Chapter 26

12 1 0
                                    

Harmony's POV

Gaya ng sabi ni Zero, alam nya kung nasan si Ram kaya naman sumunod kami sa kanya. Gusto mang sumama nung iba kaso hindi daw pwede sabi ni Dylan kapag madami.

Sinabihan din naman sila ni Nixon na kung hindi pa kami makakabalik after 1hr ay ireport na kay Sir Reiji tapos sumunod sila sa'min.

Nakatingin lang ako kay Zero habang naglalakad kami. Malapit na lang kami sa kanila at mas okay daw na hindi kami gumamit ng ability para hindi malaman ni Head Pillar.

Gusto ko sana syang kamustahin kaya lang nagmamadali kami. Nasa panganib daw si Ram e.

"Mukhang balak tayo itrap ni Adler. Tingnan mo dadalhin pa tayo sa bahay nila." Sabi ni Nixon pero seryoso syang nakatingin sa may mataas na pader.

Dito daw kasi kami dadaan katulad dati nung sinundan namin si Zero. Masyado daw delikado kapag sa gate dahil madaming bantay.

"Kung may balak ako sa gate na tayo dumaan. Mas mabilis di ba?"

"Hindi ka pa rin ba naniniwala kay Adler ha, Fahrner?"

Tiningnan lang namin si Nixon at nagaantay ng magiging sagot nya. Huminga muna sya ng malalim bago sumagot.

"Fine. Naniniwala naman ako. Nagaalala lang ako kay Ram kaya sayo ko muna ibubuhos." Napailing naman si Clovis at Zero.

Nung nasa daan kami nakwento na ni Zero yung side nya. Kung bakit sya nagrereport sa Daddy nya.

Umakyat naman kami sa pader papunta dun sa may malaking puno. Kasya naman kaming pito dito - ako, Clovis, Nixon, Zero, Finn, Kein and Con.

"Masyadong malaki yung bahay nyo. Saan banda dyan si Ram?" Tanong ni Finn habang nakatingin sa bahay nila Zero.

Oo nga masyadong malaki. Kung pito kami at iisa-isahin namin lahat ng rooms dyan baka mahuli kami.

"Sa lab."

"Huh?" Sabay kaming napa huh ni Kein kaya nakatanggap naman kami ng 'sshh' kay Zero.

Anong ginagawa ni Ram sa lab?

"Ikinulong ako ni Head Pillar. Tatakas na dapat ako nun ang kaso narinig ko na dapat daw nila makuha si Ram kaya hindi ko muna tinuloy yung plano ko. Hindi ako natulog baka kasi dumaan sila sa kwarto kung nasan ako para marinig ko yung mga plano nila. Nung nakaraang araw narinig ko na sa lab daw dadalhin si Ram. Yun ata yung time na nakuha na nila si Ram. Nagantay pa ako ng ilang araw pero wala na akong nakuha na info kaya tumakas na ako at ayun pinuntahan ko kayo."

Kaya pala ganyan ang itsura nya. Walang tulog. Mukhang zombie.

"Bakit naman nila kailangan si Ram?" Pagtatanong naman ni Con.

Natahimik naman kaming lahat. Alam ko kung bakit dahil sa nullification ability ni Ram kaso hindi ko naman pwede sabihin dahil wag daw ipagkalat sabi ni Ram.

Binasag naman ni Zero yung katahimikan.

"At oo nga pala, inamin ni Head Pillar sa'kin na pinapapatay nga nya ang mga nullies. Inalok nya pa ako na sumama sa kanya pero ayoko kaya ayun kinulong nya ako." Seryosong sabi ni Zero. Halata mo naman na nasasaktan sya dahil sa mga nalaman nya.

"Edi tara na sa lab. Saan yun?" Tanong ni Finn.

Nagkibit-balikat lang si Zero. "I have no idea. Ni hindi ko nga nalibot yang bahay dahil pinagbabawalan ako."

Grabe naman yan. Bakit bawal sya maglibot e bahay naman nila yan? Baka clumsy sya at may mabasag pa.

"Con kaya mo ba magtransform sa mosquito? Bee? O kung ano mang maliit na hayop?"

Revelation: Deitrem SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon