MSM - 17

5.3K 76 14
                                    

Keira's POV:

One week na kami ni Dwight, official girlfriend nya na ako. Sa loob ng isang linggo ayos naman ang relasyon namin, sobrang sweet na nya at wala na talaga ang fubu thingy namin. Pero hindi nawawala ang sex life sa relasyon namin, masasabi ko na make love na ang ginagawa namin hindi na pure sex lang at sobrang saya ko dahil ako ang mahal nya kahit kasal sya kay BJ kahit alam kong mali.

Nandito kami ngayon sa isang beach resort. Kaming dalawa lang ang Guest dito dahil exclusive lang daw muna tong resort sa aming dalawa for 3D2N.
"Baby love, papasok na ako" sabi ni Dwight na nasa labas ng kwarto namin.

Inutusan ko kasi syang bumili ng pagkain sa baba dahil nagutom ako bigla at ayoko na tatawag sya para mag order ng pagkain.

"Pasok, hindi naman naka lock eh" sigaw ko para marinig nya talaga.

Pumasok si Dwight at may kasama na isang housekeeping na may dalang pagkain.

"Lagay mo lang sa center table" utos ni Dwight at sumunod naman ang lalaki.

Pagkatapos nyang maayos ang mga pagkain sa mesa lumapit sya kay Dwight.

"All done,  Sir" sabi nya kay Dwight.

"You may go" sabi ni Dwight at nagpaalam muna yung lalaki sa amin bago kami tinalikuran.

Naglalakad na sya papalayo sa amin at biglang pinahinto sya ni Dwight.

"Stop" sabi ni Dwight at lumingon naman agad ang lalaki sa amin.

"Sir? Do you need something?" magalang na tanong nya kay Dwight.

"No but come closer" utos ni Dwight sa kausap nya at sumunod naman ang huli.

"Your tip" diretsong sabi ni Dwight sabay abot ng three thousand sa kausap nya.

"Tip ko po?" takang tanong nya kay Dwight sabay turo sa sarili nya.

"Yeah. Take it, nangangawit na ako" cool na sabi ni Dwight habang ang kausap nya pabalik-balik ang tingin sa pera at kay Dwight.

"Kunin mo na, gutom na ako. Baka gusto nyo pa mag moment? Lumabas nalang muna kayong dalawa para makakain na ako" inis kong singit sa kanila.

Bakit bigla nalang ako naiinis ngayon?

"Sorry po, salamat po Ma'am at Sir" tarantang sabi nya sa amin sabay abot ng tip nya. Yumuko pa sya ng ilang ulit bago sya nag paalam sa amin ni Dwight.

"Baby love, bakit ang sungit mo? Naninibago na ako sayo, hindi ka naman ganyan ah?" takang sabi nya sa akin.

Lumapit sya sa akin, hawak nya ang tray na may laman na mga pagkain na gusto kong kainin at umupo sa likuran ko sabay lapag sa kama ng tray na dala nya. Niyakap nya ako at inamoy ang buhok ko.

"You don't want to eat these kind of foods but now you want to eat all of these" sabi nya sa akin habang hinahalikan nya ang buhok ko.

"You smell so good my baby love" dagdag nyang sabi sa akin at niyakap nya ako ng mahigpit.

"Ano ba! Gutom na ako, gusto kong kumain. Stop flirting Dwight!" inis kong sita sa kanya at hinarap ko sya.

"Isa rin 'yan sa nakakapanibago sayo, Keira" inis nyang sabi sa akin.

"So? Ano? Naiinis ka rin? Aba, gutom lang yung tao tapos nakakapanibago na? Tell me Dwight, ayaw mo na ba sa akin? May iba ka na naman bang babae bukod sa akin?" sa sobrang inis ko kaya napaiyak ako.

"Shit! Stop talking nonsense and stop crying!" inis nyang sabi sa akin.

"Stop crying your ass! Dahil sayo kaya ako umiiyak!" bulyaw ko sa kanya.

Bakit naging iyakin ka bigla, Keira? 

"Ssshhhh! Okay, I'm sorry. Stop crying baby love, I don't want to see you cry" tahan nya sa akin at niyakap nya ako.

Hinalikan nya ako sa noo ko at hinigpitan nya ang pagkakayakap sa akin.

I felt safe with his arms.

"I'm sorry" bulong nya habang nakatitig sya sa mga mata ko at tumango nalang ako.

"Tahan na, kainin mo na ang mga pagkain na 'yan" malumanay nyang sabi sa akin at umiling ako.

"What? Why?" takang tanong nya sa akin.

"Nawalan na akong ng gana" nakasimangot na sagot ko sa kanya.

"Gusto ko ng mangga at hiwaan mo ko ng maaga. Lagyan mo ng tuyo, suka, konting asin, sili at isang kutsarang asukal" naglalaway na sabi ko sa kanya.

"What?! Saan naman ako hahanap ng mangga?" inis nyang tanong sa akin.

"Aba! Problema mo na 'yan!" bulyaw ko sa kanya.

Sa sobrang inis nya ginulo nya ang buhok nya habang nakatingin ng masama sa akin.

"What? Ayaw mo? Oh sya, hindi na ako kakain!" sigaw ko sa kanya at tatayo na sana ako pero pinigilan nya ako.

"Stay! Hahanap ako ng paraan para makakain ka ng mangga" inis nyang sabi sa akin.

"Ayaw! Naiinis ka parin eh" tampong sabi ko sa kanya.

"I'm not" sagot nya sa akin at ngumiti ng pilit.

Huminga sya ng malalim at tinitigan nya ako sa mga mata ko.

"Baby love, are you pregnant?" seryosong tanong nya sa akin.

"Am I?" balik tanong ko sa kanya.

"Shit! Keira, seryoso ako. Buntis ka ba?" seryosong tanong nya sa akin.

"Bakit? Seryoso rin naman ako ah, buntis ba ako?" takang tanong ko sa kanya.

"Fuck! Hahanap na nga ako ng mangga mo!" inis nyang sabi.

Hinalikan nya muna ako sa labi ko bago sya tumayo.

"Aalis ako para mag hanap ng mangga mo, 'wag kang aalis dito. Hintayin mo ko, pag wala ka rito pagbalik ko ikukulong kita sa condo natin" inis nyang sabi sa akin.

"Oo na, sige na baby love. Umalis kana kasi gusto ko na talaga ng mangga" pagtataboy ko sa kanya.

You read it right may sarili na kaming condo unit, nakapangalan ito sa akin dahil baka malaman ni BJ if kay Dwight pinangalan ang condo namin.

"I love you, baby love" sabi nya sa akin, nasa may pinto na sya.

"I love you too, baby love" sabi ko rin sa kanya.

"I love you more, my baby love" sabi nya sa akin sabay wink.

"I love you most, baby love" sabi ko rin sa kanya at nag flying kiss ako.

Sinalo nya kuno ang kiss ko at hinalikan nya ang palad nya.

"I love yo--------" pinutol ko agad sya at nag salita agad ako.

"Oo na, alam ko naman na mahal na mahal mo ko eh. Gusto ko na talaga ng mangga, please umalis kana baby love" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Dyan ka lang, 'wag kang aalis o lalabas ng kwartong ito" bilin nya sa akin.

Nagpaalam muna sya bago sya lumabas ng pinto at iniwan akong mag-isa rito sa kwarto namin.

Ewan ko ba, bakit gusto kong kumain ng mangga.

Buntis nga ba ako?

Irregular pa naman ako.

Kailangan ko na bang mag pabili kay Dwight ng PT?

Paano kung buntis nga ako?

Uggghhhh!

Bahala na, basta sa ngayon gusto ko ng mangga!

My Seductress MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon