Chapter 4

3K 137 4
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 4


Wala namang masyadong importanteng nangyari sa History class na 'yun. Every Tuesday, nakikita ko nga siya. 

Happy Crush nga lang, sabi ko sa sarili ko. Wala masaya lang ako talaga kapag nakikita ko siya.

So malamang ngayon nagtatanong ka kung bakit crush na crush ko na siya ngayon?

HINDI KO DIN ALAM LIKE SHIT.

Hindi ko alam kung bakit. Bakit ngayon pa?! Naiirita din ako. Second semester na pero bakit crush ko pa rin siya? He is so first semester ago💁 nah-hurt ego ko dahil crush ko pa rin siya hanggang ngayon.

Bakit ba kasi biglaang ganito?!

Bakit ba kasi paglabas ko ng Room 203 biglaang nando'n siya sa labas? Bakit ba kasi paglabas ko humarap siya sa'kin? Bakit niya ba kasi ako na-recognize? Bakit niya pa kasi ako naalala?

Sana tinago na lang niya na na-recognize niya ko para naman hindi na ko napapaisip! Kasi oo, naaalala niya ko. Kilala niya ko sa mukha kung hindi man sa pangalan.

Babae lang naman ako. Kapag may lalaking gwapong nakakaaalala sa'kin hindi maiwasan ng puso ko na tumibok nang mabilis.

Ivo, kasi bakit ba ganito?

Wait. May nangyari palang importante sa History class na 'yun.

'Yung panahon na kinontra ko ang tadhana at naging mag-groupmate kami para sa finals project.

Chronicles ng Babaeng TorpeWhere stories live. Discover now