Chapter 12: Vice-President

3.1K 85 3
                                    

(Kyeol Park at the top☝☝😍)

Nzerhina's POV

"What do you want?"
Tanong ko sa isang lalaki na humila sa akin papunta dito.

Para siyang crown prince ng joseon kahit saang anggulo mo tingnan
He's a perfect king-to-be.

Singkit na mata, 'yong tipong kapag ngingiti ay mawawala.
Isama mo pa ang kilay na bagay na bagay sa kanya.
Labi na kasing-pula ng mansanas.
Buhok na medyo magulo pero ang astig tingnan.
Sa madaling salita he's perfect.

Parang nakita ko na siya noon.
Hindi ko lang alam kung saan---o baka hindi.

"Satisfied now? Masyado ka yatang na-attract sa kagwapuhan ko."

Ano raw?
Ako?
Nagwa-gwapuhan sa kanya?
Oh well--- sinabi kong gwapo siya pero duh, ang kapal naman yata ng mukha niya.
Gwapo nga siya pero 'di naman ibig-sabihin noon gusto ko siya.

"Bakit mo ako dinala dito? Atsaka, sino ka ba?"

"Well, I'm the Student's Council President."

"President? Student Council?"

Nagbibiro ba ang taong 'to?
Sa itsura ng academy na 'to, may student council pa pala. Nagmukha na nga 'tong basura.

"I'm Kyeol Park- Rollins, nice to meet you Ms. Yuki."

Teka, Rollins?
Ibig-sabihin----pinsan niya ang panda na 'yon? Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha niya.

"Ok. Makakaalis na ba ako?"

"No. I brought you here to ask a favor."

"Favor?"

Wow! Ang kapal rin naman ng mukha ng lalaking 'to. Ngayon nga lang kami nagkakilala, may favor na 'agad. Pinaglihi yata 'to sa webster dictionary.

Medyo kinabahan ako ng ngumiti siya sa akin. Hindi maganda ang kutob ko dito. This is bad.

"Be a Vice President of Student's Council?"

Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya.
Vice-President? Nasisiraan na ba siya ng ulo?
Ako?

"Base sa reaksyon mo alam kong hindi ka papayag so---"

May kinuha siyang isang envelope at kinuha ang laman nito.
Halo-halo ang emosyon na naramdaman ko nang makita ko ang litrato.

Nanginginig ang mga paa na lumapit  ako sa mesa.
Kinuha ko ang isang picture.
Parang baliw na napangiti ako habang pinagmasdan ang itsura niya.

"Rou,"

"Kung papayag kang maging Vice-Pres----"

"Where is he?"
Tanong ko sa kanya at hinawakan siya sa kwelyo.

May picture siya ni Rou, posibleng alam niya kung nasaan siya.

"I'll tell you kung papayag ka sa gusto ko."

"Just tell me! Where the heck is Rou?"

Hinigpitan ko ang pagkakawahak sa kwelyo niya at isinandal siya sa pader.

"Be a vice-president and you'll see him."

"And If I don't?"

"I won't tell you."

Binitawan ko ang kwelyo niya at litong umupo.
I don't want to be a vice-president pero kung hindi ako papayag hindi ko siya makikita.

"Argh!"

Inis na ginulo ko ang buhok ko at napasapo sa mukha.
Bahala na. For Rou, I'll do it.

"Okay, now tell me."

Demon Academy✅Where stories live. Discover now