9

1.1K 5 0
                                    

Mama's jay saying here.

Nung naka tulog ako sa school ng elementary ni jay wala siya hindi siya dumating.

Nagising ako ng 5:30 ng umaga kaya agad akong umalis doon. 

Binayaan ko nalang ang pagkain naka lapag sa venue.

Nang nasa bahay na ako wala si jay sa bahay. Nag tataka ako kung bakit wala siya. Hindi na nga siya pumunta sa birthday niya eh. Tapos wala pa siya.

Galit ako kay jay pero wala akong magagawa kundi ang patawarin parin siya anak ko parin siya at mahal na mahal ko siya kahit anong mang yare.

Agad akong pumunta sa trabaho ko hindi ko inantay si jay. Na umuwi.

Pagka dating ko sa trabaho ko nahilo ako at nanakit nanaman ang katawan ko. Nakita ko nanaman ang pasa sa may binti ko. Pero hindi ko yun pinansin.

Hanggang sa hindi ko na kinaya at nahimatay na ako sa sobrang hilo at nang lalata narin ako.

Nakita kong nag kumpulan ang mga tao yun ang huli kong nakita tapos nawalan na ako ng malay.

Gumising ako sa isang clinic at nag tingin sa paligid pero wala manlang katao tao dito.

Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ang ikinagulat ko.

Ah gising kana pala sherly hindi kapa pweding umalis mag pahinga ka muna mas makaka buti sayo. Sabi ng isang doctor.

Pero doc. May trabaho ako at tsaka isa pa kaylangan kong puntahan ang anak ko sa bahay. Sabi ko sa doctor.

Agad akong tumayo pero nahilo at at nang lata kaya natumba ako.

Inalalayan naman niya ako humiga sa kama.

Sabi ko naman sayo mas makaka buti kung pang mag pahinga kana muna dito. Sabi ng doctor.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa utos ng Doctor.

Inisip ko ang mga nangyari kanina. Ang huli ko lang tlaga natandaan ay ang mga kumpulang katrabaho ko nasa harap ko yun lang.

Doc. Ano po ba ang nang yari saakin? Tanong ko kay doc.

Ah nahimatay ka kasi kanina sherly habang nasa trabaho ka kaya ka nila dinala dito. Sabi niya.

Ah kaya pala pero wait lang bakit ba ako nahihimatay? At na nakit ang katawan at nag kakapasa.

Doc pwedi niyo po ba akong i check up? Tanong ko sa kanya.

Tumingin muna siya saakin saka siya tumango.

Kinuha niya ang gamit sa pag che check up.

Ano ba ang nararamdaman mo sherly? Tanong ng doctor saakin.

Kinabahan ako ng tinanong niya saakin yun.

Wala akong nagawa kundi sabihin ang katotohanan.

Kasi Doc. Minsan nahihilo ako nang lalata. Minsan nag kakaroon ng malalaking pasa pero hindi ko alam ang dahilan. Minsan ang sakit ng katawan ko sa loob ng katawan ko kapag hinahawakan ko ang sakit ng mga balat ko. Minsan narin akong laging nag no nose bleed. Sabi ko sa kanya.

Feeling ko masama toh. Agad nag init ang gilid ng mga mata ko.

Kukuhaan kita ng dugo at doon ko i te test oh pag aaralan kung ano ang sakit mo. Sabi ni doc.

Tumango nalang ako.

Agad kinuha ni doc ang pang turok para kuhaan ako ng dugo.

Pinupunas palang sa balat ko ang bulak na may alcohol naramdaman ko na ang sakit. Hanggang sa dumiit na ang karayon sa balat ko na ikinaluha ko sa sakit.

Me And My MotherWhere stories live. Discover now