Chapter 3: The 6th Member

103 4 0
                                    

(Blake's POV)



"Blake? yuhoo bangon na malalagot kami kay boss Red eh"

"Blake Ano ba mala-late na tayo, Kakain ka pa"

"Ano ba natutulog pa ko"

Hiyaw ko sa mga maiingay na nasa labas. Sino ba yang mga bwisit na sigaw ng sigaw na yan? Tsk.

"Blake male-late na tayo, parating narin sila Red, mapapatay kami non kapag iniwan ka namin dito"

"Blake maaawa ka sa gandang lalaki ko"

"Nag-text na si Red, Blake mamamatay na kami"

Napabangon ako mula sa pagkakahiga, ano bang oras na? Napatingin ako sa orasan na nasa side table ng kama ko, kaya naman pala nanggigising na sila tinanghali na naman ako ng gising.

"Oo na, maliligo na"

Hiyaw ko at kakamot kamot ulo pang tumayo at dumeretso sa banyo at naligo, langya talaga. Pagkatapos kong maligo at magbihis, Kinuha ko lang yung bag ko saka lumabas nagulat na lang ako kasi hinila agad nila ako pababa.

"Kumain ka na tapos papasok na tayo"

"Oo na"

Sagot ko saka ko hinila ang braso ko sa kanila, binilisan ko na lang din kumain, natataranta kasi sila, takot ba talaga sila kay Red? Sus. Pagkatapos kong kumain lumabas agad kami, para makapasok na, saka lang naman sila nakahinga ng maluwag.

"Ano bang meron?"

Tanong ko habang naghihikab, inaantok pa ako.

"Pauwi na yung kambal, pinagbantaan kami ni Red na gisingin ka namin at ipagluto kung hindi lagot kami, Aba? gwapo lang kami pero marunong parin nama kaming sumunod"

I just laugh at them at natawa lang din sila sa kalokohan nila.

"Mga g*go kayo hindi gwapo"

Sagot ko sa kanila.

"Ang hard ah, yan ang gusto ko sayo Blake eh"

Nagtawanan sila sa mga kalokohan nila.

"wag kang magalala hindi kita gusto"

Tinawan siya nung dalawa pang kasama namin habang naka-poker face lang ako na nakatingin sa kanila.

"Andyan na sila"

Napatakip ako ng tenga habang papasok na kami sa gate ng campus. Kahit dito sa sasakyan ay dinig na dinig ko sila.

"How can you manage having a peaceful life in the middle of this nightmare? Kung ako kayo? Baka nabaliw na ako sa ingay"

Reklamo ko dahil sa ingay ng mga fans nila.

"6SBB"

Hindi talaga magkamayaw ang mga fans kuno nila sa pagtili.

"Saka ano ba yung 6SBB na yan? Apat lang naman kayo"

I Hate That Bad Boy - Completed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon