CHAPTER 3 {Marigold University} 🎯

4.4K 115 0
                                    

VERA'S POV

May nakita akong lalaki sa harapan ko na kakaiba ang kulay ng mga mata pero pag kurap ko ng mata dahil baka namamalikmata lang ako, eh wala na siya?

Ano yon?

Multo?

Waaahhhh...!! Nakakatakot naman! >,<

Nagmadali akong umuwi sa bahay kahit na pilit akong hinihila ng mga kalalakihan habang napapadaan ako sa kanila, wala silang nagawa para pigilan akong makauwi.

Timing pa na pag bukas ko ng pinto ay si mama na agad ang bumungad sakin na nanlilisik ang mga mata at nakataas ang dalawang kilay.

Paktay na ako nito.

Huli kang dalaga ka! Waaaahh! >,<

"Saan ka nanggaling, Vera? Huh! Saan!"- bulyaw niya. Ang sakit lang sa tenga.

"Ano Ma, bumili lang ako ng napkin. Naubusan na kasi ako."- pagsisinungaling ko.

"Napkin? Huwag mo kong lokohin Vera kasi hindi ka naman dinudugo! Sabihin mo sakin kung san ka galing!"

Ay akala ko makakalusot na ako.

At akala ko ba makakalimutan tong mama ko? Hindi pala. Haha.. ^.^

Sa totoo niyan hindi ako nagkaroon ng period ever since.

I don't know why?

Baka may sakit ako?

Pero ok lang naman kasi hindi ako naiirita kapag may period katulad ng mga kaibigan ko.

"Oo na Ma, nasa barangay ako. Nakikisaya sa iba."- pag-aamin ko kasi hindi na ako makakalusot nito.

"Sabi ko na eh! Ikaw talagang babae ka. Hindi ka na natuto ha! Sa paaralan mo nakikipag harutan ka rin sa iba kahit gabi na! Mahiya ka nga, kababae mong tao!"- piningot niya ang tenga ko.

At ang sakit! >,<

"Aray Ma.!!! Ang sakit! Bitiwan mo na ako, please. Hindi na mauulit."- sabi ko sabay cross fingers sa likod. Haha..^.^

Ayoko nga noh.

"Hindi na talaga mauulit kasi ililipat na kita ng school, na puro babae lang." Natigilan naman ako sa narinig ko mula sa kanya.

"T-teka? Ano ma? Ililipat mo 'ko ng school? Ayoko nga noh! A.Y.O.K.O.!"- sabi ko.

"Oh sige kung ayaw mo. Ipapangako mo sakin na wala kang gagawing kalokohan habang nag-aaral ka pa kundi ililipat kita agad sa ibang paaralan. Naiintindihan mo?"- mas piningot pa niya ang tenga ko. >,<

Huhuhu.. Ang sakit talaga! Para nagdudugo na ang tenga ko kakahila niya. >,<

"Oo na Ma. Kakayanin ko yang sinabi niyo."

Agad naman niya akong binitiwan at lumakad na ako paakyat sa kwarto ko pero bago yon ay hinampas ako ng malakas sa pwet ni mama.

"MA!"- iritang sabi ko. Nakita ko naman na pinagtatawan niya ako.  -__-

Umakyat na ako sa kwarto at agad na akong nag bihis ng pang tulog. Umupo muna ako sa kama habang nakaharap ako sa malaking salamin.

Habang nakatingin ako sa salamin ay pumapasok sa isip ko yong lalaking nakita ko kanina.

Guni-guni ko lang ba 'yon?

Pero parang totoo?

Tinitingnan ko pa rin ang sarili ko sa salamin at pag kurap ko ay nakita ko ang kakaibang kulay ng aking mga mata. O.O

Vampire Stare {WATTYS 2017}Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ