Chapter 31

14.7K 267 8
                                    




Umaga.

Maaga ako tumayo ng higaan para maghanda ng breakfast namin. Pupunta sa bahay sina Sir Aries, Yanie at Jelly. Tutulungan nila ako magprepare para sa binyag ni Feena, balak namin syang ipabinyag sa darating na sunday. Nagtanong na din ako kay Mama sa mga kailangan namin ayusin bukod sa pagpunta sa simbahan para magpareserve. Si Vlad na ang bahala mag ayos sa simbahan samantalang kami nina Yanie ang bahala sa reception. Naisip ko na maliit at simplenh handaan nalang ang gawin namin para hindi masyadong magastos. Oh marunong na ako magtipid!

Karga karga ko si Feena pababa ng hagdan. Tulog na tulog pa si Vlad dahil pagod sya kahapon. May pasok syang pero 6AM pa sya tatayo at gigising. Pagkababa namin, inilapag ko muna si Feena sa crib nya. At pumasok ako ng kusina, kumuha ako ng mga iluluto ko sa ref at binuksan ko ang stove. Nagrequest si Yanie na ipagluto ko sya ng Adobo, well yun kasi ang favorite nya! Si Jelly naman dahil inloved eh laging good mood at natutuwa naman ako dahil soon makauwi si Chris, may kasalan magaganap. At abay kami ni Vlad at ang Feena namin. Pero bago yun mauuna muna sila maging ninong at ninang sa binyag ng anak ko.

[ Doorbell Ringing ]

Nagulat ako sa narinig ko. Ang aga pa para dumating nina Jelly. Pinatay ko sandali ang stove, baka kasi masunog yun piniprito ko. Nagpunas ako ng kamay ko at agad tinakbo ang pintuan. Lumabas ako papuntang gate para pagbuksan ang nag doorbell.

"Drake?

Nagulat ako sa nakita ko. Si Drake?
Nakauniform na sya. Yun uniform nya sa trabaho.
Nakayuko lang sya sa harap ko. Sa gulat at unexpected ang pagdating nya. Niyakap ko sya.

"Aly?" ramdam ko napahawak sya sa likod ko ng bigla ko syang yakapin. Namiss ko ang bestfriend ko.

"Bakit ngayon ka lang nagparamdam?" tanong ko pagkahampas ko sa balikat nya. Natawa lang sya.

"Busy nga ako. Ilan beses ko na sinabi syo pero parang ayaw mo maniwala.

Napasimangot ako. Hindi na kasi sya nakakasama sa mga bonding namin nila Jelly. Sya lagi ang kulang. Gusto ko magtampo sa kanya kaya lang pwede pa siguro yun kung nag aaral pa kami, ngayon hindi na dahil may kanya kanya na kaming buhay. Sila nagtatrabaho. Ako naman sa pamilya ko.

"Pasok ka. Tulog pa si Vlad." yaya ko sa kanya pagkasara ko ng pinto. Pumasok kami sa loob.

"Oh si Feena ba ito?" gulat nyang tanong ng makita nya ang anak ko na natutulog pa sa crib. Sinilip nya iyun. Nakita kong ang saya sa mukha nya ng makita nya ang future inaanak nya.

"Pupunta din sina Jelly at Yanie mamaya.." ngiting sabi ko pagkabalik ko sa kusina. Sumunod lang sya sa akin at naupo sa may hapagkainan. Kumuha ako ng tasa at binuksan ko ulit ang coffee brewer.

"Ang aga mo?" tanong ko habang nagtitimpla ng kape nya at ni Vlad. Malapit na mag 6AM. Gigising na din si Vlad.

"Eh naisip ko na dumaan dito. Sabi mo magkikita kita kayo nila Jelly. Diba? Para sa binyag ni Feena.

Bigla akong natuwa sa narinig ko. It means sasama sya sa pagtulong. 

"Tutulungan mo kami?" tanong ko kaagad. Nakatawa sya. At tumango.

"Oo. Eh baka magtampo kana sa akin ng tuluyan kapag di pa ako nagpunta ngayon.

"Malamang. Ninong ka kaya.

Natawa si Drake. Inabot ko sa kanya ang kape. Narinig ko na nagbukas ang pinto sa kwarto namin ni Vlad. Dinig ko na din ang yabag ng mga paa ni Vlad.

"Gising na asawa mo?" ask Drake habang umiinom ng kape. Tumango ako habang palipat lipat sa dalawang lugar. Nag aayos na kasi ako ng mga pagkain at for sure pagbaba ni Vlad, kakaen na agad yun.

I'm Married To A Professor ✔️Where stories live. Discover now