Can't Help But Fall In Love - Chapter Twenty Three (Part 1)

190 2 0
                                        

Maven’s POV

Ang boring naman, pasukan na pala at one week na ang nakakalipas pero wala pa kaming regular classes. Sigurdo akong nag-eenjoy pa ang mga teachers sa bakasyon at nilubos lubos nalang nila.

“Hey, uwi na tayo?” Biglang sabi ni Amethyst

Andito kami sa cafeteria at nakatulala. Walang magawa kasi eh. Sila din, wala pang regular classes.

“Sige, tara nood tayo ng movie Maven.” Aya naman ni Kwin

“Ayoko. I still have class later at 3pm. Malay mo darating pala ang teacher namin.” Sabi ko sa kanila

“Ang KJ mo talaga. Sige, alis na talaga kami. Mamamatay na ata ako sa boredom.” Sabi ni Amethyst at tumayo na

“See you later Maven.” Paalam naman ni Kwin

Tumayo na din ako at pumunta sa next class ko. My room will be on Commerce Building, C605. Naku naman, nasa top floor pa yong room ko eh. Kapagod naman maglakad.

So I decided to ride the lift.

Nakarating naman agad ako sa taas at pumunta na sa room ko. And to my surprise . . .

Walang tao. Haaay nako, di nalang sana ako pumunta dito sa school kung ganito.

I decided to sit sa front. Tumunog naman bigla ang cell ko. Tiningnan ko kung sino ang nagtext.

From: Zachy (:

Hey, san ka?

Wanna go to the mall with me?

-end of text-

Siguro wala din yong teacher ng taong to. Sige, sama nalang ako sa kanya.

To: Zachy (:

Sige. Dito ako sa C605.

I’ll be waiting.

-end of text-

I waited for his reply nang may sumilip sa pinto. Syete napatalon ako bigla.

“Hey, dito lang pala ang room nyo?” He said

Kainis naman ang taong to eh. Parang kabute lang!

“Oo, bilis mo naman napunta rito.” Sabi ko at tumayo na

“Andon lang sa fifth floor yong room ko.” Sabi nya na nakangiti

“Kainis ka nga, binigla mo ako. Tara na nga.” Sabi ko at hinila ko na sya

Can't Help But Fall In LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant