CHAPTER 2

9.1K 158 0
                                    

Hindi muna ako umuwi, nag shopping lang ako mag isa, nakakainis yung ganung eksena. Bakit kaya ganun?, naiinis ako kahit wala naman silang ginawa sa akin. Matapos na akong mag shopping pumunta na ako ng parking lot. At doon ko naalala na wala pala akong dalang sasakyan kaya mag cocommute nalang ako.

Pag dating ko ng bahay wala si mommy siguro nasa kabila. Umakyat ako sa kwarto at naligo ulit ng malamig na tubig dahil feeling ko parang wala ako sa katawang tao ko ngayon. Naiiyak ako sa sobrang inis dahil sa best friend ko. Bakit ganito yung feeling ko. Bakit parang ang sakit ng makitang may nag papasaya na sa kanya. At hindi ako yon.

"Urrrrrgggghhhh!"sigaw ko sa banyo at napa sabunot nalang sa buhok dahil sa frustration, hindi ko maintindihan ang mga ng yayari ngayon sa akin. Matapos kong maligo at mag ayos lumabas ako ng kwarto at pumunta ng music room, guitara lang siguro katapat ng inis ko..

Playing: THE FIRST CUT IS THE DEEPEST by: Sheryl crowl

I would have given you all of my heart
But theres someone who's torn it apart
And he's taken just all that i have
But if you want i'll try to love again
Baby i'll try to love again but i know..

Napapaluha ako sa kanta parang broken hearted naman ang dating ko nito. Broken nga ba? Shit lang..

Chorus:

The first cut is the deepest
Baby i know
The first cut is the deepest
But when it comes to bein' lucky, he's cursed
When it comes to loving me he's worst...

Yeah! Siguro nga, nahuhulog na ako sa best friend ko but worst nahulog na pala. Shit bakit ang sakit?..

I still want you by my side
Just to help me dry the tears that i've cried
And I'm sure gonna give you a try
But if you want i'll try to love again, (try)
Baby i'll try to love again but i know..

Shit! Bakit ngayon pa?, bakit ngayon pang may iba ng nag papasaya sa kanya. First time kong mainlove bakit ganito pa.

Chorus:

Ohhhh!
The first cut is the deepest
Baby i know
The first cut is the deepest
But when it comes to bein' lucky, he's cursed
When it comes to loving me he's worst..

The first cut is the deepest
Baby i know
The first cut is the deepest
But when it comes to bein' lucky, he's cursed
When it comes to loving me he's worst..

The first cut is the deepest
Try to love again..

Napa hagulgol nalang ako nung matapos ko yung kanta. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Yun na nga ba ang dis advantage ng may bestfriend na lalaki, nahuhulog ka pero di ka nila sinasalo. Oo mahal na mahal ko siya at ayaw ko siyang mawala sa akin, akala ko bilang bestfriend lang yon. Pero hindi pala, mahal ko talaga siya higit pa sa kaibigan, I love him as a man, and I love him in a romantic way. Ako lang talaga ang nag de deny sa nararamdaman ko simula palang dahil ayaw kong masira ang kung ano mang meron kami. Patuloy lang ako sa pag iyak hangang napagod ako at huminahon na, nag punas lang ako ng luha at tumayo na. Itulog ko nalang to, baka sakaling mawala bukas o sa makalawa.

Nakarating ako sa kwarto at humilata sa higaan ko. 8:13pm na pero hindi pa ako kumain ng dinner wala akong gana kumain ngayon. Halos ilang oras pala ako sa music room. Hapon palang nung maka uwi ako galing mall. Hindi na din ako nag pakita kay mommy dahil mag tatanong yun kung bakit ganito itsura ko ngayon. Balisa at maga ang mga mata. Mabilis lang akong nakatulog dahil sa pagod siguro kakaiyak..

Nagising ako kina umagahan na may naka yakap sa akin at humahalik sa pisngi. Kaya napamulat ako ang there he is, my best friend nag punas ako ng mukha baka mamaya may dumi. Ganyan yan pag nag lalambing, sabihin niyo nga sino ang hindi mahuhulog sa katulad niyang sobrang sweet. Naisip ko nanaman yung kagabi kaya napa balikwas ako ng bangon. Naasar padin ako sa sarili ko.

"Good morning" bati niya sa akin. At niyakap nanaman ako.

"Bitaw nga aga aga para kang linta" inis kong sabi kaya hinalikan niya ako sa pisngi.

"Bakit ang sungit ng bestfriend ko? Ang aga aga. Umiyak kaba kagabi bakit ganyan mata mo mugto at namamaga?"tanong niya sa akin ng hindi padin tinatangal ang pakayakap. Napayuko nalang ako naalala ko nanaman ang iniyakan ko kahapon.

"Tara sa baba kain kana hindi ka daw kumain kagabi sabi ni Tita" tumango nalang ako. At dumeretso sa cr para mag ayos. Tapos nun inakbayan niya ako pababa.

"Baby kain na kayo"sabi ni mommy lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi.

"Ok po" sabi ko at nag simula na kaming kumain.

Tahimik lang kaming kumain tanging tunog lang ng pinggan, kutsara at tinidor ang maririnig mo, ang awkward ng atmosphere sa kusinang ito. Nakaka binging katahimikan, hindi ako sanay, kahit si mommy hindi din nag sasalita nararamdan niya sigurong may kakaiba or may mali. Nag patuloy lang kami sa pagkain ng walang imikan hanggang sa natapos na ako. Tumayo na ako at umakyat ulit sa kwarto para maligo. Ayaw ko nito. Feeling ko nag iisa nanaman ako.

MY BESTFRIEND GOT ME PREGNANTWhere stories live. Discover now