Chapter 18 • 2/2: Three doorways, but no door.

207 13 9
                                    

Moises

The freaking Australian truck is over there katabi ng malaking building na kuta (siguro) ng mga wanted serial killers. So, that means na ang driver na bumunggo sa amin dahilan para maaksidente kami ay nakatira sa building na 'to? Sa sobrang laki ng truck na iyon, kapag binunggo nito ang building na katabi, halimbawa, t'yak na maguguho iyon at mawawasak.

“Ang truck!” hindi maiwasang hindi mapasigaw ni Ralph kung kaya't agad ko siyang kinapitan sa balikat. Napatigil si Ralph sandali. Nang ma-realize niya ang ginawa niya, agad siyang bumulong ng sorry.

“Calm down..” bulong ko sa kaniya.

“That's . . . that's the truck na bumunggo sa atin kanina. 'Yan ang dahilan kung bakit nagkandaletse-letse tayo.” gigil na gigil si Ralph. Dinuro-duro pa niya ang truck na naka-park sa malayo.

“Kailangan na nating magmadali.” sabi ko sabay harap muli sa malaking building na sa tingin nami'y kuta talaga ng mga wanted na mga taong 'yon.

This is it. We're not going back.









I never tiptoe or maybe I tiptoed walking once, and now, I think, this is the second time. Kasalukuyan na akong nasa loob ng malaking entrance ng terrace at may tigdalawang upuan sa tagiliran ng main door. Ang building na 'to ay nasa left wing at wala sa front. Dahil sementado at mga naka-black school shoes parin naman ang mga suot naming pang paa, medyo makaskas ito sa semento kapag iniapak at inihakbang namin. Kailangan namin ng dobleng ingat.

Ako ang nangunguna at ako ang laging magbibigay ng signal kay Ralph na nasa likod ko lang din mga dalawang dipa ang layo mula sa akin. Inihakbang ko ang paa ko papunta sa pinakaharap ng pintuan habang si Austin at Ms. Adjieda naman ang look-out ko na nakatago sa may bulok na sasakyang red Toyota.

Napaismid ako nang maglangitngitan ang pinto na gawa sa kahoy, nitong lumang building. May pinaka-screen pa 'yung likod ng pinto kaya hindi ko makita ang itsura ng loob ng bahay. Mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko—na minsan lang mangyari sa akin—habang papalapit ako ng papalapit sa loob.

Lumangitngit pa ulit ng isang beses ang screen ng pintuan sa loob nang itulak ko iyon papunta sa akin. Nang tuluyan ko nang mabuksan ang screen, malayang tumambad sa akin ang malinis at maayos na sala katulad ng isang normal na bahay. Dito ba talaga o ito ba talaga ang kuta ng mga serial killers na iyon? Parang nagkamali yata kami ng napuntahan.

Binigyan ko si Ralph—na nasa ibaba pa nitong terrace—ng signal na mamaya siya o sila papasok kapag nai-clear ko na itong papasukan namin. Hindi kami puwedeng magsabay-sabay sa pagpasok. Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon. Pinilit kong huwag makagawa ng ingay para narin sa ikabubuti't ikaliligtas ko at ng mga kasama ko.

Inilibot ko ang paningin sa buong sala kung saan kasalukuyan akong nandodoon. Walang gaanong gamit na naka-display dito at kapansin-pansin ang dalawang naglalakihang sofa na cotton pero butas butas na at nakalabas na ang cotton mula roon. May upuan pa na parang kinuha mula sa isang passenger seat ng isang kotse o van na nakalagay sa may sulok. Weird. May tatlong p'wedeng pasukan mula sa kinatatayuan ko.

Una, ang pasukan sa may tabi ng lumang aparador, sa may unahan ko sa malayo. Wala iyong pinto at madilim sa loob niyon kaya hindi ko matanaw kung anong meron sa loob. Nakakadagdag din ng kilabot ang walang kapintu-pintura nitong mga ding-ding at haligi. Pangalawa, sa kanan kong tabi na may kurtina na nakatabon sa walang pinto na pasukan. At pangatlo, ang pinto sa kaliwa ko na may kahoy na pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig akong mga yabag sa may pasukan sa may unahan ko. Mukhang papunta ito rito sa sala.

Dahil sa labis na pagkabigla, agad akong pumasok sa katabi kong pasukan na may sanggang kurtina. Huli na nang maramdaman ko na may tao pala sa pinasukan ko. Ramdam kong kanina pa niya akong hinihintay na pumasok dito at mukhang handang handa na siyang dakipin ako. Dahil natatakot akong lumabas at makita ako ng kung sinomang nagmamay-ari ng yabag na iyon kanina, pinili kong manatili rito sa loob at madilim na parte ng pinasukan ko. Napako narin ang mga paa ko sa kinatatayuan ko kaya wala akong pagpipilian.

Nakipagtitigan ako sa taong nakatago sa dilim. Tanging pigura niya lang ang naaaninag ko at ang hawak niyang martilyo sa kaniyang kanang kamay. Bago pa man ako makasigaw o makatakbo, hinataw niya ang bagay na hawak niya sa aking ulo dahilan para mapasalampak ako sa malamig na semento. Napakabilis ng pangyayari. Ito na ba ang katapusan ko?

The darkness welcome me.

Road KillWhere stories live. Discover now