Chapter 16: Multiple Abilities

94 5 1
                                    

Chapter 16: Multiple Abilities

Ang bilis na ng mga takbo namin. Ang layo pa pala ng training room mula sa cafeteria. Umaakyat pa kami at nasa 5th floor pa raw ang training room. Sumasakit na ang paa ko at nahihirapan na akong huminga.

Huminto muna ako bago mag hagdan uli patungong 5th floor. Nasa 4th floor na kami ngayon. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin kina Shaye. Nanlaki ang mata ko nang nawala na sila sa paningin ko. Dali-dali akong umakyat at naglalakad na pala sila sa pasilyo. Hindi man lang ako hinintay!Hayst. Sabagay. Sanay na nga pala siguro sila.

"Wala bang elevator dito?" tanong ko kaagad nang maabot ko ang dalawa.

"Elevator?" Tumango ako sa tanong ni Shaye.

"Ah! Elevator ba? Meron naman."

Agad akong napahinto dahil sa sagot nila. Napansin kong napahinto rin sila at natawa dahil sa naging reaksyon ko.

"Eh meron naman pala! Saka nagmamadali tayo, 'di ba? Bakit pa--"

"Oops. Easy lang. Mamaya na iyan at nalalate na tayo! Bilis! Iba pa naman pag magalit si Sir Drich sa tuwing may mahuhuli sa oras ng training. Sige ka."

Ha?! Eh kung nagmamadali kami dapat nag elevator nalang kami. Napailing ako.

Iniwan ulit nila ako kaya kahit naghihirap pa akong maghabol ng hininga ay sumunod ako sa kanila. Lumiko sila sa kanan at naabot ko naman sila hanggang sa napahinto sila sa isang kakaibang pinto. Parang metal na pinto at kakaiba ito sa mga ordinaryong pinto. Walang door knob kaya napakunot noo ako.

Tumayo sila ng maayos sa harapan ng pinto at nagulat ako sa nangyari. Biglaang may laser na nag detect sa katawan nila nagmula sa taas ng pinto at biglaan itong nag kulay green bago ito bumukas na mala elevator.

Nagpauna silang dalawa na pumasok sa loob ng training room bago nanumbalik ang diwa ko at sumunod. Pagkapasok ko palang ay napamangha agad ako sa bumungad sa akin. Mala neon blue ang kulay ng training room at malaki rin ito.

Agad nabaling ang atensyon ko sa may glass area dito sa loob ng training room. Sa loob ng glass area ay puro kulay puti lang ang makikita. Nakita ko na mayroong mga gamit o weapons na nag e-elevate at pansin kong kino-control ito ni sir Drich habang nakatuon ang atensiyon sa harapan niyang nababalutan ng apoy, si Xavier.

Wait what? Don't tell me na ang training ngayon ay duel between sir Drich? Bagong salta pa lang ako pero ito na agad ang bumungad sa akin.

Napagdesisyunan kong ilibot muna ang aking paningin sa buong paligid. Sobrang laki talaga ng training room. Hindi lang siya basta basta na room dahil pansin ko ang may iba-iba itong parte. Gaya na lamang ng isang mesa at wall na puno ng mga iba't ibang klaseng weapons, high-tech technologies na hindi ako pamilyar at isang close area na gawa sa glass na kung saan makikita sa loob sila sir Drich at Xavier. Siguro iyon ang room for duels na training gaya na lamang sa kung ano ang nangyayari ngayon.

"Ang glass room na iyan ay area kung saan isinasagawa ang mga duels na training," bulong sa akin ni Shaye habang nakatuon din ang atensyon sa kanila sir Drich. Napatango naman ako dahil tama nga ang hinala ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang ibang miyembro na nandito sa loob. Nakita ko si Caedmon sa isang side dito sa loob na busy lang sa pag-eensayo ng kaniyang abilidad. May dala-dala siyang isang weapon at ito ay espada pala pero maya maya ay lumitaw ang isang shield na hindi ko alam kung saan nanggaling. Paano niya nagawa iyon?

Nakita ko naman sa isang area sa harap ng isang mesa si Azalea. Wala na siyang suot na eye glasses. Napansin kong ang mesa ay puno ng mga kagamitan na wala naman akong ideya kung ano ang mga iyon. May parang crystal,  mga malulumang libro at kagamitan, isang bowl at mas lalong nanlaki ang mata ko nang makakita ng isang skull. Ano iyon?

The Supernatural's Curse Where stories live. Discover now