MSM - 12

7.1K 103 27
                                    

Keira's POV:

Sobrang napagod ako sa trabaho ko ngayon kahit nakaupo lang ako sa upuan ko.

Nakakastress palang maging office girl.

"Nakakapagod" sabi ko sabay unat sa mga kamay ko.

Biglang kumulo tyan ko.

"What the! Gutom na ang mga alaga ko" sabi ko sabay himas sa tyan ko.

Kakain muna ako, pupuntahan ko mun si Chairman para mag paalam. Kinuha ko ang bag ko at nilabas ko ang salamin ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Maganda ka parin naman kahit sobrang haggard mo na" kausap ko sa sarili ko.

Inayos ko ang buhok ko bago ko pinasok ulit ang salamin sa bag ko. Inayos ko din muna ang suot ko bago ako tumayo sa upuan.

Ready to face him -__-

Pumasok agad ako sa opisina nya, walang katok katok.

"Chairman" tawag ko sa pangalan nya habang sya ay busy na nag babasa sa mga papales na hawak nya.

"Chairman, aalis muna ako. Kakain muna ako, gutom na gutom na ang mga alaga ko" paalam ko sa kanya.

"Sasamahan kita" sabi nya at inaayos na nya ang mga gamit na nagkalat sa mesa nya.

"Seryoso ka ba? Busy ka kaya. Wag na, ako na" sabi ko sa kanya.

"Sasama ako, end of conversation!" seryosong sabi nya sa akin.

Oh sya sige, sabi mo eh.

"Kpeyn" inis na sabi ko sa kanya.

"Good" sabi nya sa akin at tumayo na sya.

Naglakad sya pa punta sa akin hanggang sa lumagpas sya sa kinatatayuan ko.

What the hell, yun na yun? Lengye!

Sisigawan ko sana sya pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinatak nya ako papunta sa kanya.

Napasubsob ako sa matipunong dibdib nya.

"What the hell! Ang hilig mo talagang manghatak kang hinayupak ka!" inis na sigaw ko sa kanya sabay hampas sa dibdib nya at ang gago kinindatan lang nya ako.

Pasalamat ka Chairman masarap ka kung di malalagot ka sa akin.

Lumabas na kami sa opisina nya na nag HHWW at pinagtitinginan na naman kami.

"Anong tinitingin nyo?! Back to work!" malakas na sigaw ni Chairman.

Ayan kasi, mas inuuna pa ang chimis tsk.

"Kaya kong mag lakad Dwight!" inis kong sabi sa kanya sabay bawi sa kamay ko pero hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Isa Dwight!" sita ko sa kanya at pinilit kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak nya pero mas hinigpitan nya pa ito.

"Hala! Dwight daw? Tinawag sya si Chairman sa first name nya. Narinig mo din ba?" rinig kong bulong nung babae na empleyado ni Dwight.

"Oo girl, ano yan? First name basis sila ni Chairman? Ang taray ah!" komento naman nung kausap nya.

"Don't mind them, ako nalang ang isipin mo. Kikiligin ka pa" bulong ni Dwight sa akin.

"Kiligin mo mukha mo! Saan ba kasi tayo pupunta?" inis na tanong ko sa kanya.

"Date" maikling sagot nya sa akin.

Maikli man pero tagos sa buto ko ang sinabi nya, tama ba ang narinig ko?

Date?

Mag dedate kami? Kaming dalawa?

What the fuck! Ano na naman ang nakain ni Dwight William Roosevelt?!

Bweset!

Enebe kenekeleg eke.

Inisiip ko pa lang nakakakilig na.

___________________________________

SORRY SHORT UD AT BITIN.

My Seductress MistressWhere stories live. Discover now