Crush #5

2.2K 66 32
                                    

"Lene naman eh! Sabihin mo na kase kung sino yun. Uy!"

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon. Recess time eh. At etong si Lene arrghh! Ayaw sabihin sakin kung sino yung nagbuhat sakin kahapon papunta sa clinic. Shete siya! Hmp. Kahapon ko pa siya kinukulit. Ayaw namang sabihin. Baka daw pag nalaman ko, mahimatay daw ako. Tss.

"Sige na. Hindi naman siguro ako mahihimatay kung malaman ko. Tss. Ang OA-OA mo!"

"Sus! Hahaha. Hindi rin. Baka nga maglaslas ka pa sa harap namin eh. Haha."

"Sino ba kase yun Lene? Hihi pogi ba?" tanong ni Rose. Landee hehe.
"Oo nga. Sabihin mo na lang sa amin ni Rose. Hindi namin sasabihin kay She." Kelan pa naging tsismosa tong si Madam. Hmp.
"Hmm. Pag-isipan ko." Shete! Tas sakin ayaw sabihin. Huhu hustisya oy!

"Tara dali. Bulong ko sa inyo. Haha." Ang bilis namang pag-isipan. Tss. Inirapan ko silang tatlo. Tinignan ko silang magbulung-bulungan. Shete talaga!

"HAHAHAHAHA" tawanan nung dalawa at si Lene nakangisi.
"Tawa kayo diyan?" Tanong ko with matching taas kilay.

"Haha pucha! Destiny talaga pfft! Haha." sabi ni Ella habang nakatingin sa akin. Kinunutan ko siya ng noo.
"Pero totoo talaga Lene? Siya nga o baka ine-echos mo lang kami?" Pagtuloy na tanong ni Ella. Tss sino nga kase?!

"Haha oo nga. Walang kinikilingan, serbisyong totoo lamang. Hahaha."
"Hihi syet! Totoo nga ang destiny. Hihi ikaw She ah." Sabay may pagpalo pa sakin si Rose na nalalaman.

"Ako na out of place. Tss. Sabihin niyo na kase. Pretty please, please, please." sabay pacute ko sakanila.
"Eww! Paganyan ganyan ka pa. Di ka naman cute. Haha." Asar ni Madam.
"Konting pilit pa She." Si Lene naman.
"Libre mo ko. Sasabihin ko sayo. Promise!" Si Rose. Hmmm.

"Tara!" Sabay hatak ko kay Rose.
"Yes! Hihi."
"Bente pesos lang ha."
"Hala! Ang daya. Hmp. Kami din dapat. Rose wag mong sasabihin sakanya pag di niya rin kami nilibre." Aba't!

"Ayaw. Haha bleeeh!" Sagot ni Rose sabay siya na naghatak sakin. Haha good biik. Good.
"Daya mo talaga Rose!"
"Mautak lang talaga hihi."

"Oh eto bente."
"Sabi mo trenta? Hmp! Bahala ka nga diyan."
"Eh? Bente lang sinabi ko kaya kanina." Shete. Sayang sampung piso kaya.
"Ayaw mo? Di ko sasabihin kung sinong nagbuhat sayo hihi."
"Ahh! Tss oh ayan. Kainis ka. Shete." Sumakit sana tiyan mo. Hmp!

"Oh ano na. Sino?"
"Sabihin ko na talaga? Wala ng atrasan?"
"Aba't may balak ka pa atang hindi sabihin sa akin. Matapos kong ibigay sayo ang lahat. Shete ka! Ginamit mo lang ako. User kang biik ka. Manloloko!"
"Hihi OA mo. Buset ka. Oo na sasabihin ko na. Ahm" luminga-linga siya.

"Ayooon! Sakto. Tingin ka sa gilid mo. Siya ang kasagutan. Hihi"

Pagkatingin ko. Nganga. Oo, literal na napanganga ako. Sheteeee! Totoo ba ituuu? Oh sadyang pag-ibig nga telege. Haaay *_*

Nagkatitigan kami. Oo, hindi sa nag a-assume. Nakatingin talaga sakin with his serious face tas nakakunot pa. Siguro nasa isip niya 'Dyosa ba ang nakikita ko ngayon' Hehe. Kenekeleg eke. Bakit naman sa hinde eh si BABY GAB LANG NAMAN ITO AT SIYA ANG NAGBUHAT SAKIN KAHAPON! Owemjii. Shete!

"Uy! Kilig siya hihi. Lapitan mo na dali. Mag thank you ka. Hihi"
"Eh? Wait leng nemen. Shete."

Ha! Ha! Hu! Lalapitan ko na siya. Guide me Lord. Naglalakad na ko palapit sakanya. Kinakabahan ako. Kaya lang may humatak saken. Aba't!

"Rose! Problema mo?!"
"Eh mali kase. Bat diyan ka papunta? Kay Gian talaga eh no. Landi neto."
"Oy! Bakit? Hindi ba siya yung sagot sa tanong ko?"
"Anong? Hindi kaya siya. Feeling mo bubuhatin ka niyan baka sa panaginip, oo. Kaya pala kilig na kilig ka diyan tss. Hihi yung katabi niya. Hindi yung sa right, yung sa left. Siya yung sinabi ni Lene. Hihi destiny mo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hoy! Crush Kita, Dati PaWhere stories live. Discover now