~25~

38 3 1
                                    

Roxanne's POV

"Bakit basa yang damit mo sweetie?"  Tanong sa akin ni Tine ng makasakay ako sa kotse. Tulad ng sinabi nya kanina sinundo nya ako.

"Sinubukan ko kasing umalis kanina pero naabutan ako ng ulan kaya eto basa ako

Sabi ko habang sa labas ng kotse nakatingin. Parang gusto kong lumabas ngayon sa kotseng ito at bumalik sa lugar na iyon kung saan nandun si Zikiel. Pero nakapag-desisyon na ako kung ano man ang nangyari sa amin ay hanggang doon na lang yon. Dahil kung pipiliin kong manatili pa siguradong hindi ko na mapipigilan ang sarili kong umalis. Hindi ko maaatim na may masaktan na ibang tao dahil lang sa sarili kong kaligayahan.

"Are you okay Roxanne??" 
Muntikan na akong mapasub-sob ng biglang pini-reno ni Tine ang kotse.  Gulat akong tumingin sa kanya.

"O-oo okay lang ako Tine"

"Tss! I know you're not."  

Lumapit syang bahagya sa akin at nilapit ang kanyang kamay sa mukha ko. "You're crying again.   I don't know what's the matter between you  and Mr. Fuentebella, pero sigurado akong may nangyayari sa inyo na hindi maganda"

Pinunasan nya ang luha ko. I sighed.

" Sya yung kinuwento ko sayo Tine na bestfriend ko." 
Simula ko. Mukha hindi naman sya nagulat sa sinabi ko.

"A-and, I-i still love him"  Pag-amin ko.

"Paano si Mr. Vidall?" Tanong nya.

"Walang mag-babago sa amin Tine. Di ko sya kayang saktan"

"Pero magiging un-fair ka sa kanya"

"Yeah, i know. Mahalaga sya sa akin at naniniwala ako na mamahalin ko rin sya tulad ng pag-mamahal na binigay ko kay-"

"Paano kung hindi?"  Pigil nya sa sinasabi ko. Natahimik ako. Paano kung hindi ko sya mahalin tulad ng pag-mamahal ko kay Zikiel? . Ayoko na mag-isip ng kung ano pa. Basta nakapag-desisyon na ako at sigurado akong ito ang makakabuti sa lahat.

"Naniniwala ako Tine na ito ang dapat. Na sya ang piliin ko matutunan ko rin syang mahalin." 

Ngumiti ako sa kanya. Para mawala ang pag-aalala nya at matapos na ang pagtatanong.

"Ikaw ang bahala. Basta kahit anong mang-yari nandito lang ako para sayo".  Sumilay ang ngiti nya at ginulo ng bahagya ang buhok ko.

Ako Na Lang(Un-edited/ Ongoing)Where stories live. Discover now