Dating Mr. Conceited [PROLOGUE]

20.4K 255 14
                                    

PROLOGUE

"CONFIDENCE, not being CONCEITED. Knowing who you are is confidence. Being conceited is knowing who you are and pushing it down everyone's throat." –In short, kung may tiwala ka sa sarili mo na GUWAPO o MAGANDA ka, then go! Maniwala ka. Wala naman kaming pakielam sa iyo o wala kaming magagawa kung 'yan ang pinaniniwalaan mo. Ang sa amin lang naman, hindi mo kailangan magbuhat ng sarili mong mono block.

Normal lang ba talaga sa isang tao ang pagkakaro'n ng mataas na self confidence sa sarili? O sadyang, PINAGPIPILITAN LANG NILANG GANUN SILA DAHIL 'YUN ANG TINGIN NILA SA KANILANG MGA SARILI? Na sa sobrang taas ng pagtingin nila sa kanilang mga sarili, daig pa nila ang Mt. Everest. Halos kulang na lang ay sabitan nila ang sarili nila ng bulaklak dahil kahit ang sarili nila, ay sinasanto nila... Pinupuri nila. Feeling kasi nila, napakataas nila.

Heto pa ang sabi niya... Kapag tumingin daw ang mga babae sa kanya, maiinlove na raw kaagad sa kanya ang mga 'to... Maaaring mapa- "Sa isang sulyap mo, ay nabihag ako, para bang himala, ang lahat ng ito~"

Kapag ngumiti raw siya sa mga babae, mawawala na raw agad sa sarili nila ang mga 'to... Maaaring mapa- "Cause you got me flyin', with your love! Shinin' with your love!~"

Kapag nang-seduce daw siya ng mga babae, walang anu ano raw ay boom karakara na agad ang mga 'to... Maaaring mapa- "Cause I'm maybe bad but, I'm perfectly good!~"

Kapag nilapitan niya raw ang mga babae, hihimatayin na raw agad ang mga 'to... Maaaring mapa- "Rolling in the deep!~ You have my heart inside, in your head~"

Kapag kinausap niya raw ang mga babae, mababaliw na raw ang mga 'to... Maaring mapa- "You make me feel like I'm intoxicated~"

At higit sa lahat, kapag minahal niya raw ang mga babae, sobrang suwerte raw sa kanya ng mga 'to, at magpapakamatay na raw dahil sa sobrang pagkasaya... Maaaring mapa- "Cause I, want you forever... Forever and always~"

Napaka-OA ng description niya. Akala niya siguro, MAKUKUHA NIYA ANG MGA BABAE DAHIL LANG SA MGA PINAGGAGAGAWA NIYA. Tandaan! LIBO-LIBO ANG MGA TAONG MAAARING MAGKAGUSTO SA 'YO, PERO MILYONG MILYON NAMAN ANG MGA TAONG MAAARI KANG KAAYAWAN. That's a psychological fact mga beh. Pero sa sobra-sobrang self confidence na inilaan niya para sa sarili niya, ay hindi na siya naniniwala pa sa PSYCHOLOGICAL FACT na 'yan. Baka nga wala rin 'yang kinikilang mga pilosopo eh.

Kaya nakakapagtaka kung bakit after all this time, sa kanya pa rin ako na-inlove... 'Di ko masasabing na- fall in love ako dahil at the end, masasaktan din ako kung nahulog man ako sa kanya. Dahil nasalo naman din niya kaagad ako...

'Di ko ineexpect na dito pa ako sa mayabang na ito napunta. Imagine? Out of 7 billion people around the world, isa lang ang nakapagparamdam sa akin nang gan'to? Nahiya na ang SPED dahil sa sobrang special na pagtrato niya sa akin. (EVENTHOUGH, UNA PA LANG PALA AY TINATRATO NIYA NA AKO NA PARANG MAS WORST PA SA PULUBI) Nahiya na rin ang ang mga reyna't hari dahil sa pagtrato niya sa akin na parang prinsesa, at nahiya na si Daniel Padilla dahil inagaw na niya ang trono sa pagiging, "Ne se 'ye ne eng lehet."

Lahat ay nahiya na, simula nung makilala ko siya...

Makakatagal kaya akong si Girl Simple kay Boy Super Yabang na proud pa sa sarili niya at sobrang pinupuri ang buong pagkatao niya at hangang hanga sa sarili niya na kulang nalang ay mahalin niya nang sobra ang sarili niya na... BASTA MASAMA SIYA, TAPOS!

Sa kabila kaya ng pagiging conceited ni Guy... Mabibighani pa rin niya kaya niya ako, lalo pa't allergy naman ako sa mga lalaki o man hater kumbaga?

Let's wait and see what happens next if I will date this UNFORGIVABLE CREATURE!

Magkaro'n kaya ng iba't ibang twists ang buhay ko, if I will date this... Mr. Conceited Guy?

---

(what can you say about the prologue, guys? please give me your feedbacks para alam ko kung itutuloy ko ba 'tong pangalawang novel story ko dito sa Watty. 'wag mag-alala, mabilisan naman ang update dito. i'll post the chapter 1 if nakakuha ito ng 100reads. sino ring pwedeng gumawa ng cover nito sa 'kin? si G-dragon at Sandara kasi ang magkapartner dito... i'll give credit sa gagawa. thank you!)

Dating Mr. ConceitedWhere stories live. Discover now