Ikaw nanaman?!

18 0 0
                                    

Tylerina's Pov

Habang naglalakad ako sa hallway may naka bangga akong lalaki. tumayo ako agad at pinagpag ang skirt ko, masasabi kong maganda ang school uniform nila. because I'm wearing a white long sleeve na may red neck tie actually strip red and black and white, then may seal na naka lagay ang pangalan ng school, ang skirt ay tulad din ng neck tie, above knee sya. Gross.
tinunga ko ang lalaking nabangga ko, and look. parang familiar sya ah?

"Ikaw?" ika nya na tila ba nagugulohan, epal naman nito

"nanaman?" dagdag pa nya.
bakit parang ayaw nya ako makita? sakit sa ego nun ah -,- nakakabadtrip.
nilagpasan ko nalang sya, hinabol nya ako.

"Sino ka ba?" tanong ko.

"Hindi mo ako nakikilala?" sagot nyang patanong

"Magtatanong ba ako kung kilala kita?" i asked.

"Awts. grabe ka naman erina, ang hard mo sakin" sabi nya na may pahawak sa puso effect pa. but, btw. erina? isa palang tumawag nun sakin ah? hindi ko nga lang matandaan kung sino.


"Dalawang beses mo na ako nakalimutan. ako si theo, yung naka bangga mo sa mall at nakiupo sa tabi mo sa jolliebee" ah. natatandaan ko na. sya nga pala unang tao na tumawag sakin ng erina at sa mall pa.

"Okey" sabi ko at naglakad na palayo.
sinundan naman nya ako

"San ka pupunta?" he asked. Ang fc naman masyado nito. Ni hindi nga kami friends tapos kung maka tanong sya kala mo naman sabay kami lumaki. Langya!

"Kung saan wala ka"

"Paano ba yan? Sasama ako sayo kaya wala kang mapupuntahan kung saan walang ako." Whaaat? Seryoso ba siya? I don't even know him tapos-ugh!

"Ano ba? Bakit ka ba naka buntot sakin? Aso ka ba ha?!" Inis na tanong ko sakanya.

"Hindi naman ako naka buntot sayo eh, nakita lang kita kaya lumapit ako sayo."

"Edi lumayo ka na. Wag mo na akong guluhin pa!"

"May gagawin ka ba?" Baliw ba to? Hindi tinatablan ng pagtataray ko? Manhid?!

Nag patuloy parin ako sa paglalakad kahit na nakabuntot parin sya saakin.
This time hindi na ako assuming kasi talagang bumubuntot na sya saakin.

"Uy. Ano na? Wala ka bang gagawin?"

"WALA! kaya pwede ba? Tantanan mo na ako?!" Pag uutos ko sakanya. Naiinis na ako ha. Naiistress na kilay ko sa gung gong nato. Bakit ba ang kulit nito? Di naman kami close ah.

"Wala ka naman palang gagawin. samahan mo ako sa canteen, gutom nako eh" what? umaabuso na sya ah. Konti nalang talaga masasapak ko na ito wala sa oras eh. Kanina ko pa siya pinagtatabuyan tapos mag tatanong pa sya ng ganito? Maluwag ba turnilyo nito?

"Close ba tayo?" tanong ko sa cold na boses. Baka tablan ng cold treatment tapos lubayan na ako.

"Hindi na issue yun, kilala  naman na kita eh kaya tara na. makikipag kaibigan na din ako sayo" sabi nya. hindi nako maka angal dahil hinila nya na agad ako at sinama sa canteen

Habang naglalakad natapilok paa ko.
kasi naman yung lakad nya takbo na sakin eh. buti nalang hindi ako natumba kasi hawak nya padin kamay ko, nakakainis na parang close din talaga kami noh?

nang makarating kami sa canteen pinaupo nya ako sa may bakanteng lugar sa canteen at saka sya umorder ng kakainin nya. Ang bastos. Hindi manlang ako tinanong kung anong gusto ko? Langya.

Ayan na sya, papunta na sya dito sa kinauupoan ko. hindi ba'to kumain ng isang buwan? ang dami naman ng kakainin nya.

Nang makaupo na sya sinamaan ko sya ng tingin dahil kanina. Ang sakit parin kasi ng paa ko.

"Bakit?" tanong nya saakin habang nakakunot ang noo.

"Alam mo ba na muntikan na akong madapa dahil sa'yo? yang lakad mo pang higante, takbo na para sa tao." sinamaan ko sya lalo ng tingin. tumawa lang sya at inilapag ang trey na dala nya.
linagay nya sa harap ko ang isang plato na may kanin at beef steak. aanhin ko'to?

"Ano yan?" tanong ko sakanya.

"Pagkain, hindi ba halata?" pilosopo -,-

"Ikaw kakain tapos sa harap ko ilalagay? Bastos naman ata yun" sabi ko. tumawa naman sya at nagsalita.

"Sa'yo naman yan eh, ikaw kakain nyan" sabi nya. Wala ba akong karapatan pumili? Hindi manlang ako ininform. Nasan na yung freedom to choose dun?

"Napilitan lang akong sumama sayo, hindi ko sinabi na kakain ako." I said.

"Sige na kumain ka na"

"Busog pa ako"

"Masasayang yan eh" bahala sya. hindi ko naman sinabi na bilhan nya din ako.

"Kainin mo na yan" sabi nya naman. Dada ng dada. Feeling manok eh.

"Pinilit mo na nga akong pasamahin dito tapos pipilitin mo pa akong kumain kahit busog ako?" sabi ko. nakaka banas na talaga to.

"Konti naman yan eh. hindi ko na kasi pwedeng kainin yan meron nako" Urg!


"Fine!" sabi ko. natuwa naman ang mokong.
nagsimula na syang kumain, ako din.
Hindi talaga ako mahilig sa mga heavy meal kapag umaga.

natapos akong kumain at sya din. Naka tingin lang ako sa malayo habang sya naman-- wala akong pake kung san sya naka tingin.

"Ang amo mo pag kumakain, mukha kang mabait. sana ganon ka nalang lagi, ang sungit mo kasi eh" sabi nya. sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Swerte ka nilibre moko!" sabi ko at tumayo na. akmang aalis na pero sumunod sya.


"Hindi ka na mabiro."

"Salamat nga pala sa pag sama, welcome na rin para sa food na nilibre ko." sabi nya. patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang maka dating kami sa room.




****


I Wasn't EnoughWhere stories live. Discover now