Wattpad Original
6 और मुफ्त भाग हैं

Nightfall 2: Stray

38.7K 1.9K 230
                                    

"Will you die or survive?"

EURUS

I hissed under my breath. Agad akong umalis sa dance floor at pinatalas ko ang pang-amoy at paningin ko. Itinuon ko ang pansin sa bawat pagtibok ng puso ng mga taong nasa paligid ko. There was a distinction between a human heart and cat heart. A cat's heart beat much faster. Typically, three times as fast as a human heart.

Heightening my senses was harder without White. Mas matalas talaga ang pandama ko kung nandito si siya pero hindi ko siya maaaring tawagin ngayon. Natatabunan na ng ingay ng musika ang pandinig ko. Maging ang pang-amoy ko ay mas mahina na kaysa sa dati pero alam kong humalo na siya sa karamihan.

If the stray were a tomcat, maybe he was after some girls. I couldn't think of any reason for him to go after boys—unless he wanted revenge.

If it were a tabby, she might be after a boy she was interested in. Or a girl she hated or was insecure of. Sumasakit ang ulo ko dahil sa iniisip ko. Pero paano kung mali pala ang hinala ko? Paano kung napadaan lang siya rito at gusto lang niyang magsaya?

Napapansin ko ang mga lalaking gustong makipagkilala sa 'kin pero agad akong umiiwas sa kanila sa tuwing nagtatangka silang lumapit. Hinanap ko na sina Celine, Alys at Bess. Nakita ko sina Alys at Bess na walang tigil sa pagsasayaw sa gitna ng dance floor, looking wasted. Wala na sila sa katinuan at pasuray-suray na sa pagsayaw at halos matumba na.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang makita ang mga lalaking natutuwa sa kanila at sinasalo pa sila sa tuwing matutumba. They were taking advantage of the girls, and I needed to get them home as soon as possible. Nagmamadali ang mga hakbang na nilapitan ko sila. Tiyak na hindi na nila maaalala na tuwid pa ang paglalakad ko at hindi pa ako lasing.

Tiningnan ko nang masama ang dalawang lalaking may hawak kina Alys at Bess. Lasing na rin sila at mukhang gusto pa nilang iuwi ang dalawa kong kaibigan. Siguro napansin nilang hindi ko sila lulubayan kung sakaling may mangyari sa dalawa kaya napaurong sila.

"Eurhusssshhh!" lasing na sambit ni Alys. She giggled like a teenager and stared at me with dreamy eyes. Muntik ng matumba si Bess kaya agad ko siyang sinalo gamit ang isang kamay.

"It's getting late. Let's get out of here. Let's go home," mariing sabi ko.

Bess and Alys giggled. Inalis nila ang kamay ko na umalalay sa kanila. "The fhun jussst starthing!" maingay na saad ni Bess at itinaas pa ang kamay sa ere. "Wooooooh!" sigaw pa niya.

Wala namang tigil sa katatawa si Alys. Naiinis na napailing ako. I even rolled my eyes. Look how carefree and wasted they were.

Alys' curly black hair was a mess—her red lipstick already faded and her makeup already worn off. Mapupungay na ang asul niyang mga mata at nakikita na ang strap ng bra niya dahil sa kasasayaw.

Tuwid pa naman ang itim na buhok ni Bess pero kita na ang pusod niya dahil sa pagtaas ng maikli niyang damit dahil sa walang tigil na pagwagayway ng mga kamay sa ere. Her eyeliner was too thick. Halos kumalat na ito sa ilalim ng mga mata niya. She'd been biting her lip and her lipstick already faded. Her brown eyes were already sleepy, but they were still beautiful though.

Wala silang tigil sa pagtawa nang hilahin ko sila paalis ng dance floor. Pagod na pagod na naupo sila sa malambot na couch pagbalik sa pwesto namin habang patuloy ang pagsigaw at pagtawa.

"Inhom pha thayo!" sigaw ni Alys sabay kampay sa isang baso ng alak na nakuha niya sa mesa. Inilapat niya sa labi ang baso pero tumapon ang ibang laman nito sa bibig niya pababa sa leeg niya hanggang sa mabasa ang damit niya.

"Tama na. Lasing na kayo!" mariing saad ko.

"Hindi pha khami lashhing!" natatawang sambit niya. Napansin kong nakapikit na si Bess at wala nang pakialam sa paligid. Damn! They were a pain!

Nightfallजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें