Crazier (part 3)

2.7K 99 22
                                    

I know, I made a promise to some of you that I will update four chapters last week end. But something came up over the weekend that I never had the time to update. Then yesterday my daughter got sick. Fever, it was 39.4 the whole day so I had to focus on her yesterday. She's quite fine now, still sick but I can update. And this will be a five chapters (instead of four to pay for my broken promised last Saturday) but I will publish only one chapter (at this moment) because I just woke up and I need to cook breakfast and lunch. Later this afternoon I will publish the other four chapters. And it's not a promise; it's a word of honor. What's the difference? Hehehe.

Basta kasi mamayang hapon, may apat na chapters ulit. Babush na muna sa daldal at alas nueve na. wala pang breakfast ang mga kiddies ko. Lol.

Luvluv,

A.H. Augustus

******************

Mabilis na isinarado ni Zeig ang main door at ini-ilang hakbang lamang nya ang pagitan nila ni Xein. Tulala pa rin ang dalaga, mulagat ang mga nito at bahagyang nakabuka ang mga labi ni Xein.

Hindi intensyon ni Zeig na takutin o gulatin si Xein sa kanyang pagdating, hindi naman nya alam na gising pa rin ang dalaga at nasa kusina na malapit sa main door ng kanyang condo. Nang makita nyang bukas ang ilaw pagkatapos mabuksan ang pintuan ay nagtaka sya kaya dahan-dahan syang pumasok. Akala nya ay may magnanakaw nang nakapasok.

That's silly, unang-una ay safe ang building nila, pangalawa ay sinong magnanakaw naman ang magbubukas ng ilaw habang nagnanakaw? Isa pa ay kahit naman kumpleto sya sa gamit mahihirapang magbuhat ang magnanakaw sa kanyang mga appliances at takaw atensyon sa security ng building kung ang mga appliances nya ang nanakawin.

Wala syang ibang valuable possession sa loob ng unit tulad ng mga alahas dahil hindi sya mahilig sa ganuon. Kung meron mang valuable sa loob ng kanyang condo, maliban sa mga mamahaling appliances nya na mahirap buhatin, iyon ay si Xein.

At ang dalaga ang unang pumasok sa isip nya kanina nang maisip na baka may magnanakaw sa loob ng unit nya. Baka manakaw nito ang kanyang prinsesa kaya nagdahan-dahan sa pagbubukas ng pintuan si Zeig para dahan-dahang makapasok at mahuli ang kung sino mang magnanakaw kay Xein kung saka-sakali. Nang marinig nya ang boses ni Xein ay mabilis nyang itinulak ang pintuan. At yun nga, shocked was plastered all over her face.

"Are you okay?" inulit ni Zeig ang tanong nang makalapit kay Xein bahagya pa nyang niyugyog ang balikat nito.

Kumurap-kurap ang mga mata ni Xein, nakatitig sa kanya si Zeig, anduon ang pag-aalala. Nang magtama ang kanilang mga mata ay para na namang nanuyo ang lalamunan ng dalaga.

"I didn't mean to startle you, I thought you're asleep and when I saw the lights on I thought someone else was inside here . . ." tumigil magsalita si Zeig, titig na titig sa kanya ang dalaga. Wala na ang shock sa mukha nito. "Hey," ipinitik ni Zeig ang isang kamay sa harap ng mukha ni Xein. Bahagyang napa-igtad si Xein sabay ng pagkurap ulit ng kanyang mga mata. "Okay ka lang?" malambing na tanong ni Zeig sabay nang banayad na haplos ng kanan nyang palad sa isang balikat ni Xein.

"I'm . . ." hindi naituloy ni Xein ang salitang 'I'm fine' dahil nang magtama ulit ang kanilang paningin ay anduon pa rin ang nakakatunaw at nanunuot na titig ni Zeig.

"I'm . . . what?" bahagyang kumunot ang noo ni Zeig pero nananatili ang titig nito sa dalaga.

"I'm . . ." hindi alam ni Xein ang sasabihin, nababalot sya ng 'magic titig spell' ni Zeig. "I'm . . ." sabi ulit ng dalaga sabay kurap ulit ng kanyang mga mata.

""Will you please stop flickering your eyes, it's driving me insane." Mahina at nakikiusap ang boses ni Zeig.

"What?" halos pabulong na tanong ni Xein at wala sa loob na ikinurap nya ulit ang mga mata.

"Stop doing that!" mahina ngunit may warning sa boses ni Zeig. "Your eyes flickering give carnal thoughts on me."

"Gives . . . what now?" biglang kumunot ang noon i Xein.

"Bakit gising ka pa?" binale-wala ni Zeig ang pagkunot ng noo ni Xein. Tiningnan nya ang suot na relos pagkatapos ay humalukipkip at diretsong tumingin sa dalaga. "It's half past three a.m. you should be asleep right now."

"And since when did you become my father?" humalukipkip din si Xein, nakipagtitigan ang dalaga kay Zeig.

"Believe me Xein Margarette, I really am glad I am not your father."

"And what's that supposed to mean?" bahagyang naningkit ang mga mata ni Xein "you sounded like it's a punishment to be my father."

"No, it's not and I'm pretty sure Tito Antonio is really proud to have you for a daughter."

"But . . ." dugtong ni Xein dahil ramdam nyang may 'but' ang sentence ni Zeig.

"But . . . I will never and I mean never would I want nor dream to be your father."

"Ang gulo mo!" naiinis na tinalikuran ni Xein si Zeig, kukuha sana sya ulit ng tubig sa ref nang maalalang meron nga pala syang inumin sa lamesa. Bumalik si Xein sa pwesto nya kanina. "Sabi mo proud si Papa na ama ko sya tapos never mong gugustuhin o papangarapin na maging anak mo ako. Ano yun? Di hindi proud ang Papa sa akin?" naiinis na lumagok ng tubig si Xein sa baso.

"Hindi ko alam kung mahina ba talaga ang IQ mo princess o mahina lang ang pick-up mo talaga?"

"What's the difference?" tumaas ang isang kilay ni Xein, sinalubong nya ang tingin ni Zeig. "Mahina ang IQ, natural mahina ang pick-up. at excuse me, hindi man above average ang IQ level ko hindi naman ako kasing shunga ng iniisip mo."

"Oh, really?" sinupil ni Zeig ang kanyang ngiti at muli na namang lumalamlam ang mga mata nito. "Then why do you think I would never dream of being your father Xein Margarette?"

"Because . . ." hindi na naman makapagsalita si Xein, ayun na naman kasi ang titig ni Zeig na tumutunaw sa kung ano mang pader na nakaharang sa kanila.

"Because . . . what, hmmm?" dahan-dahang lumapit si Zeig sa dalaga. Hindi nya inaalis ang supil na ngiti at nakakatunaw na titig dito.

"Because . . . ahm . . ." kumurap-kurap ulit si Xein.

"Damn!" bulong ni Zeig, malapit na malapit na ang mukha nya sa dalaga. "I told you not to do that."

"What?" ikinurap-kurap ulit ni Xein ang mga mata.

"That!" titig na titig pa rin si Zeig kay Xein and this time, there's arousal look in his eyes.

"You mean this." Muling kumurap si Xein, inilagay nya ang dalawang palad sa dibdib ni Zeig para itulak ito palayo.

Pero maagap si Zeig, bago pa man sya maitulak ni Xein at bago pa ito muling makakurap ay naikulong na nang matitipuno nyang bisig ang maliit na bewang ng dalaga at saglit lamang ay magkalapat na ang kanilang mga labi.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now