Chapter 7: S

3.4K 95 4
                                    

( Neron Stonner at the top👆👆👆😍😍)

Nzerhina's POV

Malayo pa lang ako sa classroom ay alam ko nang ako ang pinag-usapan nila. Paanong hindi eh, pawang ang tingin nila sa akin. Para tuloy akong extra-celebrity nito. Tsk.

Dinedma ko lang sila at umupo sa likuran.
Tumingin ako sa may bintana nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Nangunot ang noo ko nang makita ko si Racer na seryosong nakatitig sa akin.
Nasa tapat din siya ng bintana ng classroom nila kung saan katabi ng building namin.

Kinapa ko ang mukha ko pero wala namang dumi. Lumingon din ako sa likod  pero wala namang ibang tao.
Problema niya? Bakit siya nakatitig sa akin?

Tumayo ako at lumabas ng classroom nang makita ko siyang lumabas. Ewan, pero parang may gusto siyang sabihin sa akin.
Tinawag ako ni Adam pero hindi ko siya pinansin.

Dumiritso ako sa music room.
Naabutan ko si Racer na nakatalikod habang nilalaro ang guitara.
Lalapit sana ako sa kanya pero bigla siyang nagsalita.

"Nzerhina Yuki, kaisa-isang babae na naglakas-loob na pumasok dito sa teritoryo ng mga Assassin."

Lumingon siya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Sabihin mo, bakit ka pumasok dito sa DA?"

"Kailangan ko bang sagutin ang tanong na 'yan? Sa tingin ko pare-pareho naman tayong lahat ng rason, diba?"

Ngumisi lang siya sa akin.

"Tama ka. Pero may iba na gustong hanapin ang sagot sa lahat ng tanong nila."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Sasagot sana ako pero may inabot siya sa akin na isang envelope.
Kapareho nito ang envelope na binigay din ni Adam noon sa akin.
Nagtatakang kinuha ko ito.

"Be one of us. Be an assassin."

"Paano kung ayoko?"
May paghahamon kong tanong.

"I'm just giving you a favor Nzer. If you joined our group, you'll be safe."

"Salamat na lang pero kaya kong ipagtanggol ang sarili ko."

Inilapag ko ang envelope sa mesa at walang-paalam na naglakad patungo sa pintuan. Bubuksan ko pa lang ang pinto nang marinig ko siyang magsalita.

"Papayag ka rin."

Ngumisi lang ako at lumabas na nang tuluyan sa music room.
Dahil tinamad na akong pumunta sa classroom ay bumalik na lang ako sa dorm.
Pinanood ko lang ulit ang Transporter 3.
Nang magsawa na ako ay humiga ako sa sofa.

"Ang boring."

Ano bang pwedeng gawin dito?
Wala namang mapaglilibangan dito, tsk.

"Papayag ka rin."

Racer Rollins.
Ang hirap niyang basahin. Ano ba ang plano niya at gusto niya akong palipatin ng grupo?
He's doing me a favor huh. Tsk.
Masyado niya akong minamaliit.

"Get ready. Severos wants a fight with you."

Napabangon ako bigla nang marinig ko ang sinabi ni Adam. Paano ko nalaman na siya? Oh well, madali lang namang matukoy ang boses niyang mala-yelo.

"Severos who?"

"Leader of Blood group."

"And?"

Hindi ko maintindihan. Bakit ako hinamon ng Severos na 'yon? Ano 'to, find your match? Kung may gusto kang kalabanin, pwede ng hamunin?
Ayos ah.

"Listen slowpoke, in this academy death is just a game. Kung gusto ka nilang patayin, gahasain, wala kang magagawa d'on. Papayag ka sa ayaw at sa gusto mo. You can't break their rules."

Demon Academy✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon