Chapter 1: First encounter

444 10 0
                                    

(Blake's POV)




Napakahirap naman dito sa school na to ang aga ng pasok tsk. Wala na ba talagang pagasang mabago ang schedule ko dito?

Nagmadali na lang ako at mabilis na tumakbo habang umiiwas sa mga kapwa ko estudyante na pumapasok. Mala-late ako, first day na first day ko ay sermon ang mapapala ko? Ayokong malasin ang buong taon ko ah.

"ang 6SBB andyan na"

Biglang Tilian ng mga kababaihan at saka nagkumpulan sa daan, mas lalo tuloy na naging mahirap lumusot sa mga estudyanteng nakaharang. Bullshit.

Mabilis akong gumilid para hindi madala sa bugso ng mga estudyante na animoy mga langgam na bigla na lang nagkumpulan sa pagkain na nakita nila. Whoah. Nakaligtas ako don ah.

"Tabi dadaan na sila"

Kanya kanyang tili ang mga babaeng yun, akala mo naman may artista, ang weird naman nung tinatawag nila. Tsk. Hindi na ako nagabalang tumingin, wala din naman akong pakielam kung sinong mga kulugo ang pinagkakaguluhan nila.

Tumuloy na lang ako sa paglalakad habang hindi parin magkamayaw ang mga estudyante sa kung sinong nakita nila. After all mas maganda nga ang nangyari, luminis ang daan.

"Hoy? San ka pupunta?"

"Hoy tigil"

Napalingon ako ng may sumigaw at humawak sa akin. Hinila ko agad ang kamay ko sa kanya, sino ba to?

"Bakit ba?"

Tanong ko sa lalaking naka-salamin na humila sa akin.

"Salubungin mo ang 6SBB kung hindi yari ka"

Natawa lang ako sa bulong niya sa akin saka ko nilingon ang mga pinagkakaguluhan ng mga kababaihan doon, sila lang naman ang 6SBB na tinatawag dito.

"Bakit? Sino ba sila? Dyos ba sila?"

Napakunot naman agad ang noo niya sa isinagot ko ng pabulong sa kanya, feeling close ang siraulo na to.

"Transferee ka ba? Makinig ka na lang, kasi baka pagtripan ka nila"

Malumanay niyang suhestiyon, i smile then suddenly glared at him, nakita kong nagulat siya sa reaksiyon ko.

"Ayoko"

Hiyaw ko, pakiramdam ko natahimik ang lahat at napalingon sila sa amin, napamura pa yung nerd na humila sa akin ng mahina.

"Anong nangyayari dito?"

Napalingon ako sa sumabad sa amin, siguro isa siya sa mga pinagkakaguluhan ng mga baliw na babae na yan, nahawi sila eh. At isa pa 6SBB? tapos apat lang sila? Cool.

"Master Luke Transferee siya kaya hindi niya alam ang batas niyo"

Sagot ni nerd pero hindi siya pinansin nung Luke, lumapit lang siya sa amin saka ako pinakatitigan, nasagi pa niya yung nerd, naagapan ko naman agad yun at hinila ko siya para hindi matumba. Ang lampa ng nerd na ito.

"Ikaw babae, Lumuhod ka sa harapan ko"

Utos nung Luke sa akin, pero hindi ko siya pinansin.

"Pre ibalato mo na sakin, ang ganda oh"

Sabad nung isa niyang kasamahan na hindi niya na naman pinansin.

I Hate That Bad Boy - Completed.Where stories live. Discover now