CHAPTER 18 (Blackmail) 🎯

1.2K 42 0
                                    

VLADIMER'S POV

"Excuse me sir.. Are you Vladimer Veroso?"- may lumapit saking babae.

Nasa waiting area lang ako naghihintay na matapos si Vera sa photoshoot niya.

"Yeah? Why?"- sabi ko.

"Ah kasi po sir, gusto daw kayong makita at makausap ni Mam Nievas."

Si Naomi? Gusto niya ako makausap?

"Ok. Pupuntahan ko siya." -tumayo na ako.

"Nasa 2nd floor po siya sir." -tumango lang ako sa sinabi niya.

I used the elevator para makaakyat.

*Ting!*

Bumukas na ang elevator at agad na akong lumabas.

Pagkalabas ko pa lang ay nakita ko na agad si Naomi. She's wearing a short shorts at see through shirt na kulay itim.

"Vladimer! Thank you dahil pumayag ka na puntahan ako dito?"- sabi niya tapos niyakap niya ako.

"What do u want?"- sabi ko at agad na niya akong binitawan.

"Well.. Dahil gusto mo ng diretsahang sagot.."- lumapit siya sakin malapit sa may tenga at alam kong namumula na naman ang mga mata niya.

Lumalabas na naman kasi ang pagiging bampira niya.

"I want you to be mine. Or else may mangyayaring masama girlfriend mong tao. Alam mo naman diba kapag nalaman ito ng head vampires? Mamamatay siya."-siya.

"Bakit ako pa ang gusto mo Naomi? May Martin ka na, kaya siya na lang ang pag interesan mo."-sabi ko.

Lumayo na siya ng kunti sakin.

"Martin? Yeah he's my boyfriend pero alam ko naman na hindi niya ako seneseryoso. Yong tipong parang wala ka lang sa tabi niya? Tsk! Cos I know he still in love with hes old ex gf."

"At sa tingin mo ba kapag nakuha mo na ako seseryosohin kita? That's a No for sure Naomi."

"Really? Are you sure?"

"Yeah."

"Ok then.. I'll tell Lux about it."- kinuha niya ang cellphone niya at tinatawagan na nga niya si Lux.

Mabilis ko namang kinuha ang cellphone niya.

"Try it or I'll kill you!"- pagbabanta ko sa kanya.

"I have another here."- pinakita niya ulit ang cellphone niya at hindi lang yon, nakahanda na ang mensahe at kung kanino niya ito esesend.

Hindi kay Lux kundi sa isang Vampire head!

"You know Vladimer baby.. Kahit sabihin pa nating kaya mo kong kalabanin at ang pinunong bampira ay hindi mo pa rin kaya even the Vampire Warriors ay wala kang laban. Kahit na ikaw pa ang Purest vampire blood ay talo ka pa rin. Kagaya dati diba? Hindi mo man lang naipagtanggol ang mahal mo."

Napatigil ako. Tama siya. Kahit na ako ang purest vampire blood ay hindi ko pa rin matatalo ang mga head vampires. Hindi ko alam kung bakit pero sigurado ako na may itinatago sila.

"Kaya.. Be mine kahit na kayo pa ng taong yon, kapag nalaman ito ni Martin ay wala naman yong pakialam. At saka ako na ang bahala na hindi ma buking ang relasyon niyo. Ayos ba?"-siya.

"Ok. Papayag ako sa gusto mo pero tandaan mo to Naomi. Hindi porket tayo ay lagi na akong sayo. Kay Vera pa rin ako."-sabi ko.

Lumapit na naman siya sakin.

"Thats ok with me dahil alam kong kapag hindi mo sinunod ang gusto ko ay lagot ang gf mo."- sabi niya at hinalikan na niya ako.

Hindi ako makaangal sa gusto niya dahil manganganib ang buhay ni Vera pag nagkataon.

Vampire Stare {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon