[OS10] Huling Byahe

1.3K 24 5
                                    

[ATTN: Tandaan ang mga oras na nakasulat para mas maintindihan ang takbo ng storya. 25s Short Video for OS#10 ----> ]

9:40 PM

9:41 PM

9:42 PM

Hindi ko matigilang hindi titigan ang relo ko kahit na alam kong nakakasawa nang mag intay palagi sa isang taong gusto kong makita simula noong umalis siya, kaso anong magagawa ko kung ang puso at utak ko ay magkasundo sa pag-iintay sakanya? 

9:43 PM

Ramdam na ng mga paa ko na gusto na niyang umalis sa kinatatayuan ko at sumakay na pero hindi ko magalaw dahil nagbabakasakaling makita at makasabay ko na siya ngayon sa huling byahe ng tren.

9:44 PM

9:45 PM

Nakita ko na ang liwanang na nanggagaling sa tren at hudyat na yon para pumikit ako sa paparating na malakas na hangin, na nararamdaman ko ng humahampas na ito sa buong katawan ko. Heto nanaman ako, napapaisip kung gagawin ko ba ang nakasanayan kong gawain tuwing nasa harapan ko na ang tren. 

Kailangan ko na bang tigilan ang pagbibilang na makita siya? Dahil.......

"Miss tumabi ka 9:45 AM na Late na ako!" napalingon ako ng biglang binangga ako ng isang babae habang nakatitig ako sa orasan ko, kaya halos lahat ng mga pasahero na nasa likod ko ay ganoon din ang ginawa sakin. Nakakabastos siya kaya naman hinabol ko ang babaeng nanigaw sakin at hindi ko naman sinasadya na mapatisod siya dahil na din sa mga taong nakikipagsiksiksan na pumasok sa loob. Nang dumako ang tingin niya sakin ay agad agad akong tumalikod dahil mukhang mahilig sa away ang babaeng yon. 

Pumunta ako sa pintuan at nang sumara na ito ay saka naman ako sumandal para kahit papano ay makapag pahinga ang binti ko kapag ibabalanse ko ang katawan ko. Ilang segundo pa ay nakita kong nagpapaupo ang mga lalaki sa mga babaeng bagong pasahero kaya nagsimula na akong maglakad dahil may isang bakanteng upuan pang natitira pero naramdaman kong napabalik ako sa pagkakasandal ko sa pintuan. 

ANG LAYLAYAN NG BISTIDA KO!

"Oh s***" yun nalang ang nasabi ko nang makita kong naipit pala ang bistida ko sa pintuan at nakarinig ako ng mahinang tawa sa tabi ko. 

Nakakahiya!

"Baka masira bistida mo miss" sabi sakin ng lalaking katabi ko na nakangiti sakin. 

Wala na akong nagawa kundi ngitian na din siya dahil sa sobrang kahihiyan na nangyari sakin at ang masaklap pa don lalaki pa ang nakakita. Ayos lang sana kung kapwa babae ko ang katabi ko kaso hindi eh. 

Hinayaan ko nalang na ganon ang sitwasyon habang hinihintay ko ang tren na dumako sa susunod na istasyon. Ilang minuto na hindi padin ako mapakali dahil inaalala ko sa pag alis dito ay madumi na ang laylayan ng bistida ko lalo pa at papasok ako sa trabaho ko.

Ilang linggo palang ako sa 'bago' at 'una' kong trabaho pagkatapos ko makapagtapos ng kolehiyo. Kung tutuusin pakiramdam ko dalawang buwan na ako doon dahil sa hirap ng byahe na makipagsisikan ka sa mala sardinas na MRT tuwing umaga. Nakakapagod pero wala ako magagawa dahil ito na ang pinakamabilis na byahe sa lahat; magtitiis ka nga lang sa ganitong sitwasyon.

*Cubao Station*

Hinanda ko na sarili ko sa mga taong papasok na ng tren dahil sila daw ang tinatawag na SPARTAN at hindi naman nagkakamali ang mga tao. 

Sa sobrang bagal magbukas ng pinto ay ganon nalang ang bilis ko na maiusog ang sarili ko sa pinakagitna ng tren pero may pumigil nanaman sakin at mas kinagulat ko pa na kamay iyon ng lalaking kumausap sakin kanina saka niya ako hinila papunta sa bakanteng upuan na nasa tabi lang pala namin.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now