(Jihoon's)
"Minor injury lang naman ang inabot ng kaibigan niyo kaya pwede niyo na siyang iuwi pero kailangan niya paring ipahinga yung kanang paa niya kahit isang linggo lang." Sabi nung nurse kila Mingyu at Coups, sila kasi ang kasama ko dito.
"Ganun ba? Sige, salamat." Sabi ni Coups kaya umalis na rin agad yung nurse.
Ipahinga ng isang linggo? Ibig sabihin hindi pa ako makakapag-practice ng sayaw. Tsk!
Ang bobo kasi talaga nung hagdanan! Sarap tuloy sunugin nung buong bookstore.
"Woozi!" Tawag ni Coups nang nakangiti pa, kitang-kita ko tuloy yung gilagid niya. Ew!
Hindi ko nalang siya pinansin at nagkunyaring may kinakalikot ako sa cellphone ko pero ang totoo, lowbat na talaga ako kanina pa.
"Narinig mo ba yung sinabi ng nurse?" Tanong niya ulit. Kairita amputa!
"Malamang." Sagot ko ng hindi tumitingin sakanya.
"Pwede ka nang umuwi."
"Pwede ka na ring umalis."
"Jihoon naman!" Sabi niya habang nagmamaktol pa sa gilid ko. Tinignan ko lang siya ng masama pero ayaw niya pa ring tumigil sa kaputanginahan niya. Nakakainis tuloy!
Maya-maya ay bigla nalang bumukas ang pinto at isa nanamang punyeta ang dumating.
"HOSHIIIIIII!" Sigaw ni Mingyu na para bang limang taon silang di nagkita.
"Sinong nagpapunta sayo dito?" Tanong ko sakanya kaya agad naman siyang napatingin kay Mingyu. Kingina! Sabi ko na e.
Sinamaan ko ng tingin si Mingyu pero ngumiti lang siya pagkatapos ay tinulak niya papalapit si Hoshi sakin. Parang gago amputa!
Umayos naman si Hoshi ng pagkakatayo pagkatapos ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
Hindi ko mai-explain yung itsura niya dahil para siyang mangiyak-ngiyak na ewan. Puta! Magkaibigan nga sila ni Mingyu, pareho silang may sapak.
"Okay ka na ba?" Sabi niya sa mahinang boses. "Nasaktan ka ba? Anong sabi ng doctor? Mabubuhay ka pa daw ba? May gamot pa ba sa sakit mo? Anong- ARAY!!!"
Binatukan ko nga. Hayup na to! Konting galos lang naman inabot ko pero kung makapagtanong akala mo naman mamamatay na ako.
"Tangina mo ba? Hindi pa ako mamamatay gago!" Sabi ko sakanya sabay irap. Napakamot nalang siya ng ulo dahil sa katarantaduhan niya.
"Hehe, sorry na Jihoonie my loves. Nag-alala kasi talaga ako sayo e." Sabi niya habang nakatingin sa paa kong may mga benda pa.
"Okay na ako, wag ka nang mag-alala dyan." Sabi ko kaya napabuntong-hininga nalang siya at napangiti.
"Gusto mo ako na maghatid sayo pauwi."
"Hindi! Ako na mag-uuwi sakanya." Sabat bigla ni Coups na ikinagulat ko.
Natahimik kaming lahat sa buong kwarto. Palipat lipat lang ang tingin ko kay Hoshi at Coups na nakatingin ng masama sa isa't-isa.
"Ah mga hyung, ako na ang mag-uuwi kay pres." Sabi naman bigla ni Mingyu na biglang bumasag sa katahimikan.
"AKO NA NGA SABI!" Sabay na sabi pa nila Hoshi at Coups. Pag-untugin ko kaya tong dalawang to.
"Kingina niyo ah! Si Mingyu nalang ang mag-uuwi sakin dahil may pag-uusapan pa kaming dalawa." Sabi ko sakanila kaya nanahimik na silang dalawa.
Umupo nalang muna ako mula sa pagkakahiga pagkatapos ay unti-unti kong binaba yung kanang paa ko habang inaalalayan ako ni Mingyu.
"Tara na." Aya ko kay Mingyu kaya agad naman siyang sumunod.
Iniwan na namin yung dalawa at dire-diretso lang kami hanggang sa makalabas na kami ng ospital. Nabayaran naman na daw ni Coups yung hospital bill kaya wala nang problema bukod sakanilang dalawa ni Hoshi.
Bahala nga silang dalawa dun.
"Oy pres! Ano ba yung pag-uusapan nating dalawa?" Tanong bigla ni nog habang naghihintay kami ng taxi na paparahin.
"Tatanungin ko ulit sayo yung tinanong ko sa chat nung isang gabi." Sabi ko kaya pansin kong biglang nanlaki yung mga mata niya. Wala nang kawala sakin tong hayup na to!
"P-pres naman! Bawal ngang sabihin." Sabi niya habang nagkakamot pa ng ulo.
"Sagutin mo nalang kasi." Sabi ko sakanya kaya mabilis siyang umiling-iling. "Sino nga?!?!"
Hindi pa rin siya nagsasalita at nanatili lang siyang tahimik. Naikuyom ko na tuloy yung palad ko sa sobrang inis.
"Hindi ka ba talaga magsasalita?!" Tanong ko sakanya habang pinanlalakihan ko siya ng mata.
Umiling-iling nanaman siya pagkatapos ay tinakpan niya pa ng dalawang kamay niya yung bibig niya. Hays!
"Pano ko kayo matutulungan na paaminin siya kung hindi niyo naman sasabihin sakin kung sino yung gusto niya." Sabi ko pagkatapos ay tinitigan niya muna ako na para bang may hindi kapani-paniwala akong ginawa. Ang OA din mag-react ng sunog na to e.
Maya-maya ay tinanggal na niya yung dalawang kamay niya sa bibig niya.
"Wala kasi ako sa posisyon para magsabi, okay? At tsaka bakit ka ba kasi biglang naging interesado sa mahal niya? Akala ko ba wala kang pake kay Hoshi." Tanong niya kaya umiling nalang ako.
Kung hindi lang naman dahil dun sa sinabi niya nung natutulog siya, hindi talaga ako magiging interesado sa mahal niya.
Bakit niya ba kasi binabanggit yung pangalan ko habang natutulog tapos yung mga sumusunod niyang sinasabi hindi na maintindihan. Puro 'Woozi, asgatwbshaka' ang naririnig ko.
"Mingyu, anong ibig sabihin kapag napapanaginipan ka nung isang tao?" Tanong ko kay Mingyu na ikinakunot ng noo niya.
"Huh? Siguro dahil palagi ka niyang iniisip." Sagot niya kaya napabuntong hininga nalang ako.
Ako ba yung tinutukoy nilang mahal niya?
Puta! Ayokong mag-assume pero bakit ganun? Ang lakas ng kutob kong ako talaga yun.
---

YOU ARE READING
rule #5 • soonhoon au
Short StoryIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English