Chapter 21

9.4K 160 3
                                    

Muli ay napamaang ako.

'...Kasi ako mahal kita... Mahal na mahal...'

'...Kasi ako mahal kita... Mahal na mahal...'

'...Kasi ako mahal kita... Mahal na mahal...'

Tila sirang plakang nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang mga katagang binigkas ni Rai.

Ano raw?

Tama ba ang narinig ko?

"M-Mahal mo ako?" Nauutal kong tanong.

"Ano sa tingin mo? Andito ka ngayon sa condo ko. Handa akong makipagpatayan sa kuya mo para lang mapatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal. Hindi na talaga kita i-uuwi sa inyo."

"R-Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Ilang araw ko bang hinintay na sabihin niya sa akin ang mga katagang ito.

Tumango siya.

"S-Since when?" Tanong ko ulit.

"I don't know. Siguro matagal na. Siguro noong highschool ka pa..."

Nanlaki ang mga mata ko.

'Lord, kung panaginip ito ay ayoko ng magising!'

Hindi ako nakapasalita.

Titig na titig lang ako sa kanya.

Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy sa sinasabi. "Hindi ko lang maamin sa sarili ko. Iyon din siguro ang reason why both my ex-girlfriends left me. Para kasing wala lang ang mga relationships namin eh. Tumatagal lang dahil hindi kami parating nag-aaway. Ganoon kasimple. Besides, paano ko nga ba maaamin kahit sa sarili ko, eh, kapatid ka ni Matt. Iyon din siguro ang reason kung bakit parati kitang isinusumbong sa kuya mo. Mahal kita at ayokong may ibang lalaking umaaligid sayo." Mahabang paliwanag niya.

Tuluyan ko ng di napigilan ang ngumiti ng malaki. "Edi inamin mo rin na sumbungero ka?"

"Ano pa nga ba?" Tila nakakalokong tumawa siya. "Kasalanan ko ba?"

"Oh, Rai!" Niyakap ko siya ng mahigpit. "Mahal din naman kita eh." Amin ko. "Kasi naman ikaw, eh. Niyaya mo kong magpakasal pero parati mong binabanggit si Kuya. Parang mas importante pa ang sasabihin niya kaysa sa nararamdaman ko."

"In-denial pa kasi ako ng mga panahong iyon. Nakakabigla kasi ang realization na all this time, ikaw lang pala. Na-realize ko lang that night..."

Muling naglapat ang mga labi namin.

Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa ng mga sandaling ito.

Ngunit ng maalala ko bigla si Kuya Matt ay inilayo ko ang sarili ko sa kanya.

"Lagot tayo kay Kuya sa ginawa nating ito." Sabi ko. "Baka masapak ka nun."

"Tatanggapin ko ang suntok niya kahit gaano pa karami at kalakas iyon."

"Magagalit sayo yun. Paniguradong aawayin ka niya."

"Tatanggapin ko." Ikinulong niya ang mukha ko sa magkabilang palad. "Anything for you, Thea."

"I love you Rai!"

SO IT'S YOU ♥ [MAJOR MAJOR EDIT]Where stories live. Discover now