Chapter 23: Vacation?!

40 4 0
                                    

(Blake's POV)





"ang sakit ng ulo ko"

Reklamo ko paggising. Langya, talaga. Sabagay, 20 bottled beer yun tapos yung white wine muntik ko ng maubos. Tumayo ako sa may veranda pagbukas ko ng glass door at nag-inat.

A new day was starting today, this time totoo na to, legit na panibagong simula na naman ang kahaharapin ko. Wait? Ano kayang oras na?

"damn"

Mura ko pagsilip ko sa table clock na nasa gilid ng kama ko. Napa-takbo ako sa cr at naligo agad, flight nung lima ngayun langya naman. Tanghali na ko ng gising, teka? Bakit hindi nila ako ginising? Dali-dali akong nagbihis at dali-daling lumabas ng kwarto.

"mga gaga nasan na kayo?"

Walang naglabasan paghiyaw ko dito sa dorm namin, what the hell? Umalis na sila ng hindi nagpapaalam sa akin? I get my phone and dialled Louise's number.

"ate? Gising ka na? Ako na ang naghatid kila ate Fiona, nasa flight na sila pauwi na kami"

Pagkasabi non ni Louise napatigil ako sa pagtakbo pababa ng hagdan, umalis na nga sila.

"okay, Take care"

Bumalik na lang ulit ako sa kwarto pagkababa ko ng cellphone ko at bumalik sa banyo para maligo na ng maayos at makapag-handa sa pagpunta ko ng resort.

Pagkabihis ko nag-impake na agad ako, inayos ko lang lahat bago ako bumaba ng kusina.

"ate?"

Niyakap ako ni Louise habang nagluluto ako ng pagkain ko.

"bakit dito ka pa dumeretso? Hindi ka pa uuwi?"

Tanong ko ng hindi tumitigil sa ginagawa ko.

"uuwi na, inimpake na nila kuya ang mga gamit ko. Nakauwi na sila, sinilip lang kita, alam ko kasing mag-isa ka na dito"

Natawa lang ako sa kanya. Sanay naman na akong magisa, bakit ba siya nagaalala?

"lets eat"

Yaya ko sa kanya, she just smile at Naupo na siya inihanda ko naman na ang pagkain at nag-timpla ng kape.

"masakit ang ulo mo?"

Napalingon ako sa kanya. Habang nagtitimpla ng kape.

"black coffee yan eh, hindi ka nagka-kape gatas ang iniinom mo ate"

Natawa ako, kilalang kilala niya talaga ang ate niya. Mami-miss ko yung mga simpleng gestures niya dahil alam ko naman na mas madalas na siya sa tunay niyang pamilya at doon may ate na siyang iba.

"Hangover"

Sagot ko sa kanya sabay tawa, kahit na nakakalungkot i should be showing that im happy kahit sa harap lang nila.

"gaga kasi, kain ka na nga"

Kumain na lang kami habang nagdadaldalan, nagligpit kami pagkatapos saka kami lumabas. Sinundo na siya ng driver niya, ini-lock ko naman ng mabuti ang apartment namin. I jump in my car, and started taking my way to our resort wearing my sunglasses.

I smile, ang sarap ng tama ng sikat ng araw sa katawan ko ganto talaga kasarap pag umaga, yung bugso ng hangin ang sarap sa pakiramdam. Yung blue sky, ang ganda, nakikisama marahil ang panahon. Alam niyang masaya ako.

I Hate That Bad Boy - Completed.Where stories live. Discover now