Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro

16.6K 28 0
                                    

Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego.
Itinuro ng huli kung saan naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tenyente Guevarra sa iilang nakipaglibing.

Isinalaysay ng butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan.

Si Don Rafael kasi ang tumustos sa kanyang pangangailangan sa pagtuturo noong siya'y nagsisimula pa.

Naisalaysay ng guro ang mga suliraning kinakaharap ng San Diego tungkol sa edukasyon.

Isa na dito ang kawalang ng paggastos para sa mga kagamitan sa pag-aaral,ang kawalan ng silid-aralan na akma upang makapag-aral ng walang balakid ang mga bata,ang kakaibang pananaw ng pari sa paraan ng pagtuturo,ang patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang aralin at ang kawalan ng pagkaka-isa ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong may katungkulan.

Ang mga libro ay nasusulat sa Kastila at kahit anong tiyaga ng guro na iaral sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng basahin,pilit itong pinaghihimasukan ni Padre Damaso.

Madalas din itong mamalo at pag mumurahin ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra,kung Saan nag-aaral ang mga bata dahil nga sa wala silang silid-aralan.

Ang mga magulang naman ay pinapanigan ang mga pari at ang maraming mga balakid sa pagtuturo ang naging sanhi upang magkasakit ang guro.

At nang siya ay bumalik upang magturo muli,higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang estudyante.

Laking pasasalamat niya ng hindi na si Padre Damaso ang kura ng San Diego,kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang estudyante.

Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang kanyang aralin,higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon.

Sa mga binanggit na ito ng guro ay nangako naman si Ibarra ba gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan.

Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor.

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now