Chapter 19

7.4K 147 5
                                    

Nang dumating si Kuya Matt kasama si Rai ay pilit akong nagpaskil ng ngiti sa labi. Ayaw ko kasing isipin ni Rai na apekatdo pa rin ako sa nangyari, gayong ako naman mismo ang nagsuhestiyon na ibalik na lamang sa dati ang samahan naming dalawa.

Pero kung puwede lang silaban ng buhay si Cheska sa mga oras na ito ay ginawa ko na.

Very open ito sa pakikipag-flirt kayRai.

Ito naman si Kuya ay umaktong tila wala ako sa paligid niya dahil kay Marah palagi ang atensiyon niya.

Samakatuwid, ako na ang out of place sa pagtitipong ito.

'Itong Rai na ito talaga, walang ka-taste-taste! Dito pa talaga ako ipinagpalit sa jologs na babaeng ito!'

"Mga Jologs..." Bulong ko sa sarili.

Napalingon si Rai sa akin.

Narinig niya ba ako?

Napalakas ba ang sabi ko?

"Anong sabi mo Thea?" Nakangiting tanong niya sa akin.

Talaga pa lang pinanindigan na niya ang pagbabalik sa normal ng lahat, dahil walang indikasyon ng ano pa man sa mukha nito na naaalala pa niya ang mga nangyari sa amin.

"May sinabi ba ako?" Maang-maangan kong tanong.

Ngumisi ito. "Wala ba?"

"Wala!" Ingos ko.

Nagkibit-balikat lamang ito at muling binalingan si Cheska.

Hindi ko na matiis ang sitwasyon! Lalo na ng makita kong nilalaro-laro ng daliri ni Cheska ang hibla ng buhok ni Rai.

Tumayo ako bigla at ibinagsak ko pa ang dalawang kamay ko sa mesa. Ako na attention-seeker! "Gusto ko nang umuwi!" Deklara ko.

Hindi naman ako nagkamali dahil nakuha ko ang atensyon ng apat. Sabay-sabay na napatingin ang mga ito sa akin.

"Maaga pa, ah?" Sinipat pa ni Kuya Matt ang wrist watch niya.

"Basta! Gusto ko nang umuwi. Kung ayaw niyo pa, fine! Magta-taxi na lang ako!" Nagpupuyos na talaga ang dibdib ko. Hindi ko na makayanan ang eksena dito.

Kung maaari lang talagang pagbuhulin si Rai at Cheska ay baka ginawa ko na!

Dinambot ko na ang shoulder bag ko at tinalikuran ang apat.

"Thea! Ano bang nakain mo?" Narinig kong tawa ni Kuya, pero di na ako nagabalang lingunin ito.

"Ako na pare." Si Rai.

Dahil alam kong nakasunod na sa akin si Rai ay pinaspasan ko na ang lakad ko at nakalabas ng naturang restaurant.

Pero agad niya akong naabutan at pinigilan ako sa braso.

"What's wrong with you?" Tanong niya at pilit hinarap ako sa gawi niya.

"Pakialam mo?!" Pagtataray ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.

Salubong na salubong ang mga kilay ni Rai, kaya mas tinarayan ko pa ang pagtitig sa kanya.

"Nagseselos ka, noh?"

What?!

'Halatang-halata na ba talaga ako?'

Kinalas ko ang braso kong hawak-hawak niya. "At kanino naman ako magseselos?"

SO IT'S YOU ♥ [MAJOR MAJOR EDIT]Where stories live. Discover now