Australian get-away!

2.7K 89 21
                                    


Nag-aya ng dinner si Don Pepito sa sariling mansyon para sa kaarawan ng kaibigang si Don Antonio, pagkatapos ang masutansyang hapunan ay inaya ng Don ang buong pamilya sa theater room ng kanilang tahanan.

"Ano na namang kalokohan ito, Kumpadre?" Tanong ni Don Antonio habang inookupa ang mahabang couch katabi sina Donya Patricia at ang may-bahay ng kanyang Kumpadre.

"Dahil sa birthday mo kaibigan ay may sorpresa ako sa'yo." Sagot naman ni Don Pepito.

"Sorpresa na naman," reklamo ni Don Antonio. "Alam mo namang wala akong ka-gana-ganang mag-selebra ng aking kaarawan Kumpadre, may iginayak na ngang espesyal na hapunan itong si Kumadreng Patrice at ang iyong Misis. Naabala pa tuloy kayo mga kumadre." Baling ni Don Antonio sa dalawang ginang. "Tapos may sorpresa ka na naman?" baling ulit ng Don kay Don Pepito.

"Hayaan mo na itong Kumpadre mo," awat ng may-bahay ni Don Pepito sa pagre-reklamo ni Don Antonio.

"Oo nga, Kumpadreng Antonio, pagbigyan mo na itong si Kumpadreng Pepito at feeling-guilty." Sabi naman ni Donya Patricia. "Alam naman naming kaya ayaw mong mag-celebrate ng iyong birthday ay dahil sa nawawala pa rin ang anak mong si Xein."

"Ipina-alala mo pa, Kumadre." Malungkot na sabi naman ni Don Antonio. "Gusto kong sabihin na dahil sa hinayupak mong binata kaya nawawala ang aking Prinsesa but it's pointless, it's been seven years at wala nang epekto ang mga salitang iyon para mabawasan ang pangungulila ko sa aking anak. Isa pa ay napatawad ko na sila."

"Kaya nga panuorin mo ito, Kumpadre." naka-ngiting sabi ni Don Pepito sabay on ng video.

Sa simula ng video ay makikitang nagbubukas ng regalo si Page kasama ang Mommy nitong si Xein. Tuwang-tuwa sina Brent, Zienna at Don Pepito sa napapanuod. Bahagya namang nabigla ang may-bahay ni Don Pepito pero nang hawakan ng asawa ang isa nyang kamay ay nakalma na rin ang ginang. Mangiyak-ngiyak naman si Donya Paticia habang magkahalong saya at pagka-bigla naman ang makikita sa mukha ni Don Antonio.

"That's Page," sabi ni Don Pepito.

"Ang inyong apo." Sabi naman ni Zienna.

"You knew where they are?" tanong ni Don Antonio kina Zienna at Don Pepito.

"Shhhh," awat namang pareho ng dalawang ginang na si Donya Patricia at Donya Escobar kay Don Antonio, sabay turo sa video para sabihing; 'manuod ka na lang muna kasi.'

"Hi GrandPas and GrandMas," kumaway sa video ang naka-ngiting si Page. "Hello Tita Zienna and Tito Brent, thank you for these." Sabay taas ni Page ng mga coloring paints, brushes and canvasses. "Daddy!" baling ni Page sa kanyang ama. "Is it true that you painted when you were a boy like me?"

"Who told you that?" tanong naman ni Zeig sa anak, nanatiling naka-tutok ang video sa anak at sa asawang si Xein.

Bahagya namang napa-hikbi si Donya Patricia, boses pa lamang ni Zeig ang naririnig ay nagdudulot na ng saya sa matandang Donya.

"Why don't you put the camera on the tripod?" Utos ni Xein sa asawang si Zeig. "So you could join us on the video."

"Mom is right," sabi naman ni Page. "Come here, Daddy."

"Alright, alright." sabi naman ni Zeig. Aayaw pa sana sya pero pointless ang makipag-talo sa kanyang mag-ina. Makikitang inaayos ni Zeig ang camera sa tripod dahil bahagyang nawala sa focus ang video at makikita ang kalahati ng kanyang mukha.

"Hello everybody!" masiglang kumaway si Zeig sa camera pagkatapos ay patakbo kunwari syang naupo sa tabi ng kanyang mag-ina.

Mangiyak-ngiyak na ang lahat habang nanunuod sa pagbubukas ng mga regalo ang mag-anak na sina Zeig, Xein at Page.

Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Where stories live. Discover now