~13~

64 7 0
                                    

Roxanne's POV

"K-kuya"  hindi ako makatingin ng diretso kay kuya. Pakiramdam ko pulang pula na ang pisngi ko sa kahihiyan.

Ano ba kasing pumasok sa isip ng lalaking ito at bigla na lang nanghahalik?! Agh!

Diretso lang syang pumasok at walang ano-anu'y  " Be the man of my twin sister dre" nalaglag ang panga ko sa sinabi ni kuya. Wth!

Ang akala ko susugudin nya si Tanner at sesermunan dahil bigla na  lang itong nanghahalik. Pero anong nangyari at parang sang-ayon pa ito sa nakita at nagdesisyon na lang ito, na parang pinamimigay ako?

"Anong pinagsasabi mo kuya? Hindi mo ba nakita ninakawan ako nyan ng halik tapos ngayon parang wala lang sayo?"

"Mas panatag ang loob ko kung sya ang magiging nobyo mo"

"You're crazy! At paano naman ako? Gugustuhin ko ba na maging boyfriend nyan?!" Turo ko kay Tanner ngunit natigilan ako nang makita ang lungkot sa mukha nito. Sumobra ata ako sa sinabi ko.

"Wala naman akong sinabing gustuhin mo sya agad ah? Ang sa akin lang mas gusto ko sya para sayo. Nasa kanya pa rin naman kung totohanin nya ang sinabi ko"

Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Pero imposible naman na seryosohin ni Tanner ang sinabi ni kuya.

Ngunit nanumbalik sa isipan ko ang nangyari kani-kanilang. Manyak! My first kiss was gone!

" I will court you Roxanne"  Hindi ako nakakibo sa sinabi nya. It is not a question but it was a statement. What the hell he thinking?

Nginisihan ko sya. "Kung ang inaalala mo ang sinabi ni kuya, then ignor it" walang ganang sagot ko sa kanya. Si kuya naman ay may ngising aso na nakatingin kay Tanner. Pch!

"Kahit hindi sinabi yun ng kuya mo still I will do the same. And wala kang ibang gagawin kundi tanggapin ang sinasabi ko. I will court you until you falling inlove with me"  sumilay ang ngiti sa labi nito nang sabihin yun at diretsong nakatingin sa akin.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Liligawan mo ako? Pero bakit?" Hamon ko sa kanya.

"Tsk!" Narinig kong sabi ni kuya.

"Because i like you, simple as that"

"Gusto mo ako? Agad agad that is impossible!" Sarkastiko kong sabi.  Hindi nya ako maloloko. Alam ko naman sinasakyan lang nito si kuya e.

"I like you since highschool. Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala basta liligawan kita. At magmula ngayon masanay ka ng lagi mo akong nakikita" 

"Ay!ewan ko sa inyo! Tigilan nyo akong dalawa pinag-titripan nyo lang ako e!"

"Totoo ang sinasabi ko" sabi ni Tanner nang magsimula itong humakbang patungo sa akin. Si kuya naman ay printing nakaupo sa sofa at waring nasisiyahan na nakatingin sa aming dalawa.

"Tumigil ka!" Banta ko sa kanya dahil patuloy pa rin itong lumalapit sa akin.

"No one can stop me"

Nakita ko si kuya na tumayo at kumaway sa akin bago tumalikod at humakbang patungong pintuan.

"Kuya! Saan ka pupunta?"

"K-kay Sandra, ngayon ang libing nya." Hindi na nya hinintay na magsalita ako, umalis na sya.

Nabaling ang tingin ko kay Tanner nang mapansin kong tumigil sya sa paglapit sa akin.

Ako Na Lang(Un-edited/ Ongoing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang