Crush #3

1.6K 37 7
                                    

"Galss! Baka hindi ako papasukin nyan eh huhu " saan ba kase napadpad yung ID ko!
"Hihi pag papasok na tayo sa gate sumabay tayo sa maraming students para hindi ka makita."
"Eh? Sige sige pero baka mapansin parin ako eh sa ganda ko pa naman. Hay!"
"Pektus, you want?" sabi ni Ella with nakakata-cute na tingin  haha inggit lang yan eh
"Tss. Tara na nga haha" sagot ko.

♡♡At ASA♡♡
"She, bilis! Tara, hanggat maraming pumapasok." sabay hatak sakin ni Lene.

Ayooon dinarag na nila ako papuntang gate. Shete! Hassle pag wala talaga yung ID eh kase mamaya pa ko papasukin pag nahuli ako. Alam niyo namang bad shot ako este kami kay Sir K baka malate na naman kami.

"Uy! Maganders!" tawag samin ni Kuya Toothpaste.

Paktay na! >_< Shete!

"Lagooot." bulong ni Rose.
"She, pasok ka na bilis! Idi-distract namin si Kuya Toothpaste." bulong ni Ella. Tumango ako tapos tuloy-tuloy na naglakad.

"Hehe hi Kuya Toothpaste." rinig kong sabi ni Lene.
"Oh nasan si Sherra?" tanong niya. Waaah bat ako hinahanap? Crush ata ako ni Kuya Toothpaste eh.
"Ah eh ano na-----" hindi natuloy yung sasabihin dapat ni Ella.

"Uy Sherra!" tawag sakin ni Kuya Toothpaste.

Shete! Shete! -_-

Humarap ako sa kanila. Si Rose naka-pout, si Ella at Lene may sinasabi sakin pero walang boses, lip sync battle ata sila. Tss at si Kuya Toothpaste as usual ngiting wagas.

"Hehe hello po." sabay lapit ko sakanila.
"Bagal maglakad eh dapat tumakbo ka." bulong ni Ella.
"Ay may bibigay pala ako sayo." sabay may kinuha siya dun sa bag niya. Hala sabi na nga ba eh crush ako nito eh bibigyan ata ako ng chocolates or love letter ni Kuya eh haha
"Oh ID mo."
"Waaah my precious ID! Shete! Salamat kuya. Saan niyo po nakita?"

Shete! I miss you ID ko hehe.

"May nagbigay sakin niyan kanina eh nakita niya daw kahapon."
"Salamat naman huhu"
"Sige kuya. Bye na baka malate na naman kami eh." sabi ni Lene.
"Pakisabi na lang po sa nagbigay sa inyo ng ID ko na maraming maraming salamat sakanya. Bye po hehe."
"Oo, sige sige."

"Haha wala ka nang poproblemahin niyan She." sabi ni Lene.
"Oo nga eh haha." sagot ko. May 50 pesos ako dito sa ID eh.

Ngek! Bat wala?! Tapos na palitan ng white paper.

"Waaah!" sigaw ko.
"Pano ka diyan?" Tanong ni Ella.
"Eh kasi yung 50 pesos ko nawala tapos tong papel na to yung pinalit huhu" pagmamaktol ko. Shete naman oh!
"Hihi wawa naman si She." asar sakin ni Rose.
"Tss. Sana magtae ng isang buwan yung kumuha ng 50 pesos ko!" -_-
"Akin na nga lang yung papel, isasapal ko yung bubble gum ko." utos ni Madam Ella.

Sinungkit ko naman yung papel sa loob ng ID ko.

"Oh!" bigay ko sa kanya.
"Hala!" Tss pano tong si Madam.
"Bakit?" tanong namin.
"Good morning. Always put a smile on your face. IHY. Godbless. From YFB ?"
"Ha? Anong sinasabi mo diyan?" tanong ni Lene.
"Tignan niyo kaya tong papel may sulat."
"Eh? Tignan." sabay hablot kay Ella nung papel.

Good morning ;) Always put a smile on  your face. IHY<3 Godbless :)
                                     -from YFB

"Eh? Kanino galing to?" tanong ko. >_<
"Tignan nga!" agawan ni Rose at Lene sa papel.
"Yieeh! Lumalandi na si She!" asar ni Rose.
"E-Eh w-wag ka nga biik!"
"Sus! Namumula ka kaya." epal ni Lene.

>_<// Shete!

"Nemen! Kinikilig siya oh!" epal ni Ella sabay sundot sa tagiliran ko.
"Heh! Wag nga kayo." sita ko sakanila with poker face pero di ko talaga mapigilan eh
"Yieeeh! Shete!" sigaw ko with matching ngiting wagas. Haha keleg eke eh!
"Ayun! Haha tara na nga." yaya ni Lene at di parin sila tumitigil sa pang a-asar sakin.

Hoy! Crush Kita, Dati PaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin