[OS8] Slam Book

1.7K 32 8
                                    

[A/N]: *HAMBURU HAMBURU HAMBURU* Nakapag update din ng OSS ko at para to sa batang instik na itago nalang natin sa pangalan na Alexandria Marco aka Alex ♥ Request niya na siya ang gawin kong bida kaya heto na, epektib na epektib ang spell niya *HAMBURU HAMBURU HAMBURU*

Nalate sa Valentine's Day ♥

Short Video --> play at the right side.

---------------------------

February 2014

Napabili ako ng isang slam book dahil sa impluwensiya ng mga kaklase kong nagpapasulat sakin araw-araw sa kani-kanilang slam book. Balita ko nga ito daw ang uso ngayon sa highschool at lalong na uso pa dahil malapit na ang graduation ng higher year samin.

Minsan nga nakakapagod na magsulat sa ibat-ibang slam book kasi paulit ulit lang din naman ang sinusulat mo doon. Kung pwede nga lang na ipa-photocopy ko ang isang slam book na nasagutan ko na at ibigay nalang ang photocopy sa mga gusto pang magpasulat sakin, eh di sana matagal ko ng nagawa iyon. Kaso hindi pwede dahil matatawag akong KJ at ako lang ang taong gagawa non sa tala ng buhay. Hindi ba?

Pero sa dami at pauli-ulit na tanong sa slam book, may nag-iisang tanong doon na hindi ko masagot-sagot dahil hindi ko talaga alam kung ano ang isusulat ko.

"What is love?" basa ko sa natitirang tanong sa slam book ko. Kung yung who is your crush ay nasagot ko na kanina pa at kaya ko naman talaga sagutin yon kahit sa kaninong slam book pa yan, ay talagang sinusulat ko ang pangalan ng crush ko - Si Ian Somerhalder. Sino ba namang tao ang hindi magkakagusto sa lalaking yon, siya nga daw ang 'every girl's dream' pero minsan nakikigaya nalang din ako sa iba na ang sinisulat nila ay 'secret'

Pero eto talagang tanong na "What is Love?" ang palagi kong iniiwanang blangko maski sa lahat ng slam book na nasulatan ko na. Gusto ko kasi pag sasagutin ko to ay mismong nanggaling sakin talaga ang mga salita. Ayoko yung kung san mang lupalop nakuha yung definition nila sa Love - mga tipong : Love is like a rosary that is full of mystery - nakakasawa basahin. Promise.

Kung ibang tanong to ay masasagot ko pa pero kung eto at eto lang din naman ang tanong, hindi ko talaga alam dahil hindi pa ako na iinlove sa lalaki. Diyan tayo dehado - sa pag-ibig.

Hindi ko nga din alam kung bakit hindi ko pa nararamdaman yung tinatawag nilang "my heart skips a beat" "I feel butterflies in my tummy" o yung "My time stops when I'm with you" - ni isa diyan wala pa akong nararanasan saka totoo ba talaga yang mga yan? o gawa-gawa lang ng mga taong inlove kaya nagiging korny sila? Siguro nga ganon nga. Iba talaga ang nagagawa ng love.

"What is Love?" basa ko ulit sa tanong ng slam book pero sa pagkakataon na to may narinig akong boses na sumagot sa binasa kong tanong.

"Love is lethal" sagot ng lalaki sa kabilang puno na kanina ko pa sinasandalan dito sa school garden namin.

"Sino ka?" tanong ko sakanya agad at nagsimula na akong tumayo para tignan siya sa kabila kaso wrong move ako dahil biglang tumaas ang boses niya.

"Huwag kang sisilip!" sabi niya sakin at napabalik naman ako agad sa pagkaka upo ko.

Ang sungit naman pala nito.

"Masama bang tignan ka? Gusto ko lang makasigurado kung tao talaga ang kinakausap ko" sabi ko na may halong pang aasar sakanya at hanggang sa katahimikan na lang yung namagitan samin.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon