Status: In love

2.1K 30 6
                                    

Yung mga sumunod na araw na yata ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

Dati pa naman kami madalas magkasama ni Mia pero iba ngayon.

Kasi ngayon, alam kong mahal niya ko. At sa kaligayahan ko, wala ng papantay pa dun. ^^

Biyernes na. Pauwi na kami ni Mia.

Pero huminto muna kami sa park.

“Yan. Tapos na. ^______________________________________^”

“Ang ano? Ano ba ginagawa mo?”

“Eh akala mo ba ikaw lang may kontrata? Ako din syempre.”

Inabot niya sa’kin yung yellow paper na kanina pa niya sinusulatan.

Curious na din ako sa laman pero ayaw niya ipatingin.

“ ‘Mia’s rules to a healthy relationship?’ Ano to?”

“Nabasa mo na nga eh, uulitin ko pa?”

“Eh para san to? Bakit may rules pa? Kailangan ba yun?”

“Oo naman. Basta. Basahin mo kasi muna.”

Hindi ko rin talaga maintidihan to si Mia.

May rules pa talaga ah.

“ ‘Rule #1: Walang over-PDA. In public, holding hands lang.’ Ha? Bakit naman ganun Mia?”

Holding hands lang? Ni yakap, wala? TT.TT

“Kasi… Ayoko ng inaakbayan ako. Feeling ko nanliliit ako. Syempre dapat i-earn mo yung hugs ko.”

“Hugs? Hugs lang?”

“Bakit? Ano pa ba dapat?”

“Ano… Kiss?”

“Baliw ka ba? Syempre mas paghirapan mo yun. Gusto mo bang masipa? Kiss-kiss-in kita diyan sa pader eh. Ikaw pa demanding…”

“Para namang hindi ako mahal…”

“Aba. Wagas ka Ean. Kiss ba ang batayan ng love? Hindi naman ahh. Wag ka nga diyan. Mahal kita. Pero respetuhin mo na babae din akong dapat suyuin nu…”

Awts.

The 100 Day ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon