Kabanata 63:Ang Noche Buena

9.6K 13 0
                                    

Si  Basilio ay nailigtas ng mag-anak na nakatira sa isang bundok na nabubuhay sa pangangahoy at pangangaso. Dalawang buwan na ang nakaraan at magaling-galing na si Basilio.

Nagpaalam siya sa mag-anak para hanapin niya ang kaniyang ina.

Malungkot na sa San Diego nang Paskong yaon. Walang parol at madilim ang kapaligiran. Si Don Filipo ay pinawalang sala sa bintang na paghihimagsik. Habang nag-uusap sila ni Kapitan Basilio, namataan nila si Sisa na palaboy-laboy.

 Habag na habag naman si Sinang,Victoria at Iday kina Maria Clara at Ibarra, Nakatanggap si Sinang  ng sulat sa kaibigan pero hindi niya binubuksan,

Hinanap ni Basilio ang ina nang hindi niya ito makita sa kanilang tahanan. Nakita niya ito sa tapat ng bahay ng alperes.

Tumakbo si Sisa ng makita ang sibil na inutusang papanhikin siya. Hinabol ni Basilio ang ina hanggang makarating ito sa gubat kung saan mayroong libingan.

Niyakap ni Basilio ang ina na nakilala siya bago ito nawalan ng malay tao.

Nawalang ng ulirat si Basilio at nang mahimasmasan siya, nakita niyang patay na ang kaniyang inang si Sisa.

May lumapit na duguang lalaki kay Basilio. Siya si Elias na nanghihina na. Inutusan niyang magsiga si Basilio at sunugin ang kanilang bangkay. Itinagubilin niya ang salapi na nakabaon at pinayuhan niya itong mag-aral. Gamitin niya  ang salapi kung walang aangkin nito.

Si Elias ay pumanaw na nakatingin sa silangan, Sinabi niyang mamatay siya na hindi makikita ang bukang liwayway sa lupa niyang minanahal. Natanaw ng mga tao sa San Diego ang sigang ginawa ni Basilio para sunugin ang labi ni Sisa at ni Elias.




NOTE:
Ang Kabanata 63 hanggang 64 ay galing sa "site" na Pinoy Students Corner.

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now