7

1.2K 5 0
                                    

Mama's jay saying here.

Nagising ako sa malaking puno agad akong bumangon Kasi birthday ngayon ng anak ko. Agad kong kinuha ang basket ko at umalis na dun.

Habang nag lalakad ako iniisip ko kung saan ko idadaos ang birthday ng anak ko. Hayst anak ko kamusta kana kaya?

Naisip ko na kung saan ko idadaos ang birthday ng anak ko. Sa school elementary niya dati. Iimbitahan ko na din yung mga classmate niya dati.

Habang nag lalakad ako naka salubong ko ang isang classmate niya nung elementary palang siya.

Malalaki na talaga ang pag babago nila kumpara dati nung elementary palang sila.

Pag ka uwi ko nakita ko si jay.

Kinausap ko siya pero hayst. Bakit ganun? Lagi nalang niya ako iniiwasan kapag andito na ako sa bahay hindi na niya ako kinaka usap at dun ako nalulungkot.

Pag ka alis niya sa bahay agad akong nag lista ng mga bibilhin para sa kanyang kaarawan.

Bago ako mamalengke agad akong pumunta sa elementary school ni jay dati. pinag pa alam ko sa principal nila na sa school ko gaganapin ang birthday ni jay para malaki ito at mapaganda ko.

Pumayag naman ang principal kaya naman agad akong pumunta sa palengke namili ng handa niya para mamaya.

Sigurado akong matutuwa si jay nito kapag nakita niya ang lahat nag paghihirap ko. Sana mag bago na siya alam kong kaya niya yun kaya aasa ako.

Habang namimili ako na iisip ko na ang magiging reaksyon ni jay mamaya. Alam kong matutuwa siya nito ng sobra sobra. At alam kong mag babati na kami at mag babago siya simula bukas.

Excited akong makita kaming mag kasama at masaya kahit ngayong araw lang na ito.

Hay salamat at natapos narin ako sa pamimili nag patulong ako sa mga iba pang mga studyante nag mag ayos para sa gagawing venue at hindi naman ako nabigo. Tinulungan nila ako na mapaganda ito.

Habang abala ako sa pag papaganda mg venue sinilip ko muna ang ang mga ibang nanay at mga kaibigan ko na tinutulungan ako mag luto.

Ang sarap sa pakiramdam na tinutulungan ka nila ang sarap pag masdan lalo na bokal sa loob at puso nila ang pagtulong.

Mare pakain kami sa birthday ng anak mo hah. Bongga bongga itong venue mo ang ganda. Sabi ni mareng elsa.

Ay oo naman mare kaylangan ko tong pagandahin para sa anak ko syempre mahal na mahal ko ang nag iisa kong anak at lahat ko gagawin para sa kanya. Sabi ko ng naka ngiting proud.

Ay ang swerte naman ni jay sayo mare. Masipag na matulungin na mabait pa. Sabi ni mareng elsa.

Abay syempre naman walang tatay eh. Ako lahat ang gagawa para sa anak ko pinaghandaan ko talaga tong araw na to mareng elsa. Sabi ko sa kanya.

Habang nag tatawanan kami bigla niya akong napalo ng medjo malakas at napasigaw ako sa sakit.

Arrraaayyyy mare. Sabi ko ang sakit talaga.

Hinimas ko yung braso ko kung saan nakita niya ang malaking pasa.

Ay sorry mare hindi ko sinasadya. Teka mare ano yan? Pasa? Bakit? Anong nang yare sayo? Sabi ni elsa.

Bakas sa mata niya ang pag tatanong na nag aalala para sakin.

Ah ito? Wala ito mare nadaganan kasi ako sa trabaho ko nung minsan eh. Sabi ko sa kanya.

Me And My MotherWhere stories live. Discover now