Chapter 13 • 2/3: Another dead body, cigarette, and a drug

219 17 0
                                    

Austin

Nakakamangha na hindi ako nahimatay o namatay ngayon sa ginawang pagbangga ni Moises sa malaking puno na hindi ko alam kung anong uri. Walang umiimik sa mga kasamahan ko rito sa loob ng sasakyan. Ngayon ko lang din nalamang napupuno na kami ng usok dito sa loob at 'yun na ang kanina ko pang nalalanghap. Puno rin ng usok yung unahan ng pick up truck ni Seira at basag ang unahang salamin nito. Hindi ko alam kung anong natamo ni Ralph o Seira.

Dahil sa pag-ubo ko, nagising si Ralph sa tabi ko. Muntik na akong magdiwang sa galak dahil akala ko, ako lang ang nabuhay sa pangalawang aksidenteng 'to.

"F-Fuck . . . bi-binabawi ko na 'yung sinabi kong sorry k-kanina, Moises. G-Gago . . . gago ka." bulong ni Ralph habang umuubo ubo. Nang tingnan ko siya ay para na siyang matanda dahil sa kadungisan. Naghalo na kasi ang dugo at lupa sa mukha't braso niya. Well, sa palaga'y ko'y ganoon nadin ako karumi.

"S-Si Emma." itinuro ni Ralph ang kamay niya sa may baba ng paa namin at laking gulat ko nalang na nandoon at nahulog na pala si Emma! Agad ko siyang hinigit at binitbit mula sa dalawang niyabg kili-kili papahiga rito sa inuupuan namin ni Ralph.

"I'm going to die here. Ayoko na. Ayoko na. Ay-Ayoko na. Ayoko na. A-Ayoko-"

"Ralph, Ralph!" pagtawag ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin na parang batang iniwan ng magulang niya sa unang araw ng pasukan. "Everything's going to be fine, okay? Everything's going to be okay. M-Makakauwi rin tayo." sabi ko. Hindi ako sigurado kung mangyayari pa ba talaga ang sinabi ko pero 'yun nalang yung naisip kong paraan para mabigyan ng lakas ng loob si Ralph. Sa totoo lang, natatakot nadin ako. Kung natatakot ang matapang na si Ralph ngayon, ano pa kaya ako? Sa akin, doble.

"You p-promise?" Bumuntong hininga muna ako bago tumango sa kaniya. "I fucking promise."

Parehas kaming napatingin kay Moises nang magsimula siyang umubo. Tumalsik ang dugo papunta sa basag na bubog sa unahan nila mula sa bibig niya kaya hindi ko maiwasang hindi mag-alala.

"Dude? Moi!" pagtawag ko sa kaniya.

"I'm still alive and kickin bitch! Hahahaha!"

Nagulat kami parehas ni Ralph sa biglaang pagsigaw at pagtawa ng malakas ni Moises. Nagkatinginan kami at hindi kagaya ni Moises, nababasa ko pa ang mukha niya't naiisip. What the hell is happening to him? Nasapian ba s'ya ng punong nabangga namin or something? That's the exactly question na nababasa ko sa nag-aalalang mukha ni Ralph.

"What the fuck,?" mahina kong bulong sa sarili ko. "Moises . . . Moises, anong kalagayan ni Seira?" hindi ko na napigilan pang hindi magtanong. Hindi ko alam pero bigla nalang dumapo sa akin ang matinding kaba. Sana naman wala nang dumagdag pang bangkay bukod kay Emma. Mas hinigpitan ko ang pagyakap ko sa patay na katawan ng kaibigan namin at ng mahal ko. Grabe, wala na akong maramdaman sa kaloob-looban ko. Parang mamaya, tuluyan nang mamamanhid ang katawan ko.

"Don't tell me . . . she's de-dead?"

Bumalik ako sa katinuan ko nang magsalita si Ralph. Nakahawak parin siya sa tagiliran niyang may saksak habang kababakasan naman ng paghihirap at matinding sakit ang mukha niya. Nakalimutan ko narin yata ang bali ko sa binti ko. Wala na akong maramdaman doon.

Ineksamin ni Moises si Seira sa unahan at doon ko lang nalaman at napansin na may sanga ng puno palang lumampas mula sa window shield sa tabi niya dahilan para mapatusok iyon sa pisngi niya hanggang sa loob ng kaniyang bibig. Nagkalat ang dugo niya sa inuupuan niyang silya at maging sa unahan niya. Nakakapagtakang hindi manlang nadidiri o 'di kaya nama'y natatakot si Moises bagkus, isang ngiti pa ang nakarehistro sa mukha niya. Ngiting parang inaasahan na niyang mangyayari ang bagay na 'to. Nakakakilabot siya. Napahawak ako sa bibig ko nang maramdaman kong mukhang may lalabas doon.

"What t-the . . . She . . . she's fucking de-dead!" histerikal na reaksiyon ni Ralph nang mapansin din niya ang nangyari kay Seira.

Natigilan si Ralph sa paghihisterikal at sandali siyang napahinto. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya nang bigla na lamang umalingawngaw ang malakas niyang pagtawa. Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa ni Moises?! Napamura ako. Hindi kaya mga baliw na ang mga kasama ko?

"We're not insane, Aus. Me and Ralph planned this." sabi ni Moises. What? Binuksan niya ang isang lalagyanan sa may unahan ni Seira na may pinagtalsikan pa ng dugo nito at binuksan iyon. May lighter, maliit na kutsilyo at pakete ng sigarilyo roon.

"Ba't naman ako nakasama sa sinasabi mong plano?"
Tumawa si Moises bago niya sindihan ang sigarilyong nasa bibig niya gamit ang lighter. "Lumipat ka r'yan sa likod at pinalipat mo si Seira rito 'di ba? Alam mo ang pinaplano ko."

Si Ralph naman ang tumawa ng malakas. Parang wala siyang iniindang sakit. "Gago! Nagkataon lang 'yun. May iba akong pinaplano pero hindi 'yung ganito." sabi niya.

"Pero parehas lang tayo ng dahilan." sagot naman pabalik ni Moises kay Ralph. Parang wala ako rito kung makapag-usap sila ng hindi ko alam, ah? Hindi ko na napigilan at napasigaw na ako.

"Ano ba 'yang mga lintik n'yong dahilan?! May namatay na tao dahil sa mga plano plano niyo mga gago! Tapos kung makatawa ka r'yan parang walang patay sa harapan niyo! Oh, my wrong. Mga patay." sabi ko. Nawala ang ngiti at ngisi nilang dalawa sa sinabi ko. Walang nakaimik.

"Akala ko pa naman matalino ka, Aus."

"What did you say?" sigaw ko kay Ralph sa tabi ko. Napipikon na ako.

"She's the one behind the accident earlier. Itong saksak 'ko!" Nanlaki ang mga mata ko. "What?"

"It's true. Siya ang may kagagawan nun." sabi naman ni Moises. Ngayon ko lang nalamang mas dumami ang mga galos sa mukha niya. Baka 'pag gumaling at humilom ang mga 'yon, may mga maiwang peklat.

"Moises. Hindi mo ba napansin?" Lumingon si Moises sa amin kasabay ng pagbuga niya ng usok ng sigarilyo sa ere. "Napansing ano?"

Umiling-iling muna si Ralph bago sumagot. "I can't believe you. 'Yung gamot na binigay nitong babaeng 'to," sabay turo ni Ralph kay Seira na nasa unahan niya. "kay Emma, hindi 'yon gamot. That's a fucking drug. A poison."

Napanganga ng malaki si Moises dahilan para mahulog ang sigarilyo sa bibig niya. Nahulog iyon sa ibaba ko kaya pinilit ko iyong inabot at pinatay ang maliit na apoy. Teka, totoo ba ang sinabi ni Ralph?

"Austin! Lumabas ka r'yan. Tulungan mo 'kong ibaba si Seira dito." marahas na umalis si Moises sa unahan at nakita kong paika-ika siyang naglakad sa labas.

"Ralph, pakialalayan naman si Emma." Nanlaki ang mata ni Ralph at napataas ang isang kamay. "N-No, dude. Ihiga mo nalang siya r'yan. Babantayan ko siya." hindi na ako umangal pa at inihiga ko na lamang si Emma sa inupuan ko kasabay nang pagtapak ng paa ko sa damuhan sa labas. Kalahati ng pick up ni Seira ay nandito sa punong pinagbanggaan namin at ang likuran nama'y nasa kalsada. Wala paring sasakyang dumadaan. Well, wala na yatang dadaan kahit kailan.

Hindi ko na sinaraduhan ang pinto at agad akong naglakad ng paika-ika papaikot sa likuran nitong pick up. Trap na kasi 'yung unahan sa na nakabangga sa puno. Pagkarating ko sa side nina Seira at Ralph, nakita ko kung gaano kalaking sanga ang tumusok sa pisngi ni Seira dahilan para mapalampas iyon sa loob ng bibig n'ya.

"Aalisin natin 'to at ibababa natin siya."

"Ang then we will left her here, ganoon ba?" sarkastikong sabi ko sa kaniya. Tiningnan lang niya ako.

Road KillDonde viven las historias. Descúbrelo ahora