Marta eh.

At hindi nga ako nagkamali! May lusutan nga! Kaso hindi papuntang bahay nila aling Marta! T_T

Saan na nga ba ako? Pawis na pawis na ko sa kalalakad. Ang tagal ko na sa lugar namin ngunit kabilang baranggay lang ay naliligaw pa ko?

Wala sa sarili kong binabay bay ang mainit na kalsada kaya hindi ko namalayan ang motorsiklong kanina pa ako binubisinahan mula sa likod.

"Are you deaf? Kanina pa ko busina ng busina hindi ka manlang umiiwas!" Bulyaw ng driver nitong naka sun glasses.
"How dare you call me deaf you freaking retarded! You self proclaimed king of the road? Ang lawak lawak ng kalsada! nasa gilid naman ako bakit hindi ka gumitna at kaylangan mo pang makihati ng espasyo sa akin!" Hinihingal kong pang ganti sa bulyaw nya. Napa English tuloy ako ng di oras!
Wag nya kong ma ano ano! Mainit ulo ko!

"What the Hell? Say that again and I'll kiss you!" Panghahamon nya.
May accent sya mag salita parang British accent!
Aba hinahamon nya ba ko? Excuse me lang! Matalinong estudyante kaya ako ng psychology! Sapsychohin ko lang sya!
"Oh really? Alright then, but I'm warning you, I ate bagoong awhile ago and not yet bushing my teeth! Can you really do it? Can't you?" Hamon ko. Napaatras sya sa gulat ng sinabi ko iyon. Mga bess mauubusan na ko ng ingles!!!
"Disgusting!" Pandidiri nya. Natawa ako sa reaksyon nya. Hindi naman totoo sinabi ko. Sinabi ko lang yon para hindi nya ko halikan!
"See? You can't! Retarded! Now back off and---" hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi nang bigla nya akong halikan. HINALIKAN nya ako @$&@&$&&&&&)))&@!!!
Tumagal iyon ng mga pitong sigundo bago ko siya naitulak.
"I told you not to repeat it! At mukhang hindi ka naman kumain ng bagoong. Haha" pagmama-angas nya.
Ramdam ko ang pag init ng aking mukha. Dala na rin ng pagkapahiya sa kaniyang ginawa.
"Pervert!" Inayos ko ang aking sarili at tinalikuran ang may halong banyagang lalake na aking nakasagutan. Naglakad ako upang makatakas sa kahihiyan.
"Hey! Where're you going!? Your lips are pretty good by the way!" Pahabol niya.

SuperManWhere stories live. Discover now